Our family was originally living in Northern Samar specifically in Tarangnan but in the year 2016 lumipat kami ng cagayan for some reasons but so much for that, let me start my story. Have you ever heard the Biringan City? ever since I was a child, eto na yung panakot ng lola ko sa akin, her stories are still fresh in my memory so let me share it to you.
Sabi ng lola ko Biringan city is an enchanted invisible town in samar where the most richest entities of the philippines are living. Sabi niya, lugar daw iyon ng mga engkanto, kapre, duwende at mga hindi normal na tao. Lumilitaw ito sa gitna ng mga kakahuyan tuwing gabi at may mga mapapalad na normal na tao ang nakakakita dito. May iilan na umaamin na nakita raw nila ang city tuwing gabi na napapalibutan ng makukulay na ilaw at sadyang napakaganda raw sa mata na animoy may pyesta, may mga musika na nakaka halina at may amoy raw na tila nang aakit ng mga bisita.
Kwento pa ng lola ko, may mga truck raw ng semento, bakal at iba pang materyales ang dumating sa lugar namin naka address sa ""biringan city"" at naka panggalan sa taong nakatira sa lugar namin pero matagal ng patay. Marami naring turista ang nawawala at hindi na nahahanap sa lugar namin. May mga treasure hunter naring dumating sa lugar namin ngunit umuuwi silang walang imik na animoy na hypnotized at ni walang pasabi kung anong meron sa lugar namin o kung may tagong yaman ba kami. May mga isperitista ring nagtangkang pasukin ang lugar namin ngunit sa di malamang dahilan, agad agad silang umaalis na wala ring sinasabi.
Dagdag pa neto, may isang kwento na sobrang sikat sa baranggay namin, ito ang kwento ni sabel. Si sabel na turista lang rin sa lugar namin ngunit nakahanap ng kabiyak kung kayat tumagal sa lugar namin. Napaganda niya raw kung kayat di nakapagtataka kung maging ang mga engkanto ay mahalina sa kanya. Nagtaka nalang ang lahat ng matagpuan ang patay na katawan ni sabel sa mismong bahay nila at ang kanyang asawa ay nawawala. Ang katawan raw ni sabel ay walang marka ng karahasan o anumang bakas na siya ay sinaktan at pinatay, natagpuan ang kanyang katawan na naka himlay sa kama na puno ng mga dahon at bulaklak. Noong una ay inakala ng mga tao na ang kanyang asawa lamang ang gumawa neto ngunit pagkalipas ng ilang araw nagtaka ang lahat ng matagpuan rin ang patay na katawan ng kanyang asawa na nakahimlay sa gitna ng kagubatan wala ring bakas ng pagpapahirap at parang natutulog lang. Makalipas ang ilang araw nasaksihan ng mga tao ang muling pagka buhay ni sabel, hindi raw nabalsamo ang katawan niya kung kayat nangilabot ang lahat nang bumangon ito sa pagkakahimlay at magkwento ng tungkol sa biringan city at kung paano siya kunin ng napaka perpektong lalaki na pinangakuan siya ng kasal at malaking mansyon sa lugar nila. Tumakas raw siya rito at dahil sa kakatakbo nawalan siya ng malay at pagkagising niya ay nilalamayan na siya ng mga tao. Pagka kinabukasan raw ay bumulagta sa kanila si sabel na naliligo na sa sariling dugo at agad ring namatay. Walang bakas kung sino o ano ang pumatay sa kanya. Umikot ang kwentong ito sa buong lugar ng samar at nagkaroon ng ibat ibang bersyon.
Hanggang ngayon, isang misteryo parin ang Biringan sa aming mga taga samar. May mga naniniwala at may mga hindi. Parami ng parami na ang mga naging kwento na patungkol dito. Ngunit para sakin, maswerte ka kung makikita ng iyong mga mata ang ganda at kulay ng Biringan City.
Drew
Cagayan
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?