Bisita

89 1 0
                                    


Hindi po ako masyado magaling mag kwento share ko lang po yung story ko 1 year ago, kasal po nun ng tita ko kapatid po siya ng mama ko, kaya sinabihan ako ng mama ko na kung pwede daw ba ako maging kumuha ng litrato at mag video sa kasal ng tita ko, tutal wala naman akong klase nung araw nayon kaya nag oo ako kay mama.

Nag prepare na kame para sa mga susuutin kinabukasan para sa kasal then ako naman po hinanda ko na ren po yung gagamiting camera pati yung mga lente.

Kinabukasan po paalis na kame, ok na po ang lahat para sa pag alis dahil cavite to laguna pa po yung iba byahe namen.

Nasa simbahan na po ang buong family, nilapitan po ako ng tito ko (asawa ng tita kong ikakasal).

Ako: Tito! Congrats.
Siya: Salamat, oy kuhaan mo naman kame picture.

Kinuhaan ko sila ng 3 shots then nung tiningnan ko yung picture medyo blured pero sure ako na naka focus yon at hindi sira lente ng camera ko at hindi siya basta basta blured lang dahil parang may gumalaw ng camera habang kinukuhanan ko sila pero sure na sure ako na walang nangulo habang kinukuhanan ko sila.

Noong nag simula na ang seremonya ng kasal kinuhaan ko ng video ang pagbukas ng gate at pagpasok ng tita ko sa loob ng simbahan at habang naglalakad siya papuntang altar.

Kumuha pako ng litrato habang seremonya then lumapit saken yung isang videographer na kinuha nila at sinabihan ako ng

Siya: Nakita mo rin ba yung babae?
Ako: (nagtaka) Anong babae?
Siya: Yung babae dito sa simbahan, mag review ka ng mga kuha mo.
Ako: (nireview ko lahat ng kuha ko pati yung video na kinuhanan ko habang nag lalakad si tita papuntang altar tinigil ko nung bandang gitna dahil may babae sa gilid na nakaupo at nanonood ng seremonya ng kasal, kinabahan ako dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganong pangyayari)

Noong patapos na ang seremonya nag picture ang lahat sa harap ng altar kaya tinayo ko yung tripod sa gitna para makita lahat, 5 shots ang ginawa ko nun dahil ieedit ko pa pag dating ko sa bahay.

Noong pauwi na kame dahil tapos na ang reception mag aalas dyis na habang nasa van kame ni review ko yung huling kuha ng camera, nangilabot ako dahil litaw na litaw sa camera yung babae na nakita ko sa mga picture kanina nanghina ako non at natahimik hanggang sa pag uwi sa bahay pero kung titingnan siya sa litrato mga nasa 22 years old na siya maganda(pero di ko pa nakikita face niya kase lagi siyang nakayuko),duguan, nakaputi siya na dress at may suot siyang kwintas na may malalaking beads.

Kinabukasan pag uwi ko sa school inedit ko yung mga picture na nakuhaan ko, then kinausap ko si mama dahil nag kakape siya habang nanonood ng tv sa sala dinala ko don yung camera at yung laptop sinabi ko sa kanya at pinakita ko sa kanya yung mga kuha ko kinulabutan si mama tapos sinabi ko rin kay papa at kila tito at tita lahat sila kinalabutan at natakot kaya ang sabi nila i delete na lang daw lahat ng may nahagip kaya dinelete ko at tinira ko yung mga maayos na litrato.

Simula non nandito na lang siya lagi sa camera ko nakukuhaan ko pa rin siya pero parang normal nalang sakin kase parang, one time nakita siya sa camera ko nung may project kame sa filipino na film nakuhaan ko siya, andito lang siya kasama ko lang siya pag may shoot ako then tuwing gabi maririnig mo yung camera na nagfofocus then nag ciclick.

Baka siguro binabantayan nyako at gusto nya maging model sana makausap kita sa panaginip ko.

Photographer//videographer
Cavite

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon