Doppelganger

61 2 0
                                    

May nabasa ako bout sa doppelganger ng ate nya kaya gusto ko din i share experience ko.

May pinsan ako, itago natin sya sa pangalang jeric. Sa lahat ng pinsan ko sya yung pinaka close ko and mas matanda din sya sakin, para ko na siyang kuya kasi sya lagi yung kasama namin, kaso sa ngayon wala na sya. Sa pagkakatanda ko December 2013 nung nangyari yung experience ko na yon at mayroong bagyo that time, nagbabakasyon kami nun sa probinsya. Sa di ko alam na dahilan uuwi si papa sa manila at kailangan na may kasama sya para alalayan sya sa byahe at si kuya jeric nga yung kasama nya, di ko maiwasang mag worry din kasi nga maulan pero di naman malakas at basa yung kalsada so madulas kaya pinag pray ko na lang sila. Around 2 pm nagising ako and 2 hrs na yung nakalipas simula nung maka alis sila. Nagising ako dahil sa tawag ni inang kalikasan kaya naman pumunta ako ng banyo para pakawalan to. Medyo malayo layo din yung banyo namin mula sa kwarto ko (wow laki ng bahay ah hahaha) habang naglalakad na ako bigla kong nakasakubong si kuya jeric nakakapagtaka lang kasi di man lang nya ako pinansin at tuloy tuloy na naglakad, at dahil nga tinatawag na ako ng kalikasan hinayaan ko na lang and then nung nakaraos na ako tsaka ko na-realize na kasama nga pala ni papa si kuya jeric! Takte halos di ko na binuhusan yung inidoro ni hindi ko nga matandaan kung nakapagsabon man lang ba ako nun at bigla akong tumakbo dun sa kabilang kwarto sa mga pinsan ko at gulat din sila kasi namumutla ako at pawis na pawis kahit malamig yung panahon. At kwinento ko nga sa kanila tapos nagkumpulan na sila sa iiisang sulok dahil sa takot kasi wala nga kaming ibang nakakatandang kasama sa bahay namin, after that wala pa sigurong 30 mins tumawag yung tita namin, sabi na naaksidente daw sila papa sa bandang bulacan area.

Jc.
2013.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon