Hi! Im an active reader here in spookify. And sana this time mapost naman yung karanasan ko na hinding hindi ko makakalimutan since nangyari ito. Hindi po ako ganon kagaling mag narrative or gumawa ng story because im not a writer, hmm. Then i hope everybody should respect my side kung di man kayo maniniwala. Pero its ok, kasi may ibat iba tayong paniniwala. So eto na..
Noong August of 2016, nasa bahay ako non. Ako lang kasi anak nila mama at papa, magisa lang ako nung time na yon. Kasi Isang araw kinausap ako ni mama na may pupuntahan silang event ni papa sa dagupan city uuwi rin sila pero mga madaling araw na. Then ako lang naiwan magisa sa bahay around 5pm. Then napagisipan kong kunin yung mga sinampay na mga damit nila mama kasi nga madilim na ang ulap at mukhang uulan ng malakas.
So yun lumabas ako, malapit kasi yung sampayan sa gate namin. Sobrang dilim ng ulap nung araw na yun. Tapos maya maya umulan na ng sobrang lakas na may kasama pang kulog. Then yung nakuha ko na lahat ng sinampay, pumasok na ako sa loob ng bahay kasi malakas na nga yung ulan. Sinubukan ko munang magluto ng noodles para mainit init na sabaw habang umuulan. Medyo malapit kasi kami sa mga palayan at mga 15 na lakad papuntang tindahan. Medyo hindi ganon kadami ang tao dito sa lugar namin. Nagchill lang muna ako sa bahay nanood ng tv at biglang namatayan ng ilaw at bumukas ulit. Sinubukan kong icharge yung phone ko sa kwarto ko baka kasi matuluyan nang mawalan ng kuryente. Napansin ko yung phone ko na parang nag iis-tatic magisa akala ko sira na. At habang chinicheck ko yung notif ko sa facebook bigla nalang nahulog yung bible ng lolo ko sa taas ng aparador (hindi na nagagamit yung bible na yun kasi patay na si lolo ko at meron na kaming sariling bible) . Then binalik ko at lumabas na ako ng kwarto. Tapos nung pagsilip ko sa labas sa may bintana, jusko! May nakita akong nakatayong matandang lalaki sa labas ng gate nakatayo lang na hindi gumagalaw. nakatingin saken sa bahay namin, sobrang tangkad. Pulang pula yung mata nya na ewan. Medyo di ko maaninag kasi ang lakas ng ulan. nakasuot sya ng itim na itim na damit. Nagulat ako pucha! Bigla akong takbo sa loob ng kwarto ko habang naririnig ko sariling tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Tinext ko sila mama na natatakot ako may matandang pangit sa labas. Sinabi ko rin na umuwi na sila. Tapos biglang kumidlat. (Probably wala nang kuryente.) Kabang kaba ako non. Tapos lumabas ulit ako ng kwarto mga 10 minutes na para silipin ko ulit sa bintana, potek! Nandon pa din yung matanda at nakangisi na saken! Nakatabingi yung mukha nya at paunti unti na syang naglalakad papunta sa bahay. Naiiyak nako kasi first time kong makakawitness ng ganito at hinding hindi common itsura nya. Tapos tumakbo na ako at tumago ako sa likod ng upuan and nagpray ako na sana umalis na yung matanda, then maya maya may kumatok na malakas sa pintuan namin. Tatlong katok na mabagal. Yung katok na sasabog yung puso mo sa takot. Pinagpapawisan na ako. At walang wala akong balak na buksan ang pinto namin. Hindi ko din balak subukang lumabas ng bahay kasi doon lang ang labasan at pasukan sa bahay wala nang labasan sa kusina namin.At habang nakatago ako sa upuan habang hawak ko yung phone ko, biglang humangin ng sobrang lakas at may tumatawa sa labas ng pinto, palakas ng palakas yung tawa nya. Yung tawa na parang si satan na sobrang lalim at hindi mo maintindihan tapos wala na akong magawa kundi sumigaw ng ""In Jesus name! Kung sino ka man kasama ko ang aking Diyos na buhay!"" At Bigla nalang nag growl sya ng sobrang lakas na parang boses ng demonyo. Alam nyo yung tunog na parang kinakatay na baboy? Ganon. Sobrang lakas tapos ako naman walang bukang bibig kundi lord tulungan moko. Tapos biglang tumawag sila mama at pauwi na raw sila. Paglingon ko sa pintuan, wala na yung matanda, wala na rin sya behind the gate. Pero malakas pa din yung ulan. At bumalik na rin sa wakas yung ilaw.
Tapos paguwi nila mama hindi ko mapigilan luha ko at umiyak ng umiyak nang ikwento ko sa kanila yun. Pati sa mga kaklase at pinsan ko kinwento ko na. And im so confident na totoo yung sinasabi ko.Then, sa susunod daw Pag aalis sila isasama na daw nila ko. natahimik na din naman yung matanda. Hindi na sya nagpakita sakin since except sa panaginip ko nakikita ko pa din sya until now. Sasabihin ko lang sa inyo na kahit gaano tayo kalapit o kalayo sa lord alahat tayo ay aatakihin ng diablo.
Ps. The title ""Demon behind the gates"" represents the demons or devils behind the gates of hell. They wont stop hunting us in the real world to spread evil and war.
Satan, the father of Babylon and its ways, ""walks about like a roaring lion, seeking whom he may devour"" (I Peter 5:8).
-Zeldaxlove04
(Bayambang, pangasinan)
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?