This will be the very first time that I will share my experience about my boss.
Dahil mahirap lang kami, naglilingkod ang buong angkan ko sa pamilya ng Boss ko ngayon. Tawagin natin si Boss ng Boss Li, singkit kasi hahaha tapos mukhang Chinese.Base sa pamamalagi ng Lolo ko sa bahay malaki pero lumang bahay ni Boss Li, ni minsan hindi daw siya nagkaroon ng bisita. Sabi sakin ni Lolo dati, wala daw talagang pamilya si Boss Li. So, nag taka ako nun.
"Hindi ba't tumatanda ho ang tao?" Pero tumawa lang si Lolo nun tapos magkamukha lang sila ng tatay niya kaya parang mukhang isa lang yung pinaglilingkuran ni Lolo.Nung namatay si Lolo, at dahil may sakit si tatay, ako yung pumalit. Nitong nakaraang buwan lang ako pumalit kay Lolo.
February 12, 2017.
Eto yung unang araw ko sa Boss Li residence. Nabighani ako siyempre. Ikaw ba naman makita mo yung barong ni Andres na nakasabit sa dingding pagpasok na pagpasok mo e. Perstaym ko din makita si Boss Li nun, bukod sa makinis at maputi, gwapo din. P*ta muntik akong maging bakla sa kanya non hahaha.Weird things happened simula nung naglingkod ako kay Boss Li. Ewan ko ba, pero minsan lang siya lumabas ng kwarto niya. Lalabas lang pag magsasabay kami kumain o minsan lalabas lang ng bahay kapag may bibilhin. Para ngang siya yung may-ari nung lugar namin kasi bawat tao dun sa amin, binabati siya pag nakikita siya. Hindi kasi ako dito lumaki kaya hindi ko alam kung paano nag lingkod si Lolo at kung ano mang milagro nagawa ni Boss Li at nagustuhan siya ng masusungit na pusit dito.
February 20, 2017.
Natapos yung first week ko na halos wala akong ginawa sa bahay ni Boss Li kasi, hindi sa pagiging tamad, wala lang talagang dapat linisin hahaha. Nung isang araw lumabas ng bahay si Boss Li at nagpaalam sakin na mawawala siya ng dalawang araw, asahan ko na raw siya na makauwi sa ikatlo at ipaghain ng almusal kasi paniguradong hindi naman daw siya matutulog pa.Nung pag alis na pag alis niya, siyempre chineck ko muna kung clear na clear na. Hindi naman ako magnanakaw kahit na sobrang mamahalin ng mga gamit niya dito, may gold bar pa nga na nakatambak lang sa labahen e. Agad-agad kong binuksan yung kwarto ni Boss Li tapos tinignan ko yung mga records niya dun. Wala naman siyang criminal records, at isa pa, sobrang daming libro sa kwarto niya. Iba't-ibang taon. Siguro, yung pinaka oldest book na kita ko don, ginawa nung 1400s tapos latin yung language. Imaginin mo, 1400s pipol, 400 years from now ginawa yung libro. Sobrang luma at sobrang kapal.
Habang tumitingin ako ng makalumang libro dun sa kwarto niya, nakarinig ako ng kalabog na nangaling sa 3rd floor. Hanggang 3rd floor lang yung bahay ni Boss Li, pero malaki. Medyo, nangangatog pa kong umakyat sa taas non, sino bang hindi? Eh ang alam ko, ako, si Boss Li tsaka yung pamilya ni Jerry na ngumangata ng keso sa basement lang yung mga nilalang na naninirahan sa bahay na to e. Sa isang linggo ko rito, ngayon lang ako nakarinig ng kalabog.Bago ako makaakyat sa 3rd floor, biglang bukas nung pinto sa baba. Napasigaw ako ng sobrang lakas tapos si Boss Li pala yung pumasok.
"Boss Li, akala ko umalis ka na? Eh wala pa pong 30 mins nakauwi ka na, masaya ho bang mag teleport?" Nginitian lang ni Boss Li yung kakornihan ko tapos may binanggit siyang mga salita sa ibang language. Tapos nawala yung mga kalabog sa 2nd floor.Simula non, hindi na ko naniwala na tao si Boss Li. Kasi naman e, tinignan ko yung picture nila ni Lolo, yung picture ni Lolo yung totoy pa siya pero nasa WW2 sila ni Boss Li, OO si Boss Li yung nasa picture kasi ganun parin hairstyle niya hanggang ngayon. Tinanong ko siya kung bakit ganun parin itsura niya e halos ilang dekada na ang lumipas. Marami akong tanong, mas marami pa sa boto kay ng mga tumatakbong Presidente nung eleksyon.
"Makulit ka rin pala, parehas kayo ng Lolo mo, may pinagmanahan ka, Zack." Perst taym ko matawag sa pangalan galing kay Boss Li. Totoy kasi palayaw nun sakin.So, eto na nga hindi ko na pahahabain ang kuwento, nung gabing yun, nasa mood ata mag kwento si Boss Li kaya napakwento siya. Maraming hindi maniniwala, pero basta ako, sa mismong source ko to narinig, kaya wala akong karapatan para hindi maniwala.
Base sa kaniya, wala siyang pamilya, literal. Isa lang siyang kagamitan sa simula. Yes, simula. Yung mismong simula pipol. Before dinosaurs, before Jesus Christ, buhay na siya. Nilikha siya matapos palayasin ng Diyos sila Adan at Eba, hindi ito naisulat sa bibliya sa kadahilanang nanghingi siya ng pabor sa Diyos, na bakit daw binigyan ng buhay ang isang nilalang na ayaw mabuhay. Para sa kagustuhan ng Diyos na bigyan siya ng buhay, nag request si Boss Li na itago ang pagkatao niya sa mga nilalang na ginawa niya. Ayon kay Boss Li, sa tagal niyang namalagi sa mundo, kasi binigyan na rin siya ng free will ng Diyos, nagmamasid lang siya. Ayaw daw niya kasing makihalubilo sa mga makasalanan. Oo, makasalanan naman na talaga tayo sa simula pa lang nang kainin ni Eba at Adan yung sinumpaang prutas e.Napakarami kong nalaman simula't sapul na nag k-kwento sakin si Boss Li about sa buhay niyang walang hanggan.
Kinuwento niya sa akin kung paano itapos sa impyerno si Lucifer ng Diyos. Kinuwento niya rin sa akin kung gaano yung paghihirap ni Noah para lang mabuo yung Ark. Lahat-lahat. Actually, maraming faes/fairies,fey na naninirahan sa mga magubat na lugar. Kaso, iilan lang ang pwedeng makakita sa mga nilalang na to. Eto nga yung mga taong may kakayahan. Humans that can see the pasts and the future of another human. An ability to read minds, to move objects using the mind, to see other's capabilities, to see other's energies, lifespans etc. Yes, sobrang dami nila. Around the world ang humans with abilities. Nakalimutan ko yung name nung lalaki na isa sa mga humans with abilities, kasali siya dun sa America's Got Talents. He literally can read minds, it's not a lucky guess. Yun yung sabi ni Boss Li.
"You see, Zack, kapag ang tao, malakas ang energy sa katawan, kahit wala kang kahit anong ability, kahit common sense lang, ma s-sense at ma s-sense mo talaga na may kakaiba sa taong yun. At dun lumalapit ang mga nilalang na di tinanggap ng langit at niluwa ng lupa, mga engkanto, mga alagad ng dilim." So, ako tong si matatakutin, tumayo yung balahibo ko.
"Kung natatakot ka sa mga lamang lupa, mas matakot ka sa mga nilalang na kinalaban ang Diyos pero buhay parin hanggang ngayon."
Eto, t-try ko tandaan yung exact words niya kasi eto talaga yung tumatak sa isip ko.
"1600s non, Zack. Kasama ko yung mga di kilalang scientist sa Europe at nag explore kami sa kagubatan ng Africa. Experienced explorers naman yung mga kasama ko, kaya di hassle sa kanila na mag explore sa isang napakadelikadong lugar. Nakakita pa nga kami ng templo noon e. Sa kakaloko nung isa kong kasama, nag collapse yung bato na tinatapakan niya. Hinanap namin siya, sigaw kami ng sigaw pero walang sumasagot, and then may nakita kami babaeng nakahubad. I mean, hindi siya nakahubad as in kita lahat, nakabalot yung private part niya ng sinulid na galing sa balat ng tao. Nabanggit nga nung kasamahan ko yung pangalan ni Kristo, pero pag kasabi niya non, nagsalita yung nilalang. Alam ko kung ano yung sinabi niya, Zack. Salita naming mga nilalang sa langit yun. Translate ko na lang sayo kasi hindi mo rin maiintindihan, wag daw banggitin si Kristo, mas matanda raw siya kesa sa kanya, at mas malakas kesa sa kaniya. Doon siya nag-wala. Namatay silang lahat, ako lang ang natira, kilala niya kasi ako. Pero, hindi ko siya kilala. Umalis agad ako sa lugar na yun. Hindi sa natakot ako sa nilalang na may lakas loob na hamunin ang kapangyarihan ng anak ng Diyos, dahil, Zack, baka hindi mo ko paniwalaan, pero siya yung unang anak ng Diyos."
Doon na. Doon na ako kinilabutan ng todo. Knowing na isang anak ng Diyos, much more an evil one, e nabubuhay parin hanggang ngayon. Parang mas gugustuhin kong maging bato na lang for the rest of my layf, pero di ko pwede iwanan si Boss Li, ilang taon siyang mag isa e. :'<Hindi ko kayo pinipilit maniwala. Ang naikwento ko ay ang sinabi lang ni Boss Li.
Kung i b-base niyo daw by level ang mga delikadong nilalang level 2 lang ang mga engkanto at aswang. Sad to say daw, sa mga giant addicts, lahat ng giants nalunod noong panahon ni Noah. The day of cleansing the world's population.
As for Boss Li, sabi niya saken, ikwento ko na lang sa social media kesa sa personal, dahil daw ako'y mukhang bata, hinding-hindi ako paniniwalaan bagkus ay pagtatawanan pa sa baryo namen.
T-try ko pong mag post, if mag k-kwento pa sakin si Boss Li about sa past niya bilang isang nilalang na malapit sa Diyos.
20**
Zack Fair
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?