Nightmare number 3

32 0 0
                                    

Share ko lang ang dream ko, lahat kasi ng mga dreams ko parang totoong mangyayari. Minsan naman kpop ang bida.

Pero ito, real life ang ganap.

Gabi nun sa subdivision namin. Brown out at lahat ng mga kapitbahay at kami ay nasa labas. Yung kotse naming Pick-Up nasa daan din.

Nanduon ako naka upo sa may hood nun ng makita ko ang dalawang kapatid kong lalaki, Pinuntahan ko sila.

"Kuya saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Duon sa tindahan, tambay tambay lang." sagot ng kapatid ko.

"Sama ako?"

"Sige na."

Sumama nya ako tapos biglang sumunod ang pamangkin kong itago nalang natin sa pangalang 'Sam'.

Nang makarating kami duon na upo kami sa isang table na malapit sa labas. Dahil brown out naka bukas ang pinto nito.

Nag uusap ang dalawa kong kuya, dahil dream lang sya hindi ko alam ang pinag uusapan nila.

Then, nakita ko ang isang bestfriend ng kuya ko. Itago narin natin sa pangalang 'Kevin'.

Si kuya kevin na kasuot ng bonet, tapos naka jacket at pants pero ang nag pakuha saakin ng atensyon ang mata nya. Akala mo bagong adik ng mga zombies.

Maputi ang mata nya pero may mga pulang mga nerves ata yun, sa eye lids nya may pula pula din.
Tapos may hawak syang makapal na libro.

Tinanong ko sya, " Kuya bakit ka nandito?"

Pero imbis na sagutin nya ito, ay hinatak nya ako papalayo sa mga kuya ko.

"Ang mga sasabihin kong ito ay---"

Naputol ang mga sinasabi nya ng biglang hatakin ako ng isang kapatid ko.

Tumakbo papalayo si kuya kevin at sinundan ito ng mga mata ko. Then, nakita ko ang isang malaking bilog sa gitna ng daan. Lahat ito ay gawa sa kandila, nakasindi at may usok sa gitna.

Binalikan ko ang mata ko kay kuya kevin at ang librong hawak nya ay naka bukas may berdeng usok na lumalabas duon at mga mata nya ay itim na.

Tinignan ko ulit ang bilog at nakita ko si sam nanduon. Pupunta sana ako sakanya pero may humarang na van. At nanduon ang dalawa kong kapatid at iba pang hindi pamilyar saakin.

"sakay na!"

"wait lang si sam"

Tinawag ko si sam at pinapa punta saakin pero ayaw.

"tara na!"

"saglit lang!"

Tinawag ko muli pero ayaw..

Tawag ng tawag ang mga kapatid ko at mga ibang tao nanduon saakin pero naka tuon ang atensyon ko kay sam. Patuloy ko syang tinatawag hanggang sa may kumuha sa kanya ant hilahin ito.

Duon ako nagising. Akala ko umaga na pero ng pag tingin ko sa 
orasan saktong 3 am.

Ang 3 am ang pinapaniwalaang 'witching hour'. At dahil may darili akong kwarto at ang cr nito ay nasa labas, ay lumabas ako dahil nakaramdam ako ng pag susuka.

Pero ng lumabas ako... Ay naka amoy ako ng bulaklak na pang patay. Nakakita ako ng maliit na bilog sa labas at nakasindi ang mga kandila nito.

Hindi ako lumabas ng kwarto ko nun hanggang mag umaga.

~~
Umaga na at naduon parin ang mga kandila...

»» Ever since nag simula ang pinaka unang nightmare ko ay patakot ng patakot ang mga ito..

-FrechSoipao
-Novaliches, Q.C

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon