Hi spookifiers! Silent reader po ako at first time ko magshashare ng experience dito. Hope you understand. Itago nyo nalang po ako sa pangalang "james"
nagsimula ang lahat nung umuwi ako sa tarlac upang mag bakasyon sa bahay nang aking lola taong 2012.
nag tagal ako sa bakasyon ng mahigit 3months. pero sa loob ng 3 months nayon ay may nakilala akong babae na itago natin sa pangalang "zel"
si zel ay maganda, sexy, mabait, may kaya sa buhay. halos lahat ng kabaryo nya ay may gusto sakanya, sa madaling salita nasakanya na lahat. kaya di nakakapag takang pantasya siya ng barangay nila. naka close ko si zel dahil dalawang bahay lang naman ang pagitan nang bahay nila sa bahay nang lola ko.
hanggang sa di nag tagal nag kagusto ako kay zel at ayon nga dumating na sa point na ligawan ko sa siya. pumayag naman siya at after two months ay sinagot nya na ako. hanggang sa dumating na nga ang ika tatlong buwan nang bakasyon ko at kelangan kuna umalis sa tarlac at bumalik na sa bayan ko sa laguna. sa araw ng paglisan ko papaalis na sana ako nang bigla kong maalala si zel kung kamusta kaya ang relasyon namin pag umalis ako. nag ka patong patong ang negative thinking na baka maagaw siya nang iba. oh baka
may makilala pa siyang iba na higit sa akin etc.
sa araw na yun nakapag decide akong wag nalang umuwi para makasama ko araw araw si zel. nung time na yun tinawagan ko na si mama't papa na di na muna ko uuwi. syempre nag taka sila kung bakit, pero ang palusot ko nalang si lola gusto ko syang kasama habang buhay pa siya. at sinabi kong dun ako mag wwork at okay naman ang naging desisyon nila.
at kinabukasan ay nag apply na nga ako kahit saan sa lalawigan ng tarlac at napadpad ako sa LUISITA INDUSTRIAL PARK na kilala sa pangalang L.I.P. at sa lugar na yon ay maraming kumpanya so nag decide nakong pasukan ang lugar.
kinabukasan ay may nag text sakin ang SANYO isa sa mga kilalang kumpanya sa l.i.p. na kelangan kuna mag umpisa at patuloy ang mga naging blessing sa buhay ko at masaya din kami ni zel sa relasyon na meron kami.
(forward) mahigit 3 years na kong nag wowork sa nasabing kumpanya. at naka duty ako nun 6pm to 6am.(night shift) at nilalagnat nang biglang nagtext sakin si zel aroun 7pm at nakipag hiwalay sakin at umamin siyang buntis siya at hindi ako ang ama. nabigla ako sa text niyang yun at bigla akong nanlambot sa sinabi nya at sa halo halong sakit na naramdaman ko lagnat, broken heart, depress at iba pang sakit na naramdaman ko.
nung araw na yon ay nagpasya akong mag undertime at uuwi akong 9:30pm at pinayagan naman akong umuwi dahil ang alam nila may lagnat ako. lumabas na ko sa kumpanya at nakatayo sa may waiting shed habang nag hihintay ako ng shuttle na nag hatid nang iba pang empliyado sa tabing kumpanya namin at maka sakay na papalabas sa L.I.P.
naka sakay nako at bababa na ko sa robinson luisita para makasakay na ulit papuntang Haciendang luisita. (forward) naka baba na ko sa kanto ng tinutuluyan namin ng lola ko at hindi kalayuan ay may natanaw akong maraming tao na parang may naaksidente or nag away kaya nag madali akong nag lakad papunta sa lugar nayon nung medjo nakakalapit na ako medjo kinakabahan nako kase nkita kong nag lalakad sila at nakaputi silang lahat at nag tataka nako kase habang lumalapit ako papalayo naman sila. at napatingin ako sa may bandang unahan nila isang sasakyan na karo ung para sa libing yung sasakyan. at nung nakita ko yun kumikinang ang karo na parang balot ng ginto at nakita ko yung sasakyan na biglang papasok sa isang pader na walang nakakapasok sa lugar nayon kase puno nang guard. ang tawag sa lugar na yun ay HAZAMA pag mamay-ari ng hapon. pero nung nakita ko yung karo na papasok sa pader tumakbo nako ng matulin pabalik sa linakaran sa sobrang takot at bilis nagulat pa sakin mga nakakasalubong ko. at nung nakalayo ako ay agad kong kinuha ang mobile ko sa bag ko para tawagan ang pinsan ko upang masundo nya ako. at yun nga nasundo nya na ako habang naka sakay ako sa single nyang motor ay kinikilabutan ako at naka pikit lang habang naka sakay. nung nasa bahay nakami ay tinanong ako ng pinsan ko at lola ko kung anong nangyari sakin kase nakita nilang putlang putla ako na parang shock. nung medjo napakalma na nila ako dun kuna nakwento ang nakita ko sa lugar na yun. at laking gulat ko nung tinawan nila ako kase sila palang dalawa alam na nila ang tungkol sa libing na yun na puro ginto. kase yung lugar pala na yun ang HAZAMA ay dating sementeryo ng mga hapon na abandonado na dahil daw puro pilipino na nakatira dun. at dati daw bawat ililibing na hapon dun may mga gintong isasama sa libing. pero ngayon daw nawala na ang mga ginto dun kase makikita daw ang puntod puro pinag basagan.
mula non ay pag dadaan ako ng gabi sa lugar na yun may kasama nako lagi. at mula nun ay di na ko nag a-undertime pag night shift ako baka machempuan ulit yon.
sa ngayon ay andito na ulit ako sa laguna. at tinapos ko nlang ang 4years contract sa kumpanya.
0029
-james.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?