Puzzle

58 0 0
                                    


Dahil parating maulan, at ako yung tipong sakitin, tumutuloy muna ako sa tita ko, kasi yung bahay niya malapit lang sa office ko, mga 10 minute bus ride lang, very convenient para saken. Naistress kasi ako lately sa bad weather tapos mahaba at matrapik na commute dahil holidays na.

Yung tita ko empty nester na, lahat ng pinsan ko married na at nakabukod na. Ginawa ni tita pinagamit niya saken yung spare room sa taas ng carport, malaki naman siya tsaka comfortable ako dun kasi parang studio type na, may bathroom at kitchen etc. Now, pag umaalis ako pina-padlock ko yung 2 pinto papasok sa kwarto ko. Double door type kasi siya, may kahoy na inner door tapos metal decorative grill na outer door, leading to the balcony and metal staircase pababa sa carport. Parati ko yun sinasara kasi parati din naman wala sa house yung tita ko kaya for security reasons di ko kinakalimutan ilock yun. One time inaantay ko dumating yung tita ko, naglaro ako nung jigsaw puzzle, mga 1000 pieces ata yun, ang design niya is mga fishing boats sa pier. Halfway thru the puzzle, narinig ko na bumusina yung kotse ni tita kaya bumaba ako at nilock ko yung 2 na pinto palabas ng room ko. Pupunta kasi noon sa mall, after ng work ng tita ko.

So dumating kami past 10pm na, sobrang trapik kasi, at since kumain na kami sa labas nag-good night na ako sa tita ko at parehas na kami tumuloy sa respective rooms to sleep. Pag open ko ng kwarto ko, nakita ko sa study table, yung jigsaw puzzle na iniwan ko half-finished eh buo na. Ngayon, wala naman siguro buhay na tao gagawa noon kasi lock 2 pinto ko at yung mga windows eh jalousie na may grills din, at isa pa, nakasara din yung bintana dahil madalas naka-aircon ako.

Sa madaling salita, ngayon umuuwi na ako sa house namin ulit kahit madugo ang commute araw-araw. Di bale nang pagod huwag lang yung kabado.

Crazy_piggy

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon