Antigong Cabinet

33 0 0
                                    


Tinulungan ko si mama mag ayos ng bodega, naglalagay kame ng lumang gamit or kumukuha kame ni gamit para idisplay ulit sa loob ng bahay.
Then nakita nya yung antigong cabinet (Na may malaking salamin at isang hilahan na compartment) ilagay daw namin yun sa kwarto ko tutal mahilig hilig na daw ako maglagay ng kolorete sa mukha saka para daw may lagayan ako ng mga abubutot ko sa katawan. 25 nako pero naappreciate ko parin mga maliliit na bagay na ginagawa ni mama sakin/samin. Nilinisan namin then inayos inilagay na namin sa kwarto ko.
Konting background ng Cabinet, actually regalo lang kay mama yun nung best friend nya nung kinasal sila ni papa. Galing daw yun sa magulang nila. Pero diko maalala na nagamit yun ni mama or naming magkakapatid nung maliit pa kame. Almost 80 years old na yung cabinet yun.
Dun nagsimula, kinagabihan mga 10:30 pass na. Hilig ko magpatay ng ilaw kapag natutulog kaya pitch black talaga sa kwarto ko tapos nung mga madaling araw naalimpungatan ako kase umaalog yung cabinet rinig na rinig ko sya at may nakikita rin akong lumalabas mula doon sa salamin, para syang anino ng maliit na babae na biglang naglaho na parang usok. Kahit hindi kona sya nakikita, may naririnig naman akong mga hikbi na parang umiikot sa kwarto. Nag antay lang ako ng sandali tapos tumakbo nako kay mama na parang 10 years old na nakakita ng ipis sa kwarto. Kinaumagahan bumalik kame sa kwarto ko para ilabas ulit yung cabinet at ilagay sa bodega.
Pagsapit ulit ng gabi, para may mga nagsisigawan naman sa loob ng bodega naman na parang gustong kumawala, next week pa uuwe si papa at nasa trabaho mga kapatid ko. Kaya nung gabi ring yun tinawagan ni mama yung kaibigan nya na nagbigay noon. Nung nakarating na yung kaibigan ni mama tumahimik na yung bodega namin, binuhat nilang mag asawa at inilagay sa likod ng sasakyan at hindi na kame tumulong ng nanay ko, kinausap namin sila sa phone habang nasa byahe na sila.
Ganoon daw talaga kapag ipinamigay mo yung mga gamit na alagang alaga ng mga magulang/kamag anak mo. Lalo nat sa hindi kadugo ipinamigay. Kumakapit daw yung pagmamahal ng may ari sa gamit nila kaya ones na ipinamigay sa ibang tao ito or itinapon, Parang kang namigay ng sumpa sa susunod na makakakuha non.
Bea
Rizal

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon