Itago niyo na lang po ako sa pangalang Mae 13 years old palang po ako at nag-aaral sa marikina.Silent Reader po ako.Ishashare ko lang po yung naranasan ko sa bahay ng bestfriend ko.Grade 6 pa lang po ako nang nangyari po ito.
Mathematics month po nun so kabi-kabila na naman po yung activities,particular na yung math jingle.Kasali po kami ng bestfriend ko sa Math jingle,pangalanan na lang po natin siya na Jel.Bale bumuo po kami ng grupo,4 na babae po at isang lalaki,ang mga kagrupo po namin ay sina (not real names) Ica,Rose,At Rogy.Napagpasiyahan po naming lima na sa bahay nalang po ni Jel kami lagi magpapraktis kasi medyo malaki po yung bahay nila.Una po sa kwarto po kami ni Jel nagpraktis kasi may mga tao po sa sala nila.Pagpasok mo po don bubungad agad sayo yung aparador nila sa left side tas double deck sa right side.Yung aparador po nila is may malaki pong salamin,human sized kungbaga.Yung makikita mo po talaga yung kabuuan mo.So yun po practice,practice.Break time po namin non,at dahil sa may mga tama kami sa utak kinuha po namin yung Cellphone ni Rose at nagvideo,Si Ica po yung may hawak ng Cellphone.Kami naman po mga mukang tangang kaway lang ng kaway.Bago po matapos yung video inikot po muna ni Ica yung Cellphone sa Kabuuan ng kwarto parang nagfefeature lang yung ganon po.Pagkatapos po non edi pinanood na po namin,sa may kalagitnaan na po nung video bigla na lang pong umiyak si Rose.Tas tinuturo niya po yung Videong pinapanood namin.Kami naman tong mga sira-ulo pinagtawan lang po namin siya.Pero nung sa part na iniikot na po ni Ica yung Camera sa kabuuan ng kwarto,nakakitapo ako nang lalaking nakabarong at duguan sa may salamin ng aparador.Nilapitan ko non si Rose at tinanong kung bakit siya umiiyak. "Kasi nung kumakaway tayo merong nasa likod ko,nakita ko siya lalaking nakabarong tas duguan kaya pala malamig sa likod ko non.." Pinatahan ko po muna si Rose bago namin napagpasiyahan na magpractice ulit.Pero this time di lang kami ni Rose ang nakakita.Nasa kalagitnaan na po kami ng practice nang biglang huminto si Jel sa pagkanta.Tinanong namin siya kung bakit. "May lalaking nakabarong kasi sa salamin." Edi tumigil muna kami dahil don.Umupo muna kami sa double deck pero itong si Rogy pinatay yung ilaw kaya tilian kaming mga babae tas siya tawa lang ng tawa hanggang sa may makita kaming nakatayo sa tapat ng pinto.Pula ang mata babae siya kasi yung buhok niya mahaba.Edi iyakan na po kami pati si Rogy umiiyak na rin po kasi nakakatakot po talaga,hanggang sa may nagbukas ng ilaw,yung lola ni Jel.Tinanong niya kung bakit kami tili ng tili edi kinuwento po namin sa kanya yung nangyari.Tas sabi niya sa Sala nalang daw po kami magpractice wala na naman daw po kasing tao nakaalis na.Kaya dun na lang po kami nagpractice eh saktong aalis yung lola ni Jel pupuntang grocery kaya kami-kami lang yung naiwan.Habang nagpapractice kami may narinig kaming nahulog sa kusina kaya pumunta kaming lahat don.Baso yung nahulog,yung stainless.Edi inayos muna ni Jel babalik na sana kami sa Sala nang biglang namatay yung ilaw sa kusina.Binuksan ulit ni Jel pero namatay na naman.Hanggang sa namatay lahat ng ilaw.Edi iyakan na naman.Pero biglang bumukas yung ilaw sa kwarto.Binuksan ni Rogy yung pinto.Bumungad po sami yung bukas na aparador nina Jel at kitang kita po namin yung babae kanina pati yung lalaking nakabarong.Dahil po sa takot namin tumakbo po kami palabas ng bahay.Marami pa po akong karanasan sa bahay ng bestfriend ko saka ko na lang po ikukwento kapag napost na po ito.
Mae-Mae
Kalumpang,marikina
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?