Vague

55 0 0
                                    


Hi po admin sana po ma post to. (sorry medyo mahaba yung kwento)
I've been taking drugs for almost 3 years. Oo, alam kong masama pero, dun ako sumasaya. May mga bagay na diko magawa noon na nagagawa ko na ngayon. It keeps me awake for no reason. Yung tipong pag frustrated at down na down na ako, by means of using it, sasaya ako in just a blink of an eye. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa ilang sandali, nakakalimutan ko ang mga problema. Akala ko dun na lang iikot ang buhay ko, na habang-buhay na akong magiging user. Until something unexplainable happened last September 23, recent year. 2:56 am, kararating ko lang ng apartment noon galing sa pinakakilalang club sa Makati. Pagod na ako, ramdam ko ang pagod na dumadaloy sa buong kalamnan ko, after having sex with a man for 4 consecutive rounds. Yun yung ayaw ko, I can't even sleep kahit alam kong dapat inaantok at natutulog na ako sa mga oras na yan. Dumiretso ako sa banyo for late night bath, para mawala kahit papano yung hang-over ko. I took off all of my clothes, totally. Pinatuluan ko na muna yung tub, saka pumunta sa washing basin na di kalayuan sa tub. I looked at myself in the mirror, at kitang kita ang walang kapahingahan kong mukha. Yung tipong 1inch na ang kapal ng eyebags ko. Makikitang lulong talaga sa droga dahil sa mapula at lubog na mata. Binuksan ko ang salamin sa harap ko at kinuha ang isang lalagyan ng gamot, kumuha ako ng tatlong pirasong sleeping pills saka idineretso sa bibig. Isinahod ko na lang ang kamay ko sa gripo para uminom ng tubig. Tumunghay ako and locked the cabinet again. Kaalinsabay ng pagsara nito ang pagbungad ng isang anino ng tao sa likuran ko na syang nagpabalikwas ng lingon sa akin. Wala akong nakita doon maliban sa matinding pag-galaw ng kurtina dala ng hangin. Inilinga ko pa ang mata ko sa paligid, pero wala akong nakitang kung ano. Napabuntong hininga na lang ako saka pumunta sa may kurtina para sarhan ang bintana. Pero muling bumalik ang kaba ko ng buklatin ko ang kurtina at nakitang wala ni isa sa mga bintana ang bukas. Hindi ako yung tipo ng babae na matatakutin pero di ko maikakaila na sobrang natakot at kinabahan ako nang mga oras na yun. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Epekto na ba to o tinatakot ko lang ang sarili ko? Bumalik lang ang ulirat ko nang marinig kong umaawas na ang tubig sa tub. Umiwas na ako ng tingin sa salamin at dumiretso na sa tub. Inilublob ko na ang katawan ko at kinuha ang earphone na nakapatong sa mesa sa tabi ng tub na syang konektado sa phone ko na nakapatong rin dito. Inilagay ko na yun sa tenga ko saka pumikit at pilit inalis sa isip ang mga pangyayari. Expected nang makakaidlip ako sa tayong yun. Hindi pa man natatapos yung kantang more than 8 minutes ang haba, isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang naganap. Wala akong naramdamang paghawak ng kamay, maliban sa kakaibang lakas na humila sa paa ko para maalis ang pagkakasandal ko sa tub at tuluyang malubog sa tubig ang buong katawan ko. Iminulat ko ang mata ko at tubig lang ang tanging bumubungad sa akin. Inalis ko ang earphone sa tenga ko, at itinaas ang kamay para makahawak sa tub at maiahon ang sarili. Hindi na ako makahinga, maraming tubig na rin ang nainom ko pero inilabas ko lahat ng lakas ko para makaahon pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang kalahating katawan ko, ni hindi ko maramdaman ang paa ko. Wala na akong nagawa kundi pumikit at nanalangin kahit hindi ko alam kung paano. *Blackout* Nagising na lang ako na nakahiga sa kama, sa kwarto ko. Di ko naiwasang magtaka, bakit ako nasa kama? Malinaw parin sakin ang mga pangyayari bago yun, na halos ikinanamatay ko na. Halos ramdam ko parin ang kahirapan sa pag-hinga at ang sakit ng buong katawan. Napabuntong hininga na lang ako nang tuluyan nang mag-sink in sa utak ko na, heto ako buhay na buhay. Sino nga kayang nagligtas sakin? Tanong na paulit-ulit nang naglaro sa aking isipan nang mga oras na yun. Mula sa pagkakataklob ng makapal na kumot sa akin ay sinilip ko ang katawan ko, laking pagtataka ko pa nang makitang suot kong muli ang damit na hinubad ko bago ako maligo. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto at sa gawing kaliwa ay makikita ang bintana na natatabunan ng kurtina, malalamang umaga na dahil sa katamtamang sinag na nagmumula sa labas. Tumingin naman ako sa alarm clock ko na nakapatong sa bedside table, alas nuebe impunto. Dito ko napansin ang isang sticky note na nakadikit sa frame ng picture namin ni papa. Kinuha ko yun at binasa ang naka-sulat, "Good Morning (pangalan ko), thank you for that awesome night with you. Lasing na lasing ka na, and so hinatid na kita dito sa apt. mo. Pero syempre di kita iniwan. Pinagluto na kita ng almusal. Nice to meet you (pangalan ko). Call me, you have my no. in your phone. Till we meet again. (smiley) - (Pangalan nya)7:09am." Anong nangyayari? I'm very confused that time. Ibig sabihin ba, hindi ako totoong nalunod sa tub, and at the same time hindi ako nag-late night bath? Panaginip lang ba yun? Conclusions made me doubt harder. Ibinangon ko ang kalahati kong katawan, at napahawak sa ulo nang makaramdam ako ng biglang pagkirot nito dala ng hang-over. Nilingon ko ang hinigaan ko, binuklat ko lahat ng unan, looking for my phone. But ofcourse, I failed. Naibagsak ko na lang ang likod ko at humigang muli. Napagabot na lang ako sa buhok ko, and asked myself 'Nababaliw na ba ako?'. Ipinikit kong muli ang mata ko at pilit inalala ang mga nangyari. Wala akong maalala maliban sa naging eksena sa banyo. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko na nahulog sa tub ang phone at earphone ko. I grab my way papunta sa banyo, at laking pagtataka ko ng makitang nakalubog nga sa tub ng tubig ang phone at earphone ko. Naghalo-halo na ang reaksyon sa utak ko na mas lalong nagpakirot ng sintido ko. Kaagad kong kinuha ang phone ko mula sa pagkakalubog nito sa tubig, pilit ko itong binuhay kaso hindi ko nagawa. Sunod-sunod na doorbell ang syang nagpabaling ng leeg ko tungo sa direksyon ng main door na matatanaw mula sa nakabukas ng pinto ng banyo. "Sino yan?"-tanging nasambit ko nang mga oras na yun. But that person did not even respond, ipinagpatuloy nya lang ang pagdo-doorbell. I asked once again, para bang nawala sa isip ko na sound proof ang dingding ng apartment na yun. Hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko habang papalapit ako ng papalapit sa pinto, dahan dahan akong sumilip sa peephole at napabuntong hininga na lang ako after seeing my bestfriend sa labas ng pinto. Pagkabukas ko ng pinto, kaagad nya akong niyakap at agad rin naman nyang binawi ito saka sya dumiretso sa loob ng apartment ko. She leave me clueless after doing such thing. Tanda ko pa yung naging conversation namin that day, she asked me kung okay lang ba daw ako kasi cannot be reached daw ako nung gabing yun. "Akala ko, kung napano ka na! Buti di ka inano nung lalaking yun. Nagpumilit ka kasing sumama sa kanya e, di narin naman kita napigilan. But anyways, salamat at ligtas ka."-concern talaga sya sakin. Ewan ko ba? In my 20 years of existence, sya lang ang kaisa-isa kong bestfriend. Di ko pinansin yung sinabi nya, instead tinuon ko ang pansin ko sa phone na hawak ko. Binuksan ko yun at kinuha ang sim card dito. Hiniram ko ang phone nya and she immediately gave it to me. Sinalpak ko ang sim ko sa phone nya and as I turned it on, dumiretso ako sa contacts at hinanap ang number ng lalaking kasama ko nung gabing yun. Tinawagan ko sya and told him to meet me at the club. "Makikipagkita ka? Bakit? Basta mag-iingat ka ha? Iyo na yang cellphone ko, mukhang wala nang pag-asa yang iyo eh. May reserba pa naman ako, tawagan mo ako ha?" I just smiled as a response. "You're weird. Anong nangyayari?"-at last, nakahalata na rin sya. "Nothing. Thank you!" I decided not to tell her kung anong nangyayari. Ayukong mag-alala pa sya or worse baka isipin nyang nababaliw nako. Ilang saglit pa, nagpaalam na sya sakin. Kinagabihan ng araw na yun, mag-aalas dyes nako nakarating sa club pero wala pa sya.Tinawagan ko sya, and told me that he's on his way na. Sa bar na muna ako tumigil at naghintay sa kanya, after a while someone called my name mula sa likuran ko. Kaalinsabay ng paglingon ko, napabalikwas ako sa pagkakaupo after seeing a faceless guy. "Hey! What's wrong?"-hinawakan nya ako sa magkabilang braso, trying to make me calm. "Wag mo'kong hawakan!"-nagpumigla­­­s ako at kaagad nya namang sinunod ang utos ko. He raised his two hands na parang sumusuko, "It's me, (pangalan nya). The guy you've intercoursed with last night, remember? At pinapapunta mo ako dito." I blinked three times, at kaalinsabay nito ang muling pagbalik ng mukha nito. "Sorry. Gusto lang sana kitang makausap." Kinuwento ko lahat ng mga naranasan ko mula no'ng isang gabi up until that moment na nakita ko syang faceless. "Pano nangyari yun? Samantalang, ni hindi ka na nga nagising mula nang hinatid kita sa apartment mo e! To make it clear, hindi ka pumunta ng banyo para maligo or what. At tsaka, alas kwatro na tayo nakarating sa inyo e, pano mangyayaring 2:56 yun nangyari?"-Hindi ko rin alam. Naguguluhan nako, ayukong aminin sa sarili ko na baka nga nababaliw na ako. Napasapo na lang ako sa noo saka ininom ang isa pang baso ng Los Vascos, red wine na lagi kong ino-order noon sa club na yun. "Tol."-boses ng isang babae mula sa tagiliran ko. "Mukhang problemado ah? Wag kang mawawala mamaya sa party." kaalinsabay ng pananalita nyang ito ay iniabot nya sa akin ang 3 pirasong ecstasy pills at isang resealable plastik ng cocaine. Alam ko na I can get overdosed dahil sa mga drugs na yun, well I'm just used to it. I took all of it and as time passes by, unti-unti nakong naliliyo until I loss consciouness. Wala nakong maalala after that, hanggang sa magising na lang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging sinag lang ng b'wan ang nagsisilbing liwanag ng kwarto mula sa labas ng bintana nito. Tumingin ako sa bedside table ko at binuksan ang lampshade after realizing na nasa kwarto ko pala ako. Kinuha ko rin ang alarm clock na nakapatong rito at tiningnan ang oras, muli akong kinabahan pagkakita rito, 2:56am. Nabitawan ko ang alarm clock dahilan para magpatak ito sa sahig, dahan dahan akong bumangon habang nililinga ang kwarto. Umikot ang paningin ko, sumasakit ang ulo ko at napasabunot na lang ako sa buhok ko nang mapansin ang mga dugong unti-unting tumutulo sa dingding ng kwarto. Wala na akong nagawa kundi pumikit ng maigting. "Tama na." paulit-ulit na sambit ko sa mahina at maas na boses. I heard someone na tinatawag ang pangalan ko. Kaalinsabay ang pagyugyog sa katawan ko, napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang magising ang diwa ko. Niyakap ako ng lalaking gumising sa akin, that's him again at di ko na naiwasang mapahagulhol ng iyak. "Sshhh. Panaginip lang yun. Tahan na! Nandito lang ako at hindi kita iiwan."-those are the most comforting words I've ever heard from him. Ikinuha nya ako ng tubig sa kusina, and I just noticed na nasa sahig yung alarm clock ko. Nilimot ko yun at syempre di ko naiwasang magtaka kung bakit yun nandun. "Yan siguro yung nagpatak kanina, kaya nagising ako. Sakto naman na umimik ka ng 'tama na' kaya ginising kita."-paliwanag nya habang naglalakad papalapit sakin dala ang isang basong tubig. Nagflash back yung panaginip ko for few seconds, pero diko na masyadong pinagtuonan ng pansin. As day passes by, nagpatuloy pa ang mga ganong sensaryo, sunod-sunod at mas lumala pa. Hanggang sa dumating sa point na tinangka ko nang tapusin ang lahat. I got confined for almost 1 week, kwento nila they saw me unconscious at nakahandusay sa sahig. Findings ng doctor, na-overdosed daw ako ng sleeping pills. Until one night, October 9, my 5th night of being confined in that hospital, habang natutulog ako I heard someone calling my name. Boses yun ng bestfriend ko. I know what I'm doing that night, pero hindi ko alam kung bakit ko ginagawa yun. Bumangon ako at tumingin sa nakabukas na pinto ng kwarto, I saw a dark human figure na nakatayo dun. Babae sya, base sa nakalugay nitong buhok, pero her face is completely unclear. Parang anino lang ang buong katawan nya, nanatili lang akong nakaupo sa higaan at nakatitig sa babae until she called my name once again bago sya tuluyang umalis sa pinto at naglakad palayo. Para bang gusto nyang sundan ko sya, and so yun ang ginawa ko. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto, know the appearance of a person being possessed? That's what I actually look like nang mga sandaling yun. Pagkalabas ko ng pinto, I saw her na nakabaling ang leeg tungo sa kinatatayuan ko at nakatigil sa dulo ng hallway which is hagdan na. Muli syang humarap sa hagdan at nagpatuloy na sa pagbaba dito, tumuloy na rin ako sa paglalakad as she stepped down the stair. Gusto kong huminto sa paglalakad pero parang may kakaibang pwersa yung babae na humihila sakin para sundan sya. Pero bago pa man ako makarating sa hagdanan, someone grabbed my arm na syang tuluyang nagpabalik ng ulirat ko. Lumingon ako and saw Papa, my bestfriend at si Pao(just his nickname)-yung ka-fling ko sa club. Sila yung mga bantay ko that night, at sinabi nila na they keep on calling me pero di daw ako lumilingon. Napaluha na lang ako ng mga segundong yun, questions appeared in my head again. Bakit ako pa? Why do I have to go through this? October 11, pagkalabas na pagkalabas ko ng hospital, sinunod ko agad ang sinabi ni papa. I went to a psychiatrist for a mental health checkup. Pagkatapos kong i-examine, she(the psychiatrist) asked me "Are you doing drugs?" I don't have any choice but to say the word "YES". "When was the last time?" "Before I go here."-I confidently answered. After some interviews with her, nalaman ko ang resulta. Wala akong mental illness aside from what we called, Hallucination. Diniretsa ako ng psychiatrist na kung hindi ko titigilan ang drugs, maaari akong humantong sa tuluyang pagkabaliw. Kinagabihan ng araw na yun, I made love with Pao unlike no'ng unang apat na beses sa club where everthing is just a lust. October 12, sinimulan ko ang pagbabago sa buhay ko. Nag-iwan ako ng letter sa bedside table ng kwarto ni Pao saying "Good morning (his real name), thank you for that night na punong-puno ng love. I have not yet told this to you, but you're a good kisser. Salamat sa mga sandaling hindi ka umaalis sa tabi ko, I just feel safe when I'm with you. Last night was the best night we've ever had, ayuko pa sanang bumangon at umalis sa yakap mo pero kailangan. Ang corni ng sasabihin ko, pero ang totoo, Mahal kita. Salamat sa lahat. Till we meet again.-(My name)" Sinunod ko ang suggestion ng psychiatrist sa akin. I've been to rehab for 90 days at tuluyan nang tinalikuran ang paggamit ng droga. Sobrang nahirapan ako noong una, syempre kasi salungat ang naging buhay ko no'n sa rehabilitation center kumpara sa buhay ko sa labas. At doon ko natutunang magkaroon ng takot sa Diyos na halos di ko kinikilala noon. Unti-unti pa at di ko na namamalayan ang pababago ng buhay ko at bumalik sa normal ang pag-iisip ko. Jan 10 kasalukuyang taon, nakalaya ang bagong ako. Paglabas ko sa pintuan ng rehab center, yakap nya ang unang sumalubong sa akin. "Kanina pa kitang hinihintay."-that's the sweetest sentence Pao have ever told me. Hindi ko alam kung paano nya nalamang nagpa-rehab ako, ang mahalaga kasama ko na uli sya. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkalulong ko noon sa droga, nagkaroon pa ako ng pag-asa.
- Graymatter. 
- BAJHS

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon