Bridge

50 0 0
                                    


Nashare ko na tong story kong toh thru messenger pero hindi pa ata nababasa.So eto ulit.Medyo mahaba toh.Sana mabasa niyo ^__^

Oct.29,2015.Alalang alala ko pa nuon.Nung pumunta kami sa isang resort sa Nasugbu Batangas.Maganda dun,Tahimik at unti lang din ang tao dahil tago ang resort
.Nag-stay kami ng tita ko sa unit namin sa Condo ng resort na yun..Medyo matagal na din nung last kami nakapunta sa vondo unit namin dun.Nagpaalam lahat ng kasama ko sakin na pupunta lang daw sila sa pool para mag-swimming.Ako naman nag paiwan kasi inaantok pa ako.
Nagising ako at napag-isipan na tumambay muna sa terrace habang kumakain.Habng nasa terrace ako.Biglang bumukas yung pinto akala ko andun sa sila tita pero wala pa pala so sinarado ko nalang ulit at nagpatugtug nalang ako.

Oct 30,2015
Nag-aya mga pinsan ko magswimming ulit sabi ko susunod nalang ako.Dahil napansin ko yung yaya namin na tahimik.Sabi ko "Nay bakit ang tahimik mo?"
Sagot niya "beh nagising kasi ako ng alas-tres kaninang umaga.Tas pagtingin ko sa kusina may babae dun mahaba buhok tas nakatingin sakin"so kahit ako natakot kaya niyaya ko nalang si yaya na sumama samin.

Nov 1,2015

Pumunta kami sa unit ng kaibigan ni tita.Naka-upo lang kami sa labas pinagmamasdan yung view.Katabi ko si yaya at dalawa kong pinsan nuon.
Nagulat kami ng biglang nag-amoy pabango.So nagtanong si yaya "beh sino nagpabango?" Wala naman samin ang nagpapabango.Tas biglang dumating yung isa pang kaibigan ni tita na may third eye.Umiiyak siya.Tinanong nila kung bakit ang sagot niya ay."Kanina kasi sa C.R may batang sumusunod sakin.Tas sabi ko umalis na Siya.Pero ayaw niya tas bigla siyang sumagot ng "I want to play""
Tuloy pa rin paghagulgul niya ng biglang tumunog yung fire alarm.Ang rason kung bakit lahat kami nagsimula na matakot.Wala namang apoy o naninigarilyo nun.Kaya bumalik kami agad sa unit namin.

Nov 2 ,2015
Last day na namin dito dahil pasukan na kinabukasan.Eh nasa Manila ang school ko.So niyaya ko pinsan ko na mag-ikot-ikot.Habang umiikot kami may nakita kaming hanging bridge.Sabi ko duon nalang kami dumaan kasi akala ko may shortcut papunta sa building namin.Habang naglalakad kami nang makarating kami sa gitna biglang sumakit ulo ko at sinabi ko sakanya na balik na kami.Sabi naman niya "wag na malapit na tayo oh".So tinuloy namin.Pagdating namin dun may puno dun.Maganda ang scenery kaso bigla akong nakaramdam.(nakakaramdam kasi ako ngunit di ako nakakakita.Halfopen third eye ko kumbaga).Sabi ko bumalik na kami.Nung nasa gutna kami ulit sobrang sumakit na ng ulo ko.Para na akong mahihimatay na ewan.Nang makabalik kami uuwi na kami.So sumakay kami sa van.Tas gustong gusto ko sumuka pero walang lumalabas.Tas kinapa ako ni tita "May lagnat ka".Sinabi palang sakin yun ni tita.Alam ko na,na may nakasunod sakin.Nang makarating kami sa bahay.Diretso kama agad ako.

Nov 3,2015

Nagulat ako nung 
Pagkagising ko hapon na.Tas sabi ko bakit di nila ako pinapasok.Sabi ni tita.Nagdadasal daw kasi ako habang tulog tas ang taas-taas ng lagnat ko.Kaya pumunta kami sa albularyo na kilala namin.Pinatawas ako tas biglang tumaas balahibo naming lahat.Sabi ng albularyo."Sa puno sa tulay.May sumunod sayo iha.Gustong makipaglaro"so natakot na ako.Binigyan niya ako ng protection at dumiretso ako sa simbahan.Pumunta kami sa cementeryo para bumisita sa lola ko.Pag-uwi namin galing ng cementeryo naging okay ako bigla.Wala ng nararandaman.

Sorry kung mahabaa yung story at medyo di nakakatakot.

Liya
Quezon City

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon