Junjun strikes again

64 0 0
                                    


Hi guysssssss! Andaming S. Hahaa. Hi spookifiers! Isa ako sa mga readers at fans ng page na to. Grabe minsan kapag nasa bahay ako napapraning na din ako kapag nagbabasa ako dito. Hahaha. Sana po ma publish to kasi last time di po na publish yung isa kong sinend. Thank you! Godbless 

Here it goes.....

1ST EXPERIENCE.

Siguro naman marami satin dito ang familiar kay Junjun (taas kamay). By the way, working ako sa isa sa mga BPO companies dito sa Manila. Nung una di ako naniniwala sa mga ganong kwento ,pero guys I swear di mo gugustuhin na ma experience yun. Describe ko lang production area namin. Medyo malaking rectangle siya na may tatlong pillars sa gitna(sorry di ko alam tawag sa pillar sa tagalog) yung parang pundasyon siya sa paggawa ng building o bahay basta ganon. Pag pumasok ka, makikita mo sa left side yung Fire Exit door, may glass yung pinto so makikita mo yung nasa loob which is hagdan lang naman pababa at pataas. Mararamdaman mo rin na mabigat sa pakiramdam kapag nasa loob ka. Sabi ng mga ka work ko since medyo bago lang ako, may nagpapakita daw dun wether si Junjun daw o whitelady o kung ano ano pa. Medyo luma na kasi yung building na yun. 9AM-6PM pasok ko pero 5:30AM palang umaalis na ako ng bahay kasi traffic nga alam niyo naman. So paglabas ko, nakasakay agad ako ng jeep. Dumating ako sa office bandang, 6:10 na. Since di pa ako nag aalmusal ng time na yun, nagdecide akong bumaba muna para bumili ng makakain (by the way nasa 18 floor pala prod area). Eto na. Kumuha ako ng pera sa bag ko at naglakad palabas. Dumaan ako sa may fire exit door, wala namang nangyari kung ano so lumagpas ako ng siguro 10 steps away from the fire exit door. Biglang parang may kumalabog yung parang nahulog na box or something kaya pinuntahan ko para silipin kung ano ba yun. Makikita kasi sa loob na may ilaw naman mula dun sa bombilya, pagsilip ko, kitang kita ng mga mata ko may tumakbong bata pataas! Yung parang may hinahabol siya. Naka paa siya tapos ang dumi ng katawan niya. Pano ba makakapasok ang bata dun eh may guards sa lahat ng floors ng building. Pumasok sa isip ko yung kwento nila tungkol kay junjun. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nagmadali akong lumabas buti nalang may guard sa labas kaya kahit papano nawala takot ko. Pagdating ng mga ka work ko kinwento nila pati TL namin nakinig na din sa kwento ko.

2ND EXPERIENCE.

Dahil dun sa nangyari, the following month nagsstay na muna ako sa pantry kapag dumarating ako. Medyo naka move on na ako nun. Eto nanaman siya. Yung corner ng pantry is medyo madilim tho medyo malaki siya. Dun sa corner, may vending machine ng softdrinks at ibang pang drinks. Yung huhulugan mo lang coins or paper bills. Mahilig kasi ako sa minute maid na four seasons kaya bumili ako dun. Medyo malamig kasi dun kaya mas nakakakaba. Pagpunta ko dun sa vending machine, naghulog ako ng coins dun sa vending machine, habang pinipindot ko yung code ng minute maid (kasi diba may codes yung mga drinks ex. A1 or B2 mga ganon) biglang namatay! may ilaw kasi siya sa loob para makita mo yung bibilhin mo. Titingnan ko sana baka nahugot sa pagkakasaksak pa punta na ako sa likod ng vending machine pero nakita ko may nakatayong bata sa likod ng machine! Wala siyang mukha! Bigla akong nanlamig lalo! Sa sobrang takot ko tumakbo ako papunta sa table kung san nakalagay yung gamit ko at nagmadaling pumunta sa elevator at bumaba. Grabe I swear di ko makakalimutan yun habang buhay. 

Umabsent nalang ako nung araw na yun dahil sa takot. Mula nun pag dumarating ako di na muna ako dumideretso sa office. Sa ministop lang muna ako tumatambay.

Sa mga nagtatrabaho sa BPO companied jan, ingat guys. Malay mo katabi mo si Junjun ngayon.

Yun lang po. Sana nag enjoy kayo. Thank youuu. 

-POLO

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon