Muntikan Ka Na

169 2 0
                                    

Magandang gabi po mga admin silent reader lang po ako ng page na to

Just call me Len. Gusto ko lang sana ishare yung experience ko po matagal na po itong nangyari way back on
Dec. 2005 - Jan 2006
Sa isang lugar sa Negros Occidental kinuwento ni Papa ang nangyari sa akin

Magsisimula na ako
I was 4 yrs old that time nang magdesisyon ang aming pamilya na magbakasyon sa bahay ng aking lola sa Neg. Occ. Unang punta ko pa lang doon so bali excited ako (fast forward)

Noong nakarating na kami sa bahay ng Lola ko ay nagpahinga kami agad dahil pagod sa biyahe unang tulog ko pa doon medyo ok pa pero ang sumunod na gabi ang nakakatakot ...

Exactly 12 am ay nagising dahil sa pananakit ng tiyan ko. Sa mga oras nayon may naririnig akong mga tunog sa ibabaw ng bubong doon mismo sa kwarto kung saan kami natutulog at nakakarinig din ako ng tunog ng pusa sa takot natulog na lang ako ulit at tinitiis ang sakit ng tiyan ko.
Tapos isang putok ang narinig galing sa labas

Kinaumagahan may isang tao na pumapatrolya ang tuwing gabi sa amin nagkwento tungkol sa nangyari kagabi isang matandang babae ang umaaligid- aligid sa harap ng bahay namin pinutokan niya daw( warning shot) biglang nag anyong malaking itim na ibon at lumipad pa layo
Doon sinabihan ko sila na sumakit ang tiyan ko kagabi kaya dali² nila akong dinala sa albularyo tapos may itlog na pinausukan sa sinunog na kamangyan at parang pinapahid sa tiyan ko ang itlog nong biniak ito laking gulat namin ng may 3 bato ang nakit sa itlog. Naging ok na ako at umuwi na kami

Pero sa sumunod na gabi 
Nagising na naman ako ulit exactly 12 am dahil sa sakit ng aking tiyan. May naririnig na naman akong kalabog sa ibabaw ng bubong ng kwarto namin at may naririnig pa akong hiyaw ng pusa, umaalolong ang mga aso sa tapat ng bahay namin...

Ginising ko si mama habang namimilipit sa sakit sabay sabing "Ma may ungo sa gawas" (may aswang sa labas) ..Nabulabog ang lahat nang may narinig na putok galing sa labas kay lumabas ang lahat ng lalaki sa aming pamilya maliban sa akin. Laking gulat nila nang may nakita sila sa ibabaw ng bubong isang malaking itim na pusa na pula ang mga mata 
Nandoon din ang taong pumapatrolya sa lugar namin at agad ni pinaputokan bigla naman itong nagbago ng anyo at naging malaking itim na ibon at kumaripas ng lipad

Hinintay namin na sumapit ang umaga at pumunta kami sa albularyo ... Pinahiran ng lana ang aking tiyan sunod ay pinausokan ako tapos pinahid-pahid ang itlog sa tiyan ko at noong biniak itong isang patay na sisiw na itim ang lumantad at doon ok na ako

Pero bago kami umuwi ay may huling sinabi sa akin ang albularyo "halong ka gid to kay dyotayan ka lang" ( magiingat ka dahil muntikan ka na).
At umuwi na kami

At naging matiwasay na ang mga sumunod na gabi wala na bakas ng pangagambala ng nilalang nayon

Yung lang po thank you po at sorry na rin dahil ang gulo kong magkwento

P.s. Thank you ulit

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon