CHAPTER 42: Enchanted Kingdom

116 19 1
                                    

Tiffany Kate's POV

Ilang araw na din ang naka-lilipas simula nung nag laban sa basketball ang Team Eagles at Team Lions. Walang pasok ngayon dahil Sunday. Naka-kulong lang ako sa kwarto ko at naka-salampak sa higaan ko. Ang bored naman kasi ngayon, walang magawa.

Si Cohlyne, nasa bahay ng kanyang mga kaibigan. Tapos si BJ naman, hindi ko alam kung ano ang ginagawa.

~SIGH~

Napatingin ako sa kalendaryo na naka-sabit sa katabi ng study table ko. Naka-isang buwan na pala ako sa pagiging slave ko kay BJ. Dalawang buwan na lang pala ang natitira. Dalawang buwan na lang, tapos na lahat ng pag hihirap ko dito kay BJ.

*knok knok knok*

"Slave, ako 'to."
Rinig 'kong sabi ni BJ sa labas ng pintuan ko. Bakit na naman ba siya andito?! Para ba asarin na naman ako?! =___=
"Come in."
Sabi ko.

Bumukas 'yong pinto at iniluwal nito si BJ
"Bakit?"
Panguna ko
"Uhhh... Nothing, I'm just bored."
Sagot ng mokong. -__-

So, he's bored. Kaya ako ang pag ti-tripan na naman niya? Wala ako sa mood ngayon, okay?

"So?"
Mataray 'kong tanong sa kanya. Bakit ba kasi siya andito sa kwarto ko?
"Labas kaya tayo? Nakaka-sawa na din kasi din dito sa loob ng mansion eh. Wala rin naman kasi dito si Cohlyne..."
Wow! Himala! Buti at nag sawa ka din sa loob ng mansion mo.

"Ikaw na lang kung gusto mo, ayokong lumabas."
Sabi ko sa kanya.
"Uhm... Okay, ikaw bahala."
Rinig 'kong sabi niya. Himala, at hindi niya ginamit 'yong line niya. Pero parang bigla naman ako na-guilty nang hindi ako pumayag sa alok niya.

Oo, aaminin ko. Nakaka-sawa na din dito sa loob ng kanyang mansion. Halos nalibot ko na nga 'yong buong Castle House eh, saulo ko na nga ang bawat sulok dito.

Napa-tingin ako kay BJ na malapit na sa pintuan ko papalabas. Hindi ko alam pero parang bigla na lang nag bago ang isip ko at gusto 'kong sumama sa kanya.
"Teka lang!"
Pigil ko sa kanya. Humarap siya saakin na parang nag tatanong ang kanyang mga mata ng 'why?'

"Sasama na ako."
Pag ka-sabi ko nun, nakita ko siyang masayang ngumiti saakin
"Okay. Punta lang ako sa kwarto ko, mag bibihis lang. Tapos, after that alis na tayo."
Sabi niya saka siya tuluyang umalis na sa kwarto ko.

Pag ka-alis niya, agad akong bumangon mula sa pag kaka-salampak ko sa higaan ko at saka dumeretso sa cabinet ko. Nataranta ako nang hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Ilang beses din ako nag papa-palit-palit ng mga damit ng maayos na idamit. Pero nang maka-pili na ako, agad akong dumeretso sa CR at saka naligo ng mabilisan. Nang matapos na ako sa paliligo, agad akong nag suot ng damit ko at saka lumabas na ng CR. Humarap ako sa salaminan at saka kinuha duon 'yong brush na naka-patong sa table non. Sinuklay ko ng mabilisan 'yong buhok ko at saka nag ayos ng sarili ko.

Natigilan ako nang maisip na bakit nga ba ako sobra kung mag madali? Bakit tarantang-taranta ako?

*knok knok knok*

Napatingin ako sa pintuan ko at nakita 'kong nag bukas eto, at iniluwal nito si BJ.
"Okay ka na?"
Tanong niya saakin.
"Uhhh... O-Oo."
Sagot ko naman. Ibinalik ko na ulit 'yong brush sa kung saan ko ito kinuha.

Kinuha ko yung pouch ko na naka-patong sa higaan ko at saka lumapit kay BJ.
"Tara na."
Sabi ko. Nauna siyang lumabas ng kwarto ko kesa saakin.

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon