Ang kakaibang bintana

41 0 0
                                    

Ako nga po pala si Rhandy (di ko tunay na pangalan) Share ko lng po itong naranasan ko sa sobrang pag ka tamad ko hahaha.. 
Nauutusan kaba ng mga magulang mo mag hugas ng mga Plato na pinag kainan mo nyo pag tapos nyong kumain sa Gabi? tapos may Bintana rin ba kayo malapit sa Lababo nyo? Ung sobrang weird na bintana talaga... pwes you must read this para aware ka sa naranasan ko.. ako kase pinag hugas ng mga Plato ehh sorbrang dami nun kase umaga tanghali gabi mga Plato huhugasan ko nun syempre Walang Tao sa bahay sila mama lng naiiwan dito sa bahay namin.

Tapos saamin pa ipapahugas lahat yun pag dating namin galing sa school so ako no choice talaga Grabe ngayon lng sakin nangyare to.. After namin kumain ng Hapunan sabi sakin ng mama ko..

V.
Mama: Nak hugasan mo mga Nasa lababo.
ako: Mamaya na ma. tinatamad pa ako eh
Mama: sige basta hugasan mo yun lahat.

Ako naman si dinapuan ng pag ka tamad busog na kasi eh! inaantok pa ako nun. so after ng lahat ng yon. Nag hugas na ako mga bandang 11:50pm na dun palang ako sinipag eh. so habang papunta ako sa lababo napansin ko na agad ung bintana naming napaka weird bigla nalang sumakit ung puso ko at Parang Hindi ako makagala.. siguro mga 15 seconds akong Naka tulala nun naka tingin lng ako sa bintana Wala naman akong nakikita eh sobrang dilim kase sa labas nun bakuran ng kapit bahay namin tapos Maya Maya bigla na akong nakagalaw. kinuha ko ung pang hugas ng mga Plato at hinayaan ko nalang ung bintana kahit sobrang masama na ung pakiramdam ko tuloy lng ako sa pag huhugas nun Panay ang tingin ko sa bintana namin na para bang natatakot ako na baka may biglang lumitaw dun kaya nag madali na ako.. mag hugas kahit di maayos ung pag ka hugas ko basta ang iniisip ko lng is matapos agad yun at matulog na..
hanggang sa ung pinaka huli na ung huhugasan ko which is ung pinag lagyan ng ulam namin kailangan kong lumabas ng bahay para maitapos yun. nasa labas kase ung basurahan namin eh tulog na silang lahat ako nalang gising talaga saamin kaya ang ginawa ko lumabas ako at tinapon yun kahit sobrang takot ko pinikit ko nalang mga mata ko sabay takbo papasok ng bahay di ko nga Alam kung napasok ko sa basurahan yun eh after nun babalik nanaman ako sa weird na bintana Hayss.. di ko na talaga kinaya ung mga sunod na nangyare bigla nalang may parang nag lalakad palalit dun sa bintana ako naman sa sobrang takot ko hinagis ko na ung hinuhugasan ko sabay patay sa ilaw at takbo sa kwarto at nag takip ng kumot. ko nanginginig katawan ko nun hanggang sa kwarto ko may nararamdaman ako kakaiba kaya nag dasal ko at Maya Maya nawala na at nakatulog ako... ang pag dadasal talaga ang pinaka best way para matulungan ka ng panginoon sa mga masasamang elemento o spirits kaya araw araw na akong nag dadasal..

Lesson learned sundin agad utos ng magulang..wag mag papatalo sa katamaran.. dahil yan ang mag papa bagsak sayo. maraming salamat. 

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon