Porgatoryo

302 3 0
                                    

Hi mga ka-spookify . I am one of the avid reader here. I hope na sana ma-post po itong ishi-share ko. Sana po Admin Thank you po in advance. Bear with me kung di man po nakakatakot. Hanggang ngayon kasi di ko parin yun makalimutan.

10 yr old palang ako nun sa bicol pa kami nakatira and It happened December di ko matandaan yung exactly date and yr pero alam kong December yun kasi Simbang Gabi yun. Btw, I'm K.

First time ko nun magsimbang gabi since nagkayayaan kaming magpipinsan with some friends narin nila. Sumakay kami ng tricycle nun para mabilis makapunta sa simbahan. Nung nandoon na kami sakto nagsimula na yung misa kaso sa labas na kami dahil puno na yung upuan sa loob. Since nasa labas kami kaya nakalibre kami ng lugaw na binibigay sa mga tao. Nasa kalagitnaan na ng misa nang may marinig kaming sumisirenang ambulansya kaya medyo nadistract yung mga tao na nasa labas pati kami pero balik ulit kami sa pakikinig. Nang matapos na yung misa pauwi na kami.. tricycle ulit.Dalawa kaming nakapwesto sa labas I mean sa likod ng diver... nang mapadaan yung sinasakyan namin sa may tulay akala ko ako lang nakapansin pero yung pinsan ko rin palang lalake ...nagtaka kami kasi kahit madilim ng dumaan yung tricycle kanina papuntang simbahan wala pa yun dahil kita naman sa ilaw ng motor sa harap pero nung dumaan kami doon ng pauwi na may dugo na yung kalsada. Tapos nakauwi na yung iba kaso ako tumuloy ako sa tita ko kaya di pa ako umuwi samin (that time kasi takot rin ako dahil may kababalaghan din kasi sa bahay namin) Pagdating namin dun nagtaka kami kasi bakit parang balisa yung kuya ng pinsan ko at nakita namin na may dugo yung damit na suot niya. Tapos andoon rin yung ibang barkada nila balisa. May isa doon na sinusuntok yung puno ng niyog sa harapan niya at naluluha hanggang sa dumating yung papa ng isa sa mga kaibigan nila.. Tinanong kung ano raw ba talaga ang nangyare so kami naman nagtaka kung anong nangyayare pero dahil mga bata lang kami kaya nakinig nalang kami... at doon kami nalinawan lalo na ako. Doon ko rin nasabi na yung dumaan palang ambulansya is ang sakay ay yung kaibigan nila.

Ayon sa kanila 8 silang magkakasamang magtotropa.. naglakad lang sila kasi trip nila tapos nung dadaan na sila sa tulay (kung saan nakita namin na may dugo) sa di kalayuan nakita nilang may dadaang motor pero maayos naman yung takbo kaya parang wala lang sila until yung isa nila kaibigan napansin na may nakadapo palang itim na paru-paro sa balikat ni kuya M kaya sinabi nila yun sa kanya tapos instead na matakot, na-astigan pa sila kasi midnight tapos may paruparo? kaya ginawa nalang biro nila pero nung nasa gitna na sila ng tulay nagulat sila ng biglang ma-hit and run yung kaibigan nila ng motor na yun which is nasa gitna ng lahat na imposibleng madaanan ng motor kasi pwede naman daw sa gilid or yung nasa dulo ng kalsada na kulang nalang pumagitna sa kalsada pero bakit yun pang nasa gitna na kitang-kita nilang imposibleng matamaan noon. Tapos habang nagkukwento sila... dumating na yung kapatid ng naaksidente sabi patay na raw ... so kami naman instead na bumalik sa tulog sumama kami sa bahay ng kaibigan nila at doon nakita naming nagwawala yung mama niya... 

Narinig namin sa kanya : Sana naniwala nalang ako ma( lola ng namatay) sana naniwala nalang ako sayo.

Lahat kami nagtataka...

Ayun pala bago mangyari ang lahat... 2 days bago mangyari yung aksidente nagkwento pala sa kanila si kuya M (code name sa namatay) na Nanaginip pala siya... sa panaginip niya nakita niya na madilim. Akala niya totoong nangyayari kaya sinabi niya na bakit daw pinatay yung ilaw... wala raw siyang makita. (narinig yun ng mama niya kaya naalimpungatan) Hanggang sa kumakapa na siya sa dilim which is habang ginagawa niya yun sa panaginip niya kumikilos rin pala yung tulog niyang katawan... at kumakapa rin pero ang kaibahan kasi bukas yung ilaw nila. Hanggang sa panaginip niya napahinto siya kasi may nakita siyang umuusok kaya pumunta siya doon where in yung tulog niyang katawan is papunta ng pintuan nila sa sala... doon na nagising yung mama niya at sinabing : saan ka pupunta M? Alas 3 na ng madaling araw lalabas ka pa?! Ano pupunta ka na naman sa barkada mo? 
Di kasi aware yung mama niya na nananaginip yung anak niya kung baga nag-sleepwalk siya.. so back again sa panaginip ni kuya M. Nung andoon na raw siya sa parteng may usok may nakita siya... kahoy akala niya upuan sa una pero ng makita na niya ng kabuuan kahoy pala na dating kabaong nung mga sinaunang panahon unlike ngayon na magara na so ayun... nagtaka siya bakit may ganun daw sa bahay nila so tinawag niya yung mama niya which is narinig naman ni tita at sumagot ito ng bakit? pero tulog si Kuya M and she's not aware. Sa panaginip ni kuya Marlon walang sumagot kaya binuksan nalang niya yun pero sa panaginip niyang yun sa reality yung pintuan nila sa sala yung binubuksan niya at nang mabuksan yung pinto which is kabaong na kahoy sa panaginip niya doon na siya nagtaka kasi sabi pa raw niya sa sarili niya ako yan ah? ba't nandito ako natutulog?? tanong ni kuya M sa sarili niya and yun yung time na hinila niya yun pero sa reality hinahatak na niya yung pintuan nila at dahil sa ginawa niya nagalit yung mama niya kasi parang baliw daw until na-realize niya na: Bakit nand'yan ako eh nandito ako nakatayo? then doon na siya natakot at nagsimulang magsisisigaw si kuya M na: Ma yung ilaw buksan mo wala akong makita!!! Ma bilis?! pero sa reality nagdadamog na parang bata si Kuya M kaya natakot na si tita kasi parang baliw yung anak niya kaya nilapitan niya yun at bigla nalang nangisay si kuya M kaya mas lalong natakot yung mamaya kaya nagising narin papa niya at dahil hindi siya magising kahit sinampal na binuhasan siya ng kalahating balde ng tubig tapos doon na siya nagising... tapos umiiyak siya ng maubatan doon na siya nagsimulang magkwento sa napanaginipan niya. Sabi ng lola niya padasalan siya kaso hayaan nalang daw sabi ni kuya M.

Hanggang sa libing niya nagparamdam siya sa mga tropa niya sa panaginip and the rest is hindi ko na matandaan but then again di ako makapaniwala sa narinig ko kaya mas lalo akong natakot sa bahay dahil wala kaming kasamang magulang pero kailangan magpakatatag dahil panganay kaya kahit natatakot ako di ko pinapakita sa mga kapatid ko.

Bikolanang Dyosa

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon