Nakiupong babae

46 1 0
                                    


(HORROR STORY TRUE TO LIFE . LIKE/SHARE)

Nagumpisa ang lahat nung 2yrs old palang ako ay lumipat na kami sa Bulacan galing Bataan .Sobrang liit lamang ng bahay parang malaki pa ata yung kusina ng ibang bahay . Luma na ito at ginawa kaming tenant ng sobrang laking lupa na puno ng talahib. Wala pa ganong bahay noon sa lugar namin .

Bale nung una diko masyado sineryoso yung sinabi Ni mommy na may babae daw na di pamilyar ang maraming beses na pabalik-balik na tila umaaligid sa bahay namin habang kabuwanan nya sa bunso kong kapatid tandang tanda kopa non na pinuno nang bawang at asin Ni mommy kagabihan ang bahay at natatawang umuwi ang daddy sa nadatnan dahil madaling araw na sya nauuwi noon. Anyway walang konekta ang tunay na nakakatakot na karanasan namin dito. 
Bale 4 nako non nang maisipang mag abroad nang daddy dahil nakapanganak nadin ang mommy at tatlo na kaming bubuhayin . Napagawa nadin ang bahay namin non at para paikliin naikukwento ng mommy na nakakakita sya ng kabaong sa ibabaw ng aparador pag naalimpungatan .Sinusubukan nyang pumikit pero pag dilat at may barong nang kasama. Natatawa lang ako noon dahil base narin sa dating pangyayari .Syaka 10 na ata ako noon at dun din nagumpisa na makakilala ang mommy at naging Christian kami.Simula noon ay dina mabigat Ang kamay Ni mommy samin at may improvement dahil nadin sa pnghihikayat ng mga kaibigan.

Isang gabi paguwi galing church Christmas party parehas na may na experience Ang mommy ko at kaibigan nya at sabay pa sila nagreact. KWENTO NANG MOMMY: May babae daw na mahaba ang buhok na nakaputi ang humahabol sa kanya sa panaginip . 
Kinilabutan Ang tita ko dahil di rin daw sya makatulog non gayun paman nag pray sila. Kinabukasan nang tanghali nanaginip sya na hinahabol muli ng babae pero that time sinasabutan na sya nito.Nagising ang diwa nya na tipong parang tumayo talaga sya nagpatugtog sya ng hillsong sa player dahil dama nya ang presence ng babae sa bahay pero ang tunog ng CD ay tila sira(wangggwannggg static na tunog) Biglang nagring ang cp nakalagay "Nanay" (tumatawag ANG Lola ko) pagka sagot ay tinatawag Ang kanyang pangalan na may malaki at malalim na tinig.Kasabay non ay may nakita syang taong tila sunog ,naglalangis at may amoy na nabubulok na laman.

Dahil don pinasya ng mommy magpa pray over pati ang bahay. Sabi ng mga nagpray samin mayron daw humahawak sa kanilang mga braso at binti gayun paman panatag na kami.

Kagabihan nanaginip muli sya na hinahabol muli nitong may mahabang buhok na babae. Napunta sya sa isang liblib na baryo na puro kubo inaabot daw Ang kamay Nya ng tinuring ko ng pinsan na that time matatag sa church. Kumanta sila ng praise and worship bigla daw may malamig na bumaba sa kanyang ulo at di malaman na biglang nilakasan ng loob. Hinabol daw nya ito at pinagaapakan ang muka ng babae pagkatapos ay matagal nang napayapa Ang aming tahanan.

Subalit sa edad Kong 16 na walang experience sa ganong bagay.Hindi sineseryoso at Hindi involve sa ganong usapan gaya ng aking mga kapatid dahil ayaw ng mommy at may alinlangan kami dahil Baka bangungot at imahinasyon lamang.

Isang araw muling napasyahang magbakasyon ng Tito ko na binata 21 siguro sya non matagal nang di nagawi samin may pagka hambog ito para sakin dahil maitsura din naman. Gabi gabi ay bukas ang FM radio dinig sa magdamagan hanggang umaga Sabay ng telebabad sa aming telepono dahil madami nadin syang binatang gaya nya na barkada sa amin .

Hanggang sa Hindi inaasahan sa kalaliman nang gabi o madaling araw 2am non bigla syang tumalon sa kama namin nanginginig ,nakatalukbong ng kumot, tila paslit na tinatawag ang mommy "attt...teeee .atte ...ate" Nagising kaming lahat pero di alam ang dahilan ng ikwento nya ito na puno ng takot "nakahiga ako sa sahig at nakalatag ang manipis na papag nkatakip ang aking kalahating muka ng kumot,pantay at tuwid ang aking katawan habang sa paanan ko sa kaliwa andon ang bentilador.Diba ate maririnig mo na mahahawi ang hanging kung may dadaan? Iyun ang narinig ko,maya Maya may umupo nga sa kanang paanan ko kung San nandun yung green na upuan sa totoo lang ay di ako takot. Dahil gusto ko ma experience to. Tinanaw ko ang paanan ko at nakita ang sayad lupang tila inarmirol sa tigas nang damit . bago ko tingnan ang itaas ay nasabi kopa " Yes! Ito na to!" Ngunit pagsulyap ko babaeng mahabang buhok alang muka pero may nanlilisik na mata at tila kulay dugo ang nakatitig sakin . Gusto ko na mawalan ng ulirat sa takot ngunit ng muli Kong sulyapan ay tumayo into Sabay takbo ko sa inyo."

Matapos nitong mgkwento maniwala kayo o sa Hindi naramdaman namin ang presence ng babae kala ko'y simpleng kaba lang .Nang nagstatic sound ang radyo Take note Hindi ito CD . Walang may nais magpatay into subalit ang sala ang tanging pinto palabas. May amoy bulok na sunog na laman ang pumalibot sa bahay. Oo tama kayo naranasan namin ang lahat 4am ng lumabas kami ng bahay dala ang kilabot.

Di makausap ng ayos ang Tito at 2days na tropa Ni Tito at sya muna ang natulog sa bahay hanggat di napagpepray mula nang umalis ang Tito 2months di inupuan ang nasabing upuan. Dina naulit ang lahat gayong 22 nako sa ngayon .
Para sa akin sinubok nang pangyayaring yon ang aming pananampalataya. Gayon paman higit na makapangyarihan ang Diyos kanino man. Maraming Salamat.

( C)Aecee Catherine Salalila

NOTE : Pray after reading diko po intension manako but to share how blessed po kami .But to be honest kinikilabutan po ako while typing... (Like and Share) Godbless! 

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon