Poltergeist

51 0 0
                                    


- Ilan dekada na ang lumipas nang itinayo ang bahay na kinalakihan ko, ito ay pasa pasa na galing pa sa ninuno nang angkan ko mula pa sa tatay nang lolo ko hanggang sa maipamana na ito sa mga saknyang mga anak (kabilang ang tatay ko) at ngayon naman sa aming henerasyon na mag kakapatid at magpipinsan. Sino ba naman mag aakala na gitna nang maingay at magulong lungsod nang Mandaluyong na malabo pamahayan nang kababalgahan dahil sa ingay nang busina nang bawat sasakyan at boses nang bawat taong dumadaan ay mayroon palang isang nag mimistulan "Haunted House"?... (So ayun sisimulan ko na ang aking kwento) Bata pa lamang ako noon at hindi na bago ang may marinig ako na kababalgahan at bulong bulungan mula pa sa mga Aunties ko, nakakatandang kapatid at pinsan kesyo ganito ganyan. Bawat araw ibat ibang experiences ang kanilang nararanasan sa kasagsagan nang mga panahon nang pamamalagi namin doon pamilya. Sa loob nang bahay na iyon apat na pamilya kmi nag kakasya kung baga kwarto kwarto bawat pamilya tatlo (3) kwarto sa second floor at isa naman kwarto sa baba malapit sa kusina, banyo at gate papalabas though meron din naman kusina at sala sa second flr kung saan yun ay ang amin dahil panganay ang tatay ko kaya may sarili space sa bahay na iyon at yung sa babang kusina ay sa mga kapatid na nang akin Tatay, noon pa man hindi na matahi-tahimik ang bahay na iyon na para bang may negative vibration o aura ang nababalot sa tahanan na iyon madalas ang away sa pagitan nang Aunties/Uncle at Tatay ko sa hindi malaman dahilan na para bang may nanadya o nang sasabutahe upang mag karoon nang gulo. Ramdam na talaga bigat nang pakiramdam sa aming bahay at masasabi mo talaga kahit sa unang punta mo pa lang na hindi lamang kami kami ang naninirahan sa pamamahay na yon, isa sa mga karaniwan na nasasaksikahan doon ang anino nang isang lalaki tuwing wala tao sa sala sa second flr ay palakad lakad malapt sa posteng nagsisilbing pundasyon nang amin bahay na kapag nag ppassed by na siya banda sa poste ay biglang hihinto sa tapat nito at tatayo saglit at biglang lalakad nang mabilis uli take note hindi ito lumulutang kung hindi lakad nang animoy taong buhay paulit ulit ito nangyayari. At ang pangalawa naman ang experience ko na nang mismo ako na ang nakasaksi noon isang gabeng d ko makalimutan habang nakatambay ako at ang aking kasintahan sa sala mga 3am na sgro yun dim light lang, tahimik noon madilim at malamig ang paligid nang mapatingin ako sa may harang or para bang terrace pababa nang hagdanan nang hindi sinasadya laki gulat ko at mapapa mura ka nalang talaga nang may nakita ko sumilip dun nga sa parang terrace nang hagdanan namin parang lalaki ng ewan makapal ang buhok wala kilay puti lang yung mata Kinginuuuuh!!! noo at mata lang nakta ko noon kulay pinkish ang balat na para bang tumatawa yung mga mata halos mag collapse ako nung makita ko yun kase naman sa lahat nang multo tae bakit nakangiteeeee at yung pangatlo naman yung karanasan ko at nang kapatid ko noon habang patulog tabe kase kmi natutulog noon sa lapag at syempre ayun nga luma ang bahay made of wood ang lapag so kapag may nag lalakad sa labas ramdam namin ang yanig so ayun na nga tuwing 11 or 12am habang nag hahanp na kmi nang tulog gabe gabe yun biglang may roon nag tatalon sa sala na para bang bata na nag jjumping rope o nag d dribble nang bola ayaw talaga tumigil nag kakatinginan nalang kami parati nang Ate ko at syempre walang may lakas nang loob samin icheck kung ano ba yun pero base sa tita ko talaga daw may bata na multo don dahil nakita na daw iyon nang Lola ko noon na nasa ilalim nang sapatusan.
Pang apat ang kaweirduhan nang yayari sa tubig na lumalabas sa gripo tanghali tapat noon nang pasya mag laba ang nanay ko saknya pag lalaba laki gulat niya na ang tubig na lumabas sa gripo ay parang na mistulang kulay dugo sa takot nang nanay ko agad ito nag dasal saknya pag dadasal ay bigla rin bumalik ang tubig sa dati nitong kulay.
Pang lima nman ay yung pag angat nung sampayan kahoy sa mismo nito sukbitan na mismo nasaksikahan nang nanay at mga kapatid ko.

_____________

Sa dami nang misteryo nang yayari sa bahay namin na iyon.. Nag pasya ang Lola ko at ang tita ko (pangatlo sa tatay ko) na ipa feng sui ang tayahanan namin na iyon dahil hindi na normal ang mga karanasan namin pamilya doon. Nung mga panahon na iyon naroroon ang Nanay ko ngunit siya ay pinaalis at pinagbawalan masaksihan ang pag ffeng sui dahil ito ay buntis kaya namin tangi ang lola at tita lang ang naiwan at ayon sa feng sui expert hindi nga daw kmi nag kamali na maliban samin meron pa naninirahan sa tahanan iyon hindi lang kami nakita niya na meron maliliit ika nga na taong itim ang naroon at kaluluwang ligaw at engkanto na maari daw nag mula sa puno nang mangga katabi nang aming bahay. (Meron kasi puno nang mangga nasa tabi nang bahay namin at ayon sa mommy ko at daddy ko pumasok na yung ugat nito sa septic tank nang bahay namin) Makalipas ang ilan taon nang pag feng sui mag kasunod na namatay ang tita ko at lola ko sa pareho taon namatay ang tita ko sa asthma samantalang ang lola ko naman ay namatay nang biglaan sa pag kakabuluna. Isa lamang ba ito co-incidents? O sadyang kinuha sila nang mga elemento naninirahan samin dahil sa pang gagambala at pangengealm nila sakanila paninirahan doon.

PS: Naibenta na ang bahay namin na yon 7 years ago at ito ay abandunadong lugar na ngayon at ayon sa kapit bahay namin tinitirhan na din daw ito nang white lady na madalas makita sa bintana.

Mar
Mandaluyong

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon