2-in-1

39 0 0
                                    

Ako nga pala si Pauline (yeah my real name) 20 years old, silent reader nyo from laguna.

Share ko lang nangyare sakin May 17 2018, exactly 12mn.Kung mapapansin nyo na ang title ko is 2-in-1, naiintriga na kayo. so, di ko na pahahabain at bahala na kayo mag isip ngayon kung tungkol saan ito.

Exactly 12mn, nagstop ako sa paglalaro ng games sa phone ko para matulog. So anim kami sa kwarto. Nakitulog lang kami ng kapatid ko at dalawa kong pinsan sa kwarto nila mama dahil nga naka Aircon. So kaming apat na dalaginding, sa lapag. Pinagitnaan namin ng kapatid ko ang dalawa naming pinsan. And ayun nga nakatulog ako ng 12mn. Then may panaginip agad ako. Nakakita ako ng dalawang batang babae na parang ang setting namin ay sinaunang lugar. Sabi ng isang batang babae na "diba, mama mo yun?" na nakaturo pa sakin na sinasabi na ako nga ang ina nung isang bata. Lumapit sakin ang bata at parang yung feeling ko na anak ko talaga yung bata sabay sabi nya na "malapit na tayo magkasama mama" at ang sabi ko sa kanya "oo anak, malapit na tayo magkasama sa langit". Naalimpungatan ako dahil may yumakap sakin. Akala ko pinsan ko pero nagtataka ako kasi yung pinsan ko nasa kanan ko at ang kaliwa ko ay pader lang. Minulat ko mata ko at nakita ko na may maliit na kamay na nakadagan sa kaliwang dibdib ko. Nagpanic ako. Pero mas lalo akong natakot at nagpanic ng yapus na ako ng kamay na di ko alam kung saan nanggaling at di na ako makagalaw. Pinipilit kong gumawa ng ingay pero walang nangyare. Nakamulat lang ako pero di makagalaw at di makasigaw. Nakita ko na umupo ang kapatid ko at ginigising ang pinsan ko na katabi ko. Patuloy pa din ako sa pag iingay pero di nya ako marinig. Hanggang sa narealize nya siguro na ako talaga ang binabangungot. Inalog nya ako para makaalis ako sa nakakakilabot na pangyayare. Sa isang gabi, nakaranas ako ng dalawang klase ng panaginip.

Ang panaginip ng reincarnated na ako at sleep paralysis.

Aaminin ko, di lang ito ang unang beses na nangyare sakin. Kasi yung mga nakaraang sleep paralysis ko ay nagagawa ko pang magising kahit di humingi ng tulong. Pero iba ngayon kasi naikalabog ko ang paa ko para magising sila which is narinig nga nila na may kumalabog kaya sila nagising pero akala nila yung pinsan ko yun, yun pala ako.

At sabi ko kanina diba nakamulat ako at nakita ko na ang kapatid ko ay tumayo at unang ginising ang pinsan ko at totoo nga na yun ang una nyang ginising kasi akala nya pinsan ko ang binabangungot.

-Pauline
Laguna

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon