Magandang Gabi po sa lahat ng mambabasa pati na rin po sa mga Admins. First time ko lang po mag send ng story dito. Nagbabakasakaling mapili tong story ko. Itago nyo na lang po ako sa pangalang "J". Gusto ko lang po Ibahagi ang mga karanasan ko dito sa paaralang ito. Btw, loner po ako tsaka matatakotin talaga sa mga mumu dala ng hilig ko sa pagbabasa at panunood ng horror stories.
Pasensya na po kung sobrang haba. Sisimulan ko na po, unang pasukan pa lang medyo na we-werdohan na ako sa paaralang ito. Napagisipan kong mag enroll dito kasi ito ung pinakamalapit sakin na paaralan na nagtataglay ng strand na gusto ko. Wala pa akong kaalam-alam sa kung anong history ang meron sa gusaling ito. May mga narinig akong kwento na ang gusaling ito, ay isa daw dating lumang paggamotan or should I say Old Hospital an abandoned building. Nung una hindi ako naniwala sa mga kwentong ito kasi nga chismiss lang naman yun. Until nasaksihan kong makakita dito.
Liwanag
Nasa 3rd Floor kami sa Room 302, nasa kalagitnaan kami ng Pagle-Lesson ni Maam Ann(Di nya totoong pangalan). Nakaramdam ako ng gutom, 6:15 pm nagpaalam ako para umihi kunwari pero tukoy ko talaga ay bumili nang food kasi nagugutom na ako. After akong payagan bumaba, sa kalagitnaan ng hagdan papuntang 2nd Floor nakita ko yung guard na pababa. Pagkarating ko sa second floor, napansin kung walang ka tao-tao kundi ako na lang kasi nakapatay mga ilaw sa bawat room except dun sa nakita kong hindi maipaliwanag na ilaw na nanggagaling sa room 203. Ibang klaseng ilaw yon kasi sobrang liwanag talaga (nakapunta na ako sa room na yon kaso hindi ganun kaliwanag ang ilaw na yon kahit buksan pa lahat ng ilaw don). Medyo natatakot ako nun kasi nga ako na lang mag isa pero dahil curios si kuya nyo, naglakas loob pa rin akong tingnan kung anong meron don. Papunta pa lang ako sa room na un,nang biglang bumukas ang pintuan. Kinakabahan ako ng mga oras na yun kasi wala akong nakitang tao na humawak ng pintuan para buksan yun. Bumaba agad ako nun papuntang first floor, ayokong makakita nang kung ano kaya umalis na ako dun. After ko bumili ng pagkain, naghintay muna ako ng kasabay kasi nga matakotin talaga ako. Naisipan kong tanungin ung Guard na nakita ko kanina na bumaba.
Me: Kuya may tao pa po sa 2nd floor?
G.: Wala na boy, kakagaling ko lang dun at kakacheck ko lang sa lahat ng room at pinatay ko na rin mga ilaw dun. Nagsi uwian na mga studyante sa 2nd floor kaya wala nang tao dun. Bat mo naman natanong?
Me: Na check nyo rin po ba ung 203?
G.: Lahat nga diba, di mo gets?
Habang nakikipag-usap ako sa Guard, nakita kong may dalawang student na umakyat kaya sumabay na ako at nagpasalamat kay manong Guard. Pagkabalik ko sa 2nd F. Wala na akong makitang liwanag roon kasi andilim na banda dun kaya kinabahan na ako nun at tumakbo na lang pabalik sa room.
Katok
Last subject namin, mga 5:30. Nasa room 302 ulit kami at wala kaming guro that time kaya todo ingay mga kaklase ko. Nagpapatugtog sa speaker, nagkekwentuhan, naghaharutan, nagtatawanan tapos ito ako nakayuko na di makatulog kasi ang ingay. Ung iba kong kaklase lumipat sa room 301 ewan di rin ata matiis ang ingay, kaya sumunod na lang din ako. Gawain na namin tong lumipat sa room na to kasi minsan walang nagamit sa room na yun kaya tintambayan muna namin. Magkatabi lang ang room 302 at 301. Kahoy ang nasa pagitan nito kaya medyo naririnig mo pa rin ang ingay sa kabilang room. Mga 10 ata kaming lumipat nun kaya di ako natakot. Nagkwentuhan ung iba kong kaklase about sa mga crush nila tapos ung iba naman lumipat lang pala para mag charge kasi wala silang masaksakan sa room namin kasi may nakasaksak na. Natulog ako nun saglit. Maya maya nagising ako sa creepy na bulong, boses na parang batang babae. Hindi ko naintindihan ung sinabi eh. Binalewala ko yun dahil akala ko guni guni ko lang. Tinaas ko ulo ko nun at tumingin sa gilid at likod, napamura ako nun " Wtf?" Kasi wala na pala akong kasama. Rinig ko pa rin ingay ng mga kaklase ko sa kabilang room. Medyo kinakabahan ako nun kasi di ko alam san galing ang creepy na bulong na yun. Kinuha ko ung cp ko para tingnan ang oras, 6:25pm. Tinagilid ko ung pwesto ng upuan ko para makita ko buong parte ng room, baka kasi meron. Nakatingin lang ako sa Cp ko nun ng biglang may mahinang katok, kala ko galing sa kabilang room( gawain kasi un ng mga kaklase ko, ginagawang drum ung pader na kahoy or di kaya nakatok). Binalewala ko un, naghihintay pa rin ako ng may pumasok sa room kung san naroroon ako para mawala ung takot ko at makagalaw sa kinauupuan ko para makalabas dun. Nag ii-Scroll Down2 lang ako sa fb nun ng bigla ako makarinig ng sunod sunod na malakas na katok, napa stop ako nun sa pag i-iscroll at nakatitig sa pintuang yun. Hindi pala un galing sa room namin yung katok kundi dun sa isang pintuan na nakalock. Dun na ako nagdalawang isip para tumakbo palabas, nabuset pa ako sa pintuan na un kasi nahirapan akong buksan. After kong makalabas dumiritso na ako sa room namin kasi wala ring tao sa labas. Nanginginig pa rin ako nun at nagtataka kung panong may kumatok dun. Kinabukasan nagpasama ako sa kaibigan ko pumunta sa kabilang room. Pinuntahan ko ung isa pang pintuan dun nanakalock, sumilip ako unti at andilim unting liwanag sa labas lang ang tanging nakikita ko. Di pa ata nalinisan kasi kalat. Wala naman akong nakita roon pero nakakasigurado akong dun galing ung sunod sunod na malakas na katok kagabi.
Laboratory
Recess time, mga 4pm sobra na. Nagsilabasan ang iba para bumili unti lang kaming natira sa room kasi may dala kaming baon. Na una na akong kumain sa kaibigan ko kasi di pa siya tapos sa activity namin. Pumunta ako sa pinakalikod para kumain. Habang kumakain ako napansin kong may tao sa likod ko, kita ko kasi sa monitor na nasa harapan ko kaso medyo malabo. Nakaputi siya eh hindi naka uniform. Wala naman akong nakitang nakaputi samin kanina. Tinawag ko kaklase ko para tanungin kung kumain na ba, pero gusto ko lang talaga malaman kung may tao sa likod ko (baka mapansin niyang may tao sa likod ko at tawagin niya). Kaso wala siyang nakita, tumingin ulit ako sa monitor at andun pa rin siya nakatayo. Tumawag ulit ako ng isa pang kaklase para tanungin kung kumain na ba pero gusto ko lang talaga na makita niya ang nasa likod ko at pansinin niya baka kaklase lang namin, kaso wala pa rin. Tinapos ko na kinakain ko at tumingin ulit sa monitor, andun pa rin siya nakatayo. Tumayo ako nun ng biglaan at tumingin sa likod ko ng mabilis, walang tao sa likod ko. Tumingin ulit ako sa monitor at wala na toh. Natakot ako nun kaya bumalik na lang ako sa Upuan ko. Simula nun di na ako kumakain mag isa dun.Hanggang dito na lang muna po. Salamat po sa pagbabasa.
-Salamin
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?