Spirit of the Glass

204 1 0
                                    


Hello po sa lahat. Ako nga pala si Rey (di ko totoong pangalan). Tulad ng karamihan, isa rin akong silent reader since my gf invited me here. Pasensya na po kung medyo mahaba 'tong story ko dahil sasabihin ko lahat ng detalye. I'm old enough to tell the truth at walang halong kalokohan. It's your choice to believe my story or not.
When I was 3rd year high school in Cagayan de Oro, night shift po yung sched ko. Bali 1st year & 2nd year ay morning shift at 3year & 4year ay night shift. Napakalaki ng skewlahan pero sobrang daming estudyante parin. Sa lahat ng skwelahan na highschool dito, itong samin ang pinakamalaki at malawak. Yung building ng classroom namin ay nasa sulok ng paaralan. Dating gusali yun na nasunog at renovate nalang nirenovate nila. 2 classrooms in ground floor at 2 classrooms in 2nd floor. Nasa 2nd floor yung classroom ko at kami lang na section ang may klasi sa gusaling iyon from June -March. Patay lahat ng ikaw sa gusali maliban saming classroom.
SEPTEMBER 28, 2010
6:00PM hindi dumating yung guro namin para sa huling subject namin dahil napakalakas ng ulan. After 30-45minutes tinignan namin yung baba ng gusali, bumaha na at halos isang talampakan ang tubig kaya nagpasya kami na mag-uwian na kaming lahat. Pero sa nanatili ang mga kaibigan ko kay nanatili na rin ako. Wala kasi kaming payong kaya ayaw namin mabasa.
Rom, Male
Nans, Tomboy
Bren, Male
Cath, Female
Kirsti, Female (my bestfriend)
Yan ang mga kaibigan ko at ako nag pang anim samin. Nag-uusap sila tungkol sa mga nagdaang linggo na yung ibang kaklasi raw namin tumatmbay sa kabilang classroom na may napapansin daw na kakaiba. Tulad ng bumukas bigla yung gripo sa CR at minsan yung anino nila hindi daw gumagalaw. Madilim kasi dun dahil bawal gamitin ang classroom kung walang guro.
Sa aming anim, si Rom at Nans lang talaga naniniwala sa mga sinasabi ng mga kaklasi namin. Dahil nasaksihan nila mismo ang mga nangyayari.
6:30PM Gumawa sila ng Ouija board gamit ang illustration board at pentel pen. Gusto ni Rom na maniwala kami kaya magSpirit of the glass daw kami.
Coincidence, brown out bigla nung natapos ni Rom ang paggawa ng board. Hindi kami natakot nun dahil hindi talaga kami naniniwala sa mga multo. Kaya naman lumipat kami sa kabilang classroom at bukas ang pinto kaya pumasok kami dun. Kidlat lang nagsilbing ilaw namin nun. Madalas kasi yung kidlat nun sabay sa pagbuhos ng napakalakas ng ulan.
Exact 7:30PM
Nagsimula na kami umupo sa sahig, excited na ako nun dahil gusto ko talaga basagin yung trip nila. Nilapag yung board sa sahig at kumuha si Rom ng maliit na baso, yung ginagamit sa pagtatagay. Nakita ko sa mga mukha nila na seryoso talaga sila sa gagawin kaya naman sinimulan na namin sa pagdasal. Pagkatapos nun ay hinawakan namin ang baso na nakabaliktad, gamit ang aming daliri. Nagsimula nang magtanong si Rom sa board ng tatlong tanong ...
-Nandito ba kayo?
-Ilan kayo?
-Pwd ba namin makausap ang isa sa inyo?
...Pero walang nangyari, nakakatuwa nga dahil gusto ko na basagin yung trip nila. Pero may sinabi si Rom na di namin masyadong marinig pero ang sabi nya raw ay ""Calling to demon, let your slave talk to us""
Ewan ko kung maniniwala kayo, yung baso gumalaw at pumunta sa ""YES""
Lumakas yung ulan at panay sunod-sunod yung kulog at kidlat.
Nagtanong ulit si Rom kung ilan sila dun, at pumunta ang baso sa 1 at 3, para samin 13 ang ibig sabihin nun. Nasa punto ako nun na NEUTRAL yung isip ko, gusto ko maniwala at gusto ko na hindi. Tumayo ako at sumigaw ng ""Kalokohan lang to!"" at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Sa puntong din iyon, ay kumidlat ng tatlong beses na sabay-sabay kaya lumiwag sandali ang buong silid-aralan na'yon. Nakita ko mismo ang sarili ko sa salamin dahil nasa tapat pala ako nung tumayo ako.
Pero sa puntong ding iyon ay may napansin kaming lahat na mga anino sa bandang CR, hindi naman anino nila yun dahil nakaupo lang sila sa sahig at yung anino na nakita namin at nakatayo sa bandang CR. More or less 10 ang mga nakita namin pero maliban sa isa na may halos 7feet yung tangkad nya at yung katawan nya ay mas malaki pa sa mga taong nagGyGym. Lahat kami nagsitakbuhan palabas. Pero naiwan yung baso kaya inutos ko si Kirsti na balikan at kunin yun, sya ang inutosan ko dahil sya lang hindi naniniwala sa puntong iyon. Pero nung palabas na sya sa pintoan ay may kamay akong nakita sa likoran at tila hinila si Kirsti pabalik sa loob. Hinila ko yung kamay nya para makalabas sa classroom, sabay kaming bumaba sa ground floor kung saan naghihintay yung iba naming kasamahan. Tulala kami at umiyak si Kirsti dahil nasugatan yung likod nya na parang kuko na napakatalas. Tinapon nya ang baso sa pader kaya nabasag yun. Nagalit si Rom dahil hindi na raw namin matatapos yung laro.
Sumigaw ako ulit ng ""Guni-guni lang yun!"" at umalis ako, sumabay silang lahat maliban kay Rom.
September 29, 2010
Holiday dahil sa NCAE, Pumunta kami ng family ko sa Iligan City para magdiwang sa kapestahan ni ""St Michael the Archangel""
Pumunta kami sa simbahan kung saan nandun ang rebulto nya.
Nung nakita na namin ang rebulto, bigla akong nahilo nung nakita ko ang demonyo na tinapakan ni St Michael sa kanyang statue. Tapos bigla kong naalala yung napakalaking anino na nakita ko sa bandang CR. Nag-freeze ang mga mata ko at yung utak ko naka-freeze din sa anino na nakita ko. Parang iisa lang sila, basta nagugulohan ako sa panahong yun. Hinila bigla ni mama yung kamay ko para lumabas sa simbahan dahil sa sobrang daming taong gumagsa sa araw na yun. Pilit ko kalimutan ang lahat at akala ko tapos na ang lahat pero hindi pa pala ....
SEPTEMBER 30, 2010
Bumalik na ang klasi namin. 12noon pumasok kami sa gate ng paaralan at isang balita ang bumulagta samin. Apat na estudyante ang sinapian kaya agad-agad naming pinuntahan. Pero huli na ang lahat nung pumunta kami dahil lumipat sa dalawang boyscout at dalawang girls scout ang mga sumapi sa mga estudyante.
Kitang kita namin ang apat na nag-aaway, hindi yata sila magkasundo kaya dumating ang mga C.A.T officers para paghihiwalayin ang mga sinapian. Isa sa kanila ang sinundan namin ni Kirsti. Pinasok sya sa silid-aralan at tinali ang buong katawan. Hinila ko ang kamay ni Kirsti at pumunta kami sa harapan ng sinapian.
""Oh ngayon naniniwala ka na? Kasi ako, naniniwala na ako.""
Ngumiti lang ang kaibigan ko. Pero laking gulat naming lahat nung huminto sa pagsisigaw at pagtatadyak ang sinapian. Tumingin sya sa aming dalawa at biglang tumawa ng malakas, sumigaw sya pero hindi namin naiintindihan dahil salitang Latin ang ginamit nya. Sa sobrang takot ko at umalis kami at kalimutan ang lahat. Ilang araw ang dumaan, sabi ni Rom na may 3rd year students ang nakakaalam sa ginawa namin nung isang araw kaya sila na mismo ang tumapos sa laro para wala ng estudyante ang madadamay pa.
Hanggang dito na lang at maraming salamat sa lahat.
Rey
Cagayan De Oro

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon