Tiffany Kate's POV
"Trixy, sigurado ka ba diyan sa gagawin mo?"
Tanong nung isang babae na kasama nung babae na may hawak ng kutsilyo na nakatutok pa saakin."Mukha ba akong hindi sigurado?!"
Sigaw niya. Now, I know na kung bakit niya ginawa saakin ito. It's because kay BJ, alam 'kong patay na patay ang tatlong ito sa kaniya at hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga si BJ eh.Walang masama kung magka-gusto sila sa kaniya, saksak ko pa nga si BJ sa kanilang mga baga eh. Pero ang issue dito, bakit kailangan na pati ako ay kailangan na isama sa kanilang mga kalokohan? Well... Ganun ba talaga sila kababaw? Papatay sila ng isang inosenteng tao nang dahil lang sa selos?
"Wait..."
Sabi ni Trixy. Ibinaba niya muna saglit yung kaniyang kutsilyo at itinago sa kaniyang bulsa. Hinawakan niya ang kaniyang baba na parang malalim ang iniisip.
"Aha!"
Saka siya humalakhak ng napaka-lakasNababaliw na ata. Ganyan ba talaga ang nagiging sanhi kapag nagka-gusto ka sa isang tao? Magiging baliw ka? Baliw sa pag-ibig.
"I know,"
Sabi ni Trixy. Pinag laruan niya ang kaniyang buhok habang pinag mamasdan ang buo 'kong katawan. And it's irritating me -__-"Mas maganda kung hindi natin siya papatayin ng biglaan!"
Masayang banggit niya. Okay, sino ang matinong tao na magiging masaya sa pag-patay ng kapwa-tao? Matino ako, and I can say that. I'm not a killer like her."Mas maganda kung papahirapan muna natin siya. Unti-unti natin siya papatayin. Hindi kasi thrilling kapag pinatay kaagad natin siya."
Nakita ko na yung dalawa niyang kasama ay parang gusto nang mag back-out. True, wala na kasi talaga sa katinuan si Trixy.Nakita ko siyang kumuha ng isang malaki at makapal na kahoy. Kaya bigla akong natakot. Ngayon lang ako natakot ng ganito, dahil ngayon lang naman nangyari saakin ang ganitong bagay.
"Please, stop this. Wala ka na katinuan–ahhh!"
Naramdaman ko na lang bigla na lang niya inihampas sa likod ko yung kahoy.
"Don't you dare to judge me!"
Sabi niya"Hey! Do something!"
Sabi niya pa sa kaniyang dalawa pang kasama. Hindi kumilos ang dalawa kaya mas lalong nagalit si Trixy.
"Ano, duwag kayo?"
"Trixy, hindi na tama 'yang ginagawa mo."
"Tama 'to kapag ang dahilan naman ay si Joseph."
Sabi ni TrixyUmiling na lang ang dalawa
"Mga duwag! Kung hindi niyo gagawin ang gusto ko, mabuting lumayas na kayo dito! Hindi ko kayo kailangan! Mga duwag!"
Sabi pa nito. Hindi na nag dalawang isip pa ang dalawa at lumabas na din ang mga ito.Nagulat ako dahil bigla na lang ako hinampas pa ulit sa tuhod ni Trixy nung kahoy.
"AHHHHH!"
Halos mangiyak-ngiyak na ako dahil sa sobrang sakit na
"Itigil mo na 'to!"
Sigaw ko paBigla niyang binitawan yung kahoy at saka niya ako biglang sinabunutan.
"M-Masakit!"
"Mabuti at sinabi mo na din 'yang katagang 'yan. Ano, masakit diba?"
"Wala kang puso."
Gigil 'kong sabi sa kaniyaNakita ko ang pag daan ng galit sa kaniyang mga mata. Nag smirk ako kaya mas lalo pa siyang nainis saakin
"Akala mo, magugustuhan ka ni Joseph? Kapag nalaman niya na ikaw ang gumawa saakin nito, panigurado at kamumuhian ka–"
"SHUT UP!"
Sabi niya kasabay ng pag kuha niya ng kahoy sa sahig at saka ito inihampas ng malakas sa tiyan ko.Bigla akong hindi naka-hinga dahil sa lakas ng impact ng kaniyang paghampas sa aking tiyan. Napa-ubo ako kasabay ng paglabas ng dugo mula sa aking bibig.
Nabasag na yung salamin ko kaya hindi na ako maka-kita ng maayos. Medyo nag blu-blur na ang lahat ng nakikita ko.
Umakyat lahat ng dugo saakin nang makita 'kong inilabas niya ulit sa kaniyang bulsa ang kutsilyo. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...