Kapingis

105 1 1
                                    

(Taong bahay na dimo nakikita. Isang Elemento na nakatira sa bahay nyo)

Hello Spookify! sana po mapost po 'tong kwento ko kase avid reader ako neto and I want to share what I've experienced way back 2010. Di ako magaling sa pagkkwento pero this one was real! I have 6 siblings(2 di namin kasama kasi nakatira sila sa bahay ng nag aalaga sakanila pang apat at pang lima) a cousin and mama. Lahat na kami malalaki na at wala ng baby na kinakarga or infant. I was a freshman sa isang school sa bicol at may hang over pako sa pagiging elementary(wazzup awesome childhood!) Since na ganun nga, laro lang ako ng laro everytime na mag rerecess and after schooling pag nasa bahay na minsan nga inaabot pa ng gabi pag weekends. Mahilig din ako makipag kwentuhan ng horror sa mga kalaro ko pag gabi na after namin maglaro ng patintero. So ito na nga everytime na nagkukuwento kami ng kung ano anong katatakutan this story tumatak sa isip ko about sa tao o mga taong di nakikita na nakatira sa bahay namin/nyo. Akala ko di yun totoo since pag mga kwentuhan ng mga bata puro "sabi sakin ni ano may nakita daw syang ganito ganyan" tapos maniniwala din mga kakwentuhan mo kasi naiimagine din nila kumbaga pabibo alng. I can't remember the date but it was weekend kaya mag hapon akong naglalaro kahit na high school na ako after breakfast tatakas na sa bahay para dina mautusan at makapag laro na. Uuwi lang ako pag tanghalian at haponan na. Halos maghapon akong babad sa laro. Mga tantsa ko 9-10 pm yun ng umuwi nako ng bahay(Naglalaro lang ako palagi sa malapit or harap ng bahay namin) nakalapag na sa sala namin yung tutulugan(kase occupied lahat ng 4rooms kasama bodega namin) Yes! Isa sa kwarto namin ay bodega nalang, lahat ng lumang gamit na dipa ko pinapanganak sa earth eh dun nakatambak. May malaking salamin din dun na parang yung pang mayaman may mga drawers at lalagyan ng kung anong pampaganda sa katawan(imagination alert) kaso lumang luma na. At that time i was exhausted sa paglalaro and I decided to sleep. Mahimbing tulog ko dala ng sobrang pagod after ng ilang oras at exactly 12mn nagising ako at bukas ilaw sa sala namin, nasa bandang baba nako ng higaan na para bang may humila pababa sakin dina ko pantay ng mga kapatid ko sa unan then suddenly dumaan si mama palabas ng sala papuntang terrace at first diko sya pinansin tapos biglang nag blackout (walang kuryente) it only takes a second! Just 1 second at bumalik na power samin ng makita ko si mama nasa loob na ulit sya ng bahay galing kusina. Dun naramdaman ko na prang sobrang puyat ko na bagsak talaga katawan ko(mabigat bes) at kaba. Lumabas ulit sya at bumalik na may mga dalang lampin na nakatupe na marami (yung sobrang puti parang ginamitang ng tide) papunta dun sa bodega namin knowing na wala nmn kming infant at san kukuha ng lampin si mama galing labas ng bahay na alam kong wala kaming pinag gamitan ng mga lampin! AT bakit ilalagay ni mama sa bodega yun? Eh ang puputi. Kinabukasan I asked mama yung nangyari ng gabing yun and she doesn't even kwow anything tungkol dun. Bsta ang creepy na sinabi nya sakin "Baka ginaya ako ng kapingis dito sa bahay kasi ntyempuhan mo". Sorry napahaba kwento ko.

PS. Ang kapingis ay isang elementong walang itsura and tend to copy other people/person.
PPS. Yung salamin namin na malaki creepy din yun at parang pwedeng gamitin sa larong bloody mary.

2010
Dianne

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon