My own reflection is a demon

62 1 0
                                    


Hi, I just want to share about this at ano sa tingin niyo ang nangyari sakin noon. This happened last summer hanggang June 2017 and dahil month of June na ngayon, natatakot ako na maulit ulit.
I was so depressed, suicidal and drowned. So as a person who loves to write, ineexpress ko ang mga nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsulat ng stories, poems, one shots etc. A plot of series suddenly formed inside my mind kaya natapos ko agad ang Book 1 noon. Then yun, lipat agad ako sa Book 2 which is ang plot ay ""What if si Satan ay hindi naman masama? Like palabiro lang siya at inasar niya lang naman si Eba at Adan na kainin ang prutas? And he loves humanity or the people so much that he became angry at God for punishing them even though it's his fault. He stood against him because he doesn't want to see the people suffering. So he gets his revenge by spreading his evilness by the touch of his finger."" Again, this is only a fiction. Tanging imagination ko lang yan. So yun, I started writing na wala pa ko sa chapter 3 or 4 (i think) nang makaramdam na ko ng kakaiba sa kwarto ko. And the worst part is, I'm getting nightmares EVERYNIGHT. Nung una nakita ko sarili kong repleksyon pero mas maikli buhok nito kumpara sakin and my reflection is handing me my ""math notebook"" kasi sa likod ng math notebook ko sinusulat ang mga suicidal thoughts ko o ang mga gusto kong mamatay that time na nagsusuffer ako ng sobra sobra. My reflection kept telling me na “Go back please” tas ang daming nakatingin na mata sakin. And suddenly, I woke up. Akala ko matitigil na, pero may mas ilalala pa pala. Lagi akong nananaginip ng tulog ako at kung ano yung suot ko nung natulog ako at saan ako natulog, ganun rin sa panaginip ko. Ang pinagkaiba lang nag repleksyon ko ay nasa likod ko at tila sinasakal ako nito. Iyak ako ng iyak at hindi ko alam gagawin ko. Tinatawag ko si mama pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. So nung nagising ako, tagaktak ako ng pawis at naghahabol ako ng hininga. Akala ko normal lang yun, na sleep paralysis lang na kadalasan naman na nangyayari. Pero tangina, gabi-gabi kasi. Natatakot na ko matulog nun. Hindi ko alam gagawin ko at halos hindi ko na malaman ang pinagkaiba ng reyalidad sa panaginip lang! Natigil yun nung nagumpisa ako magdasal ng paisa isa. Hindi kasi ako religious na tao at sinisisi ko dati si God kung bakit ako nagsusuffer dati. Nawala ang mga panaginip ko pero napalitan nang paggising ko lagi ng 3am patay na yung ilaw at nakalock pa yung pinto ko which is hindi ko naman ginagawa. Sobrang natatakot na naman ako at naiiyak noon, kaya pag nagigising ako ng madaling araw ay alam ko na agad ang oras at pag everytime na nagigising ako, ay naghohope ako na hindi 3am pero pag tinitingnan ko cp ko. Saktong sakto.
Hindi ako naniniwala sa mga supernaturals pero this time, ewan ko. Pakiramdam ko may demonyo laging nagbabantay sa akin kasi may time na parang may naririnig akong unusual na tunog sa kwarto ko o may humahaplos ng balat ko. At ngayon, ang tanging nagagawa ko na lang ay ang mag imagine na pinoprotektahan ako ni God at magdasal.
Kayla
Laguna

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon