Sirena sa Palawan

78 1 0
                                    

Sirena sa Palawan
Hello po gusto ko lang pong mag share ng kwento na alam kong hindi lahat ay maniniwala. Oo malinaw mata mo ""Sirena"" nga yung title ng storya ko hahaha ibabahagi ko lang sa inyo mga naranasan ko.
Last 2016, nakaipon sila mama at papa ng pera para makauwe kame ng Palawan. Gusto kase ni mama na makilala namin yung relatives namin sa side at syempre makilala rin kame ng mga taga roon dahil dalaga pa si mama nung huling kita sa kanya at syempre ipapakilala nya kaming mga anak nya.
(Skip ang byahe)
Nakarating kame galing kame from Cebu pacific to Puerto princesa mga one and a half hour. Nag stay kame sa city ng tatlong araw para magpabook ng room sa hotel para paglagyan ng gamit namin at mag arkila ng sasakyan para sa byahe kase hindi naman sa City naka tira mga kamaganak ni mama, nakatira sila malayo sa city, nakatira sila sa mga Isla na sabe ni mama sobrang layo.
Kinabukasan pagkakuha namin ng sasakyan, umalis na kame ng 7am dala lang namin eh mangilan ngilang damit lang. Ang saya nung part na papalayo na kame sa city kase paonti na ng pa onti yung mga tao sa daan at yung mga family car or mga private car eh napalitan na ng mga ten wheeler truck na may mga kargang troso at mga Shuttle (Van) na puro turista na ang nakasakay papuntang coron or sa ibang part pa. Yung dinadaanan namin na from aspalto naging magraba, 3 hours na sa byahe naging maputik na at bago makarating sa Pangkol (daungan ng maliliit na boat) naging maalikabok to the point na zero visibility na at malubak. Nagrerrklamo na kapatid kong babae na maarte HAHA. Nasa pangkol na kame nakita ni mama yung kaibigan nya nakatira malapit sa daungan, kamustahan sila mga ilang minuto. Nanay kong mautak, nakipag kwentuhan daw sya para daw makahingi ng pabor na kung pwede iwanan muna yung sasakyan namin dun. Pumayag yumg kaibigan ni mama. Salamat naman. Almost 7 hours yung byahe namin papunta dito.
Sumakay na kame sa bangka na natawaran ni papa ng 1000 para ihatid kame sa Pirates Island. Almost 2 hours na kame sa bangka at sinusulit kona agad yung tubig kase naka lawit yung paa ko sa gilid. May natatanaw ako sa malayo na hindi ko malaman kung ano kase malabo ang mata ko, ang nakita ko buntot na malaki na kulay green, sure ako. Sinabe ko agad yun kay mama pero di pa sya nakakasagot, sumali sa usapan yung bangkero namin. Tinanong nya ako kung sigurado ako, which I replied ""Oo"" kase kitang kita ko naman sya at alam ko ang pinagkaiba nung bagay na nakita ko sa buntot ng Dugong, Whale shark or balyena.
Sinabe ni kuya na kapag nakakita ka pala noon, (sinabe nyang sirena yun at naniniwala ako) may masamang mangyayari sa inyo or may masamang mangyayari sa IBANG namamanggka malapit sa pinagkakitaan, after ilang oras na namin na pag babangka. May nakita kameng lumulutang na mga gamit at mga pagkain, natanaw namjn sa malayo na may lumubog palang maliit na bangka sa di kalayuan. Mga foreigner, naka life vest naman sila at marurunong lumangoy. Natawa ako kase nagkatotoo yung sinabe ni kuya at kinilabutan ako at the same time. Kinawayan sila ng kapatid ko which they happily replied with a wide smile. Nakakita rin daw yung isang turista ng babaeng lumalangoy sa ilalim. Sinabe nyang babae dahil nailarawan nya na may mahabang buhok then yung kasama nya sumingit ""She said she saw a mermaid but that's crazy for her to say. ""
Diko alam pero naniwala ako. Sinong matinong tao, especially babae pa ang lalangoy sa gitna ng dagat sa oras 2:30 pass ng hapon kung san tirik na tirik ang araw at kalagitnaan ng summer. Tumulong sila mama at papa na manulot ng gamit nung mga turista na lumulutang lutang. They thanked us and we head our separate ways pagkadating nung isang pang bangka nila. Napansin namin na medyo makulimlim bigla ang panahon. Malayo layo na kame nung naalala ko. Ako at yung isang babaeng turista ang nakakita ng Sirena. Dalawa kame. Ibigsabihin may isa pang maaaksidente.
Nicolo
Batangas

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon