Tagpuan

24 0 0
                                    

Hello spookify! Ako po si Ethan, originally, Im from texas. I was born and raised there. Year 2010, nagbakasyon po ako sa province ng mommy ko. Marunong po akong filipino since both parents ko is pinoy. Pero di po ako marunong mag bisaya. So medyo hindi ako nakikipag usap sa mga tao dun since mahihiya ako. Pero sobrang babait at malalambing mga bisaya. (Parang mommy ko)
2 weeks na ko don pero panay mga relatives ko lang nakakausap at nakakasama ko gumala. One night, hindi ako makatulog. So I sneaked out para mag sightseeing. Lakad lang ako ng lakad at dinala ako ng mga paa ko sa gubat. Sobrang ganda don kahit na yung liwanag eh nanggagaling lang sa buwan. Nung napagod ako. Naupo ako sa tabi ng ilog. May nakita pa nga kong pagong eh. I was about to catch it para iuwi at gawing pet when someone popped out of nowhere. Sobrang gandang babae na nakaschool uniform pa. Nagbisaya sya kaya di ko naintindihan. I told her I don't speak the dialect kaya inulit nya yung tanong.
"Wag mo kako sya hulihin. He belongs to this place" using a crisp american accent. I was so aghast that moment.
"Are you from here?" I Asked.
She didnt answer. She just smiled. And it felt like it was the most beautiful smile I've ever seen. Mestisa beauty sya. She has the cutest dimple.
"Gabi na. Bakit nandito ka pa? Maraming napapahamak sa lugar na to. You should go back home" medyo malungkot pa nyang sabi yun.
"Saan ka sa America?" I asked again. I was just guessing dahil mukang hindi din naman sya probinsyana
"Colorado" she chuckled.
"I KNEW IT!! Damn! Finally! Hindi na ko alien sa lugar na to" natawa na pa kami parehas.
Lumalim ang gabi. At mas naging malalim ang usap namin. Nagkkwentuhan kami. Mas matanda ako saknya pero same lang kaming nasa highschool. (Wala pa kasing k-12 sa pinas non at America meron) Her name is Eris Originally, she's from U.S din. American ang father nya, at nung namatay daw, inuwi sya ng nanay nya na taga probinsya din. Sobrang saya nya kausap. No dull moments. Until we decided to part our ways. Umuwi ako and just found myself smiling like an idiot. I couldnt stop thinking about her. The next day. I went back to the woods. And sobrang saya ko na nandon sya. 2 months, we've become good friends. Or Maybe more than that. Pero I had to go back. And so I did. Pero next vacation. Kinulit ko parents ko na magbakasyon ulit don. Wala kaming naging usap nung umalis ako. Di ko alam kung may social media account ba sya.
Bumalik ako sa old place. She was still there. Playing her guitar. Singing with such a sweet voice. Tinawag ko sya kaya sa napalingon.
"Hey miss colorado! Hahaha"
"Ethan!!" Hinding hindi ko makakalimutan yung yakap nya sakin non. It felt great. Dahil antagal kong hinintay yun.
2011, we've became even more intimate. Madami akong nalaman sakanya. Yung spot na lagi naming pinupuntahan, doon pala namatay yung kakambal nyang lalaki named "Eric" Kaya nabanggit nya na madami daw napapahamak sa lugar na yun. But she just can't leave the place. Doon nya lang daw kasi nararamdaman na kasama nya pa si eric.
araw araw na kaming nagkikita non after school nya lagi. Dederetso sya sa woods. Ako alam ko ding 5pm ang labasan nya sa school kaya before 6pm nandon na ko.
Pero umiikot din kasi ang relo. Paubos na naman ng paubos ang oras ko dahil matatapos na ang bakasyon. Kakailanganin ko na naman syang iwan.
Huling araw ko, Nakipag kita ako saknya para sana magpaalam.
"Hindi ka ba masaya dito?" Naiiyak sya non kaya parang gustong gusto ko syang yakapin ng mga oras na yun
"Babalik naman ako next vacation. Hintayin mo ko ah?" I've tried na I-lighten up yung mood.
"Hanggang kelan? Hanggang kelan pa ko maghihintay dito? Ayoko na dito. gusto ko dito ka lang. Samahan mo ko" umiiyak na sya non at nagmamakaawa na magstay ako.
I felt bad din that time.
"1 year nalang naman eh. Ggraduate na ko ng Highschool. babalikan kita. Dito ako magccollege kung gusto mo? Para lagi tayong magkasama?
"Mangako ka." Sabi nya na medyo naiinis.
"Okay. Promise. Pagbalik ko dito. Hinding hindi na kita iiwanan. Lagi na tayong magkasama kahit saan. Sasamahan kita. Pangako" I said full of conviction.
She smiled joyfully. "Talaga? Baka gingoyo mo ko. Papaluin na talaga kita" naluluha pa sya non pero alam ko masaya sya sa nadinig nya.
She left me a necklace. And I gave her a promise ring.
2012
I graduated. And mabilis pa sa alas quatro akong umuwi ng pilipinas matapos kong makuha yung papers ko para doon na ako magcocollege.
Noong bumalik ako. Hindi pa tapos ang school year nila kaya nakauniform at bag pa syang nakipag kita sakin.
She was feeling down. at sinabing death anniversary ni erick noong araw na iyon. Sobrang niyayakap nya ko at panay sabi nya ng "Dito ka lang ah? Wag mo ko iiwan. Diba nangako ka na lagi mo ko sasamahan? Matutulog ako saglit pero wag mo ko iiwan ah? Pag iniwan mo ko, I'll drag you back kahit nasan ka pa" seryoso nyang sabi.
"Oh c'mmon! Ikaw naman. O sige. Matutulog din ako. Dalawa tayo matulog para fair"
We've decided to sleep. I was sleeping like a log that time. Hanggang sa may gumising sakin. Tinapik tapik yung muka ko.
"Hoy ano ginagwa mo dito?! Bakt dito ka pa natutulog?! Trespassing ka. Bawal sa lugar na to boy " nakasuot ng pang baranggay tanod yung lalaki na gumising sakin.
Hinanap ko si Eris. Pero she's nowhere to be found. Mag isa nalang akong natutulog. Pero naiwan nya pa yung bag nya na agad ko ding kinuha. Maya maya. Dumating yung iba pang tanod at dinampot ako. Dinala ako sa barrangay. At kung ano ano tinatanong sakin. Prohibited area daw ang lugar. Naisip ko na tumakbo siguro yun si eris to avoid some trouble at naiwan ang bag nya kamamadali. Sa huli kinuwestion ang hawak kong bag dahil pambabae. Kanino daw iyon at nasan daw ang may ari non. Parang inakusahan pa akong may ginawang crime. So I told them, I was with my girlfriend 'Eris' . At natutulog lang kami. Pag gising ko wala na sya. Luckily nagtatagalog naman sila
"Eris?" Takang tanong pa nung isa.
"Sir, baka pwedeng makita yung loob ng bag? Kung okay lang? Sa girlfriend mo naman kamo yan."
Medyo madungis na sya tingnan. Di ko alam kung bakit. Kinalkal nila yung bag at may naninag akong I.D lace na madalas suot ni eris.
"There! ayan ang i.d ng girlfriend ko. Eris Johnson po"
Kinuha at Chineck nila. Doon eh parang nanigas at namutla lahat ng nandon. Naguguluhan ako pero mas lalo akong naguluhan ng madinig ko ang sabi ng isang pulis
"Ser anong sinasabi nyo? Matagal na hong patay ang taong to"
Nakipagtalo pa ko sa tao don. I was throwing harsh words. Hanggang sa sinundo ako ng tiyahin at mga pinsan ko.
Umuwi ako na nagpapawis ng malamig. At wala sa sarili. Gusto kong suntukin yung pader at magwala dahil ginagawa nila akong tanga. Not until I heard what really happened.
5 years ago. Doon din sa kagubatan na iyon. A highschool student named "Erick johnson" was involved on some fraternity war. Maangas daw ito masyado at may nabanggang tao, not knowing na galing sa isang sindikato etc. alam daw ng mga nakakakilala sakanila na sabay na umuwi silang magkapatid. Pero nakakapagtakang hindi na nakauwi ang mga ito.
Nireport na sila sa pulis at after 4 days, both body was found at woods. Erick's body was found hanging in a tree- yung puno na madalas naming sandalan ni eris. While his twin sister was gang-raped at natagpuang lumulutang na sa ilog. nirape daw ang kapatid nito sa harap mismo nung erick bago ito napagkatuwaang lunudin sa ilog- ang ilog na katapat lang ng puno kung san ibinigti ang bangkay ni erick. Sa dami ng nadinig? Yung iba hindi na tinatanggap ng tenga at utak ko.
Pano nangyari yun? Hindi ko alam. Pero bumalik akong texas. Leaving no words. I was quiet the whole time nung pauwi ako. my life wasnt the same anymore. Mahal na mahal ko si eris.
Madalas sya sa panaginip ko. Saying
"Nangako ka. "
"Akala ko hindi mo ko iiwan?"
"Isasama kita"
2019, next year nakaschedule ang flight ko sa pinas. Babalikan ko si eris at tutuparin ko ang pangako sakanya.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon