(Ang Pasahero sa kalye ika-siyam)
I'm Kevin, avid reader ako sa page na to since (2016).At gusto kong ibahagi ang kwentong nagpapagimbal sa buong bayan namin, lalo na sa mga tricycle driver na inaabut ng gabi sa pamamasada.
Bakasyon na, at dahil wala naman akong magawa sa bahay, napagpasyahan kong sumama na lamang sa tiyo Berto ko, sa pamamasada ng tricycle.
Maayos naman ang aming pamamasada, maliban lamang sa gabi noon Marso 19. Gabi na at wala ng mga pasahero sa daan. Tinahak na namin ang daan pauwi. At sa madilim na parte ng kalye ika-siyam may babaeng nagpa-para sa amin. Di na nakatanggi si tiyo Berto, dahil malapit lamang daw ang pag hahatiran ng babae. Naka suot ng lumang puting bestida ang babae na tila nanggaling pa sa isang kasalan. Mahaba ang kanyang buhok, ngunit d ko naaninag ang kanyang mukha, sa kadihilanan na naka yuko ito sa buong byahe.
Umakma na ang dilim at nagpa-para ang babae sa isang bakanteng lote, madilim at walang kahit na ano dito, bukod sa isang malaking puno ng akasya. Natulala si tiyo Berto sa kakatitig sa lugar na yun, habang nag tataka, kung bakit doon siya bababa. Naka upo ako sa likod ng tricycle ni tiyo berto. Nilingon ko ang babae sa aking likuran lamang. Ngunit walang ni isang bakas akong nakita. Mapagaalaman ko naman agad kung lalabas man siya. Nakita ko din ang reaksyon ni tiyo Berto na halatang takot na takot sa karanasang iyon. Di na napagatubili at kumaripas ang tricycle namin, at tinahak agad ang daan pauwi.
Ayon sa ibang tricycle driver na nakaranas din nito. Tumakas daw ang babaeng ito sa kanyang kasal. Ngunit nahantong siya sa pag ka gahasa ng isang tricycle driver sa bakanteng lote na kung saan raw nag papahatid ang pasahero sa kalye ika siyam. Marahil ay nanghihingi ito ng hustisya sa kanyang pagkamatay.
Paumanhin na kung masyadong mahaba at magulo ang pagkakwento. Hinahasa ko pa lamang ang aking sarili sa pag sasalaysay.
Kevin
Iloilo
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?