Hi, gusto ko lang i-share yung story ko nung bata pa ako. I can still remember it, and will never forget it dahil isa yon sa pinaka worse experience ko. Pasensya na pero hindi kasi ako ganon kagaling mag kwento pero ito yung nangyari,
When i was 6 years old (kindergarten) palang ako. At very young age, I've already experienced that kinda weird nightmare. And nung tumanda na ako saka ko nalaman na tinatawag pala itong sleep paralysis.
Yes I've experienced that in such a young age, yung everyday ako binabangungot na parang may nakadagan sakin na papatayin ako, everyday yun everytime na makakatulog ako. Kahit nap lang yun lagi scenario na papatayin ako nung naka dagan sakin pag nandun ako sa kwarto ko, pero pag nasa sala ako or sa kwarto nila mama wala naman. Black lang yung kulay nya, at may sungay sya na dalawa, pula yung mata.
Sinasabihan lang ako ni mama na pag binabangungot nga daw ako pray lang, and yun naman ginagawa ko. Lagi kong tinatawag pangalan ni Papa Jesus. And it works a lot. Simula nga nung nangyari yun sakin tinatabihan na ako nila mom and dad sa kwarto ko every night. But isang gabi mas naging worse yung bangungot ko, tumagal sya ng ilang minutes. Pinipilit kong isigaw yung pangalan ni Papa Jesus, pinipilit kong igalaw yung paa at kamay ko pero hindi ko magawa. And luckily nagising si mama sa ungol ko daw na naririnig nya at sinampal nya daw ako and there bumalik ako sa wisyo nagising ako. Iyak ako ng iyak nun tapos niyakap ako ni mama.
But after that nightmare, mas naging malala ako, i had a fever. But not just a fever dahil sobrang init ko daw pag hinahawakan nila ako napapaso sila, parang kumukulong mainit na tubig. Yung as in nanginginig na ako ng sobra, tapos sobrang putla ng labi ko, and tuwing andun na ako sa kwarto ko may nakikita akong mata kahit saang sulok ng kwarto ko, merong pula, may puti ang dami nila. May bumubulong din saakin na ""Anjan na Sila"" Ng paulit-ulit.
All i can do is cry, kahit nasa tabi ko na si mama andun padin sila. Kahit ipikit ko yung mata ko nakikita at naririnig ko padin sila. Hindi ako makakain, almost 1 week akong ganun puro paracetamol pinapainom nila sakin pero hindi ako gumagaling. May naka pagsabi lang kay mama na ipa-tawas nga daw ako. May pinuntahan kaming malapit lang din sa bahay namin matandang babae sya, sabi nya pag dating namin ""may gumugulo sa anak mo, ipaputol mo ang malaking puno ng mangga sa likod ng kwarto nya, dun nang gagaling ang mga demenyo"" Sabi ng matandang babae kay mama, pero hindi pa doon natapos, may ginawa pa yung matandang babae sa isang basin, pinatakan nya ng kandila tapos may nabuo na hugis parang kabayo na may sungay tapos may mga hugis mata din sa paligid. Sabi nya ulit ""kapre ang demonyong nang gugulo sa anak mo, kailangan mo nang ipaputol ang puno na pinamamahayan nya, huwag mong hintayin na mabaliw ang anak mo""
Pag balik namin sa bahay tumawag agad si mama ng mag puputol ng puno. Naputol nila yung puno pero kinabukasan yung nag putol ng puno naman ang nag kasakit namaga yung kamay nya, dun namin napatunayan na may sa demonyo talaga yung puno ng mangga sa likod ng kwarto ko. Unti uni naman na din akong gumaling, nawala na yung mga mata na nakikita ko yung boses na naririnig ko.
Hinding hindi ko makakalimutan yung pangyayari na yon, dahil sa muramg edad ko noon muntik na akong mabaliw dahil sa demonyong puno na yun!
May hindi pala ako nasabi, bago ako pag tripan nung demonyo sa puno, pinag nasaan muna nung demonyong kapre na yon yung mama ko. Tuwing gabi daw kapag dun sya natutulog sa kwarto ko kapag wala si papa may humihipo daw sakanyang binti. Lagi lang daw sya nag dadasal akala nya naman nawala na kasi tinigilan na sya yun pala ako naman ang pag ti-tripan nung demonyo.
M-em
Makati City
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?