Tatlong Demonyo at ang Sinag ng araw sa mukha ng panginoon

69 0 0
                                    


Hello po admin, I’m a solid reader po ng mga kwento na pinopost nyo. Gusto ko lang po sanang e share ang experience ko. Bali matagal ko na sana itong e share dito kaso nagdadalawang isip po ako since my story is not that spoky. Hehehehe. Okay magsisimula na po ako. I am 20 y/o po nkatira sa Tibal-og Sto.Tomas Davao del norte. Na experience ko po ito nung 17 years old ako. Natulog po kami nun sa kapitbahay namin kasi daw po mag jo-jogging kami magbabarkada, sa balkunahi po kami natulog nun tapos mga 4 kami ika apat yung anak ng may-ari ng bahay. Nkahiga na po ako nun tapos yung dalawa kung barkada e nakaupo pa sa mataas na upuan. Narinig ko pa sila na parang naglalaro ng sigarilyo, padamihan daw ng maubos na sigarilyo sa ganitong minuto. Hanggang sa nakatulog po ako at nanaginip. May tatlong demonyo po akung nakita sa panaginip ko, napakalaki po nila tapos ang hahaba ng mga kamay, yung isa po hinahawakan ang isa kung kamay tapos yung isa sa kabilang kamay ko naman then yung isa sinasakal ako habang tumatawa sila. Hanggang sa hindi na ako makahinga tapos mga ilang minuto po ginising po ako ng isa kong barkada actually yung dalawa e hindi pa natutulog, nung paggising nila saken tinanong nila ako kung napano daw ako, bakit daw hindi na ako humihinga tapos sinabi ko sa kanila yung napanaginipan ko habang nanginginig at umiiyak ako. Sabi pa nung isa kung barkada na swerte mo gising pa kami at may gumising pa sayo. Natutulala ako habang sila ay natutulog na. Wala akong kibo, umiiyak ako habang natutulala syempre first time yun sa buhay ko. Naghahanap ako ng dahilan kung bakit yun ang laman ng panaginip ko hanggang sa naalala ko yung pamumuhay ko nung una, isa kasi akung sempling bata nung una, hindi alam ang magpuyat, uuwi agad pag pauuwiin tsaka hindi ko alam ang mga pangalan ng segarilyo, tapos active sa simbahan namin (choir ako sa simbahan namin (Catholic))Ganyan ako ka inosente nung una hanggang sa nagka barkada at nadala natuto sa dota, nkatikim ng alak tsaka nakapag sigarilyo hanggang sa umabot sa point na buwan ng December straight kaming umiinom gabi2 at nakalimutan ko na ang pag seserbisyo sa simbahan namin. Kaya siguro nagkaroon ako ng panaginip na tatlong demonyo na kung ipagpapatuloy ko ang aking ginagawang kabulastugan alam ko na kung anong mangyayari saken yung tipong mawawala ang loob ko sa panginoon at puro ka demonyuhan na ang mga magagawa ko. Siguro sign yun saken na huwag magpadala sa mga nangyayari dito sa mundo. Hanggang sa nag 18 yrs old ako nasali ako sa G12 (alam kong alam nyo kung ano ang G12) tapos mga 6months na ako sa G12 may Youth Camp na nangyari na “Let’s Go” ang thema. 2nd Day Evening natutulog na kami sa tent nung pagtulog ko nanaginip na nman ako pero kakaiba siya. Nasagasaan daw ako ng sasakyan tapos mga ilang sigundo nakita ko yung katawan ko na nakahandusay sa lupa habang paakyat ako paitaas. Hindi siya literal na akyat, yun bang nakalutang ka paitaas. Hanggang sa unti-unti akong nkarinig ng boses na nag speaking in tongue at unti-unti itong lumalakas. Andaming tao/kaluluwa dun grabi ang lapad ng lugar tapos sa gitna maynakita akung nka upo na malaking tao pero yung mukha niya may sinag ng araw, hindi ko makitakita yung mukha niya dahil sa lakas ng sinag ng araw na nagmumula sa mukha niya. Puti at ginto lang ang nakikita ko dun at ang sarap sa pakiramdam, yun bang gusto mo nang mamalagi doon, grabi ang sarap talaga sa pakiramdam. Hanggang sa tinanong ako na “Anak? babalik ka pa ba sa lupa?” Yan lang tanong niya pero hindi ko nasagot. Hanggang sa nagising ako at huminga ng napakataas yun bang parang hindi ka huminga ng ilang oras, ang bilis ng hinga ko hanggang sa sumakit ulo ko at napaiyak ako. Nanlalamig mga kamay ko nun at pinapawisan ako. Kinuwento ko nman ito sa mentor ko sa G12 tapos sabi niya gift daw ito. Next time ko nlang po e kukwento yung abilidad ko na nkakapaghula ako ng pangyayari sa isang buhay ng tao pag na post po eto. 

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon