Tapunan ng bangkay

40 0 0
                                    

ako si jr at nakatira ako sa samar pero lumuwas ako ng maynila para mag trabaho, mahirap kase ang buhay namin sa probinsya kaya nakipag sapalaran ako dito sa maynila, nag trabaho ako bilang delivery boy, mababa lang ang sahod pero okay na kase atleast nakakatulong nako sa mga magulang ko sa probinsya, dito ko din nakilala ang asawa kong si grace, ff tumira ako kaila grace at nakisama sa kanya kasama ang pamilya nya, dito na nag umpisa lahat, yung lugar kase nila mashadong tago kaya nga kung di nyo na tatanungin sa isang linggo tatlong beses hanggang limang beses nagkaka hold upan dito at tapunan din dito ng mga patay kase nga malayo sa bayan at napakadilim ng mga kalsada, so dito nag umpisa yun, mga alas 9 ng gabe ng makababa ako ng jeep kase pauwi nako galing trabaho at sa bayan pa ang trabaho ko mga isat kalahating oras ang byahe at 7:30 ang uwian namen, nag lalakad nako pauwi samen kase nga medyo malayo pa ang bahay ng misis ko dun sa babaan ng jeep, (maaga palang wala nang mga tao dun at maagang nag sasarado ng mga bahay dun kase madalas nagkakaholdupan at usong uso ang tapon ng bangkay) kahit madilim at nakakatakot ang daan ay sirediretso ako kase wala naman akong pag pipilian eh, nung nasa kalagitnaan nako ng daan medyo nakakaramdam ako na lumalamig yung paligid at bigla kong naalala yung kinuwento ng bayaw ko na kaya daw maagang mag sara yung mga taga dito kase dahil sa madami din daw nagpaparamdam at nagpapakita at hindi lang daw yung holdupan ang kinakatakutan, kaya medyo kinabahan at natakot ako sa naalala ko kase matatakutin talaga ako eh lalo na kung usapang multo, so ito na nga binilisan kona yung lakad ko kase kabado nako ng biglang maramdaman ko na parang may sumusunod saken kase naririnig ko na may yabag ng paa kasabay ng saken eh kaya lumingon ako kahit kabado ako nagulat ako kase wala namang tao kaya tumuloy ulit ako sa paglalakad at this time mas mabilis na kase kabadong kabado nako madami kaseng pumapasok sa isip ko, holduper okaya multo hanggang sa maka uwi ako at agad kong kinuwento sa asawa ko at sa lahat ng nasa bahay ang nangyare tas sabe nila ganun daw talaga lahat ng mga umuuwi ng gabi dito nakakaramdam daw swerte pa nga daw ako kase nakaramdam lang ako at di nakakita okaya naholdup eh tama naman sila kumain nako at habang kumakain ako parang may naaninag akong lalaking naka tayo sa labas ng bahay, yung lamesa kase namin nasa bintana banda kaya pagkakaen ka o uupo at haharap sa lamesa ay mahaharap la din sa bintana at maaninag mo sa labas kahit na may kurtina ito na butas butas, kaya yun tumayo ako hinawi ko yung kuritan para tignan king may tao sa labas pero wala akong nakita, walang tao sa labas, hinayaan ko nalang yung nangyare at diko na pinansin at baka dahil lang yun sa takot ko kanina sa labas, tapos nakong kumain kaya nagpahinga lang ako konti at nagpahinga na din, FF pauwi na ulit ako galing sa pinagtatrabahuhan ko at pag baba ko ng jeep tumingin ako sa relo at nakita kong magte 10:30 na ng gabi mashado nakong ginabi kase sobrang traffic nun banda sa bayan at halos di na gumagalaw yung mga sasakyan kaya nag madali ako kase baka magalet yung asawa ko at baka kung anong isipin nila saken, di naman ako makapag text kasi wala naman akong phone, naglalakad nako sa gitna ng madilim na daan at sobrang tahimik ng lugar at tanging mga huni ng kung anoanong hayop nalang ang maririnig mo, tas bigla akong may narinig na sumitsit, pssst sabe ng kung sinong galing sa likod, diko pinansin at nag madali akong mag lakad kase baka holduper yun o kung ano man tapos sumitsit ulit (pssst) kaya ayun napalingon nako pero pag harap ko sa likod wala akong nakitang tao actually hindi pako natakot nun, nainis pa nga ko eh kase sa isip ko baka tambay lang yun na nantitrip at di naman holduper tas naglakad na ulit ako ng may sumitsit nanaman (psssst) humarap ulit ako sa likod pero wala nanaman akong nakitang tao kay kinabahan nanaman ako at naalala yung mga kwento dito banda sa parang malaking basurahan na madami daw nagpapardam at nagpapakita kase dito daw kadalasan tinatapon yung mga tinotokhang o pinapatay, nag madali ako ng lakad sa sobrang madali ko parang takbo na yung lakad ko, sa sobrang kaba ko nanginginig na yung mga tuhod ko at natapilok pako, tatayo na sana ako ng may naaninag ako sa gilid ng mata ko na anino at hindi sinasadya at napalingon ako at nagulat ako sa nakita ko! sa gilid ng daan sa bandang basurahan nakita kong naka tayo yung lalaki at duguan ang katawan nya pati yung muka nyang parang inaagnas may hawak syang karton at may nakasulat pero hindi kona nabasa yun kase napasigaw nako at tumayo ng mabilis sabay takbo ng mabilis na mabilis diko na ininda yung paa ko kahit medyo masakit dahil sa pagkakatapilok, at pagka dating na pagkadating ko sa bahay katok ako ng katok mg malakas sigaw ako ng sigaw na buksan agad yung pinto tas pag bukas palang tumakbo nako agad sa loob dipako nakakaupo kinuwento kona sakanila kung anong nangyare at kung anong nakita ko takot na takot talaga ako nung gabe na yun at sabe ko sakanila at sa asawa ko na dun nalang muna kami titira sa bayan at mangungupahan nalang kesa gabi gabi akong makakakita ng kung ano ano sa daan, at yun pumayag naman sila kase alam naman nila na hindi ako nag sisinungaling sa mga kinuwento ko sakanila eh saka madami namang paupahan sa bayan na mura kaya di kami mahihirapan mag hanap, at yun lang po yung karanasan ko sa lugar ng asawa ko, salamat po sa mga nag basa sana nagustuhan nyo po at totoong pangyayare po ito.

jr
manila

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon