She's here

77 1 0
                                    

Hellooooo readers! Call me Jasmine. Im not a good story teller so bear with me.

Nangyare to way back 2009, 9 years old palang ako noon nung unang beses akong makapunta somewhere in Pampanga malayo sa sibilisasyon, malayo ang palengke, malls at puro bukid dito sa tita ni mama. Tatlo kaming magkakapatid na itago natin sa pangalang Justin (panganay) Jasmine (2nd) at Jaxon (bunso). Ang pwesto ng bahay nila mama ay nasa gitna ng bukid at magisa doong nakatayo sa kanila kase yung bukid sa paligid nila, sa tapat ng bahay ay may mga limang pilapil pa ng bukid bago ang mga bahay sa mismong baranggay at ang daan.

So eto na nga, pabyahe kami papuntang pampanga (commute lang hehe) madaling araw kami bumyahe mula sa lugar namin hanggang sa bahay ng tita ni mama (8hrs) nakarating kame mga magtatanghalianna (bata pako ko kaya wala akong pakialam sa oras sa init ng araw ako bumabase) anyway fiesta doon kaya kame umuwi. Yung itsura ng bahay ng tita ni mama ay bato na mukhang bagong gawa may tatlong kwarto hindi naman malaki sakto lang. Pagdating namin doon ay nakipaglaro na agad ako sa mga bata doon, 2 silang nakalaro ko na itago natin sa pangalang Selena at Hailey. Si Selena ay ang madaldal at mabait na bata, mahaba ang buhok mga hanggang kilikili mahaba na yon para sakin nung bata ako (medyo limot ko na itsura nya basta uhugin) si Hailey naman ay tahimik at pangiti ngiti lang, maikli ang buhok hanggang panga lang nya naalala ko pa suot nya non naka shorts na white at sandong puti tapos naka blackshoes at yung medyas nya ay yung may pakulot sa dulo yung parang kulambo ganon taga kabilang barangay daw sila at nakikipamyesta lang sila sa tita ni mama. Naglalaro kame ng 21 (yung habulan). Ang natapatan ng 21 ay si Hailey, edi nagtakbuhan na kami ni Selena. Habang tumatakbo ako lumilingon ako sa likod ko at ako ang hinahabol ni Hailey ang sama ng tingin nya kaya medyo natakot ako kaya takbo lang ako ng takbo. Maya maya pagtingin ko sa likod ko nakatayo lang sya at nakatingin ng masama sakin na parang nanlilisik yung mata kinikilabutan ako at kinakabahan sobrang bilis ng tibok ng heart ko bes hindi ko alam kung sa hingal o pagod. Napansin ko na tumatakbo ako pero parang malapit parin sya sakin habang sya nakatayo lang at nakatingin sakin at nararamdaman kong di ako umaalis sa pwesto ko as in para akong nagjujugging. Maya maya parang wala nakong marinig sa paligid ko, tapos biglang parang bumigat ulo ko tas nagblack paningin ko.

Paggising ko nasa loob ako ng bahay ng tita ni mama nakahiga sa upuang kahoy nila sa sala. Nandun si mama nakatalikod, tinawag ko sya mga tatlong beses. Maya maya tinawag ko nanaman sya pero di talaga sya tumitingin o lumilingon. Naiiyak nako ng sobra maya maya narinig ko sya nagsalita....

To be continue

P.s. pagnapost to ikukwento ko yung kasunod
P.p.s. Yung mga names shoutout sa makakagets

Jasmine

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon