She, The Lyrist

97 0 1
                                    

Hi Spookifiers! This is it, so itong isheshare ko sa inyo ay sarili kong karanasan, unlike nung mga previous stories na nashare ko na sa inyo.

---

LUNES ng hapon, abala ako sa pagsabay sa mga kapwa ko lyrist sa kanilang tinutugtog, pinaghahandaan na kasi ng banda ng school ang aming tutugtugin para sa nalalapit na campus sports fest, specifically sa parade.

Habang nagpapractice ay lumapit saken si Nicole, kaibigan ko pero di siya member ng band. Pinapatawag daw ako ng aming Science teacher regarding dun sa report ko bukas. Nagkataon lang siguro na siya yung nakita ni Mr. Javier.

Nagpaalam muna ako sa aming leader bago tuluyang umalis.

Pagpasok ko sa junior highschool faculty room ay saktong nandun si Mr. Javier, Science 10 lecturer ng aming section.

Ipinagbigay alam niya sa akin na wala siya bukas dahil siya ang ipapadala ng aming school sa meeting sa ibang lugar, sinabi niya rin na wala siyang nahanap na teacher na pwedeng humalili sa kaniya pansamantla upang bantayan kami sa oras ng klase niya. Ituloy ko daw ang reporting kahit wala siya, at magbigay din daw ako ng quiz after nun.

Nagpaalam na ako at umalis, nakita kong nasa labas parin si Nicole, nakaupo sa bench malapit sa faculty room. Nilapitan ko siya at nagpaalam na babalik na ako sa practice, hinintay lang rin niya pala ako para magpaalam, aalis na rin kasi siya dahil nasa labas na service niya.

So medyo may kalayuan ang venue ng practice namin, dahil maraming gumagamit ng classroom ng junior high, mga college students, dun kami sa compound ng senior high na wala ng masyadong tao pagsapit ng hapon.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang ilan sa mga drummers at majorettes ng aming band, dala dala mga gamit nila, bag at instruments. Narinig ko rin namang tumigil na yung tunog na kanina'y rinig ko pa mula sa faculty room. Dumiretso sila sa Music and Arts room, na tinawag na rin naming band room, upang ibalik ang mga instrumentong ginamit nila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakasalubong ko na nga halos lahat sa kanila, tapos na nga ang practice.

Nakasalubong ko mga kapwa ko lyrist, bitbit nila ang kaniya kaniyang nilang lyre, actually di naman lahat, yung iba provided ng school, ilang king lyres at isang marimba, at sa iba naman ay self provided . Yung mga babae na nasa lower grade, senior lyre lang muna ang gamit nila, then kami, king lyre, at sa leader naman namin, siya yung tumutugtog sa marimba, since pwede pang tumugtog dun sa lower part ng marimba na lower yung tone, bale dalawa na sila. Ang kinalabasan, nag beblend yung higher tone at lower tone ng marimba.

Ang akala ko binitbit na rin nila lyre ko, pero hindi pala. Akala lang pala. So naglakad ako mag-isa papuntang senior high, di naman gaanong malayo.

Pagkarating ko dun ay agad kong kinuha bag ko at lyre, medyo mabigat dahil king lyre.

Another lakad na naman hanggang sa makarating na nga ako sa Music and Arts room o band room. Naka lock na, buti nalang at may duplicate ako.

Pagkapasok ko ay medyo madilim na, di naman gaanong malaki ang band room, kaya siksikan mga instruments dun, yung iba di maayos pagkakalagay, mga walang disiplina.

Binuksan ko ang ilaw at dahan dahan akong naglakad papunta sa pwesto ng mga lyres, inilapag ko ng maayos at dahan-dahan lyre ko, meaning may disiplina ako.

Bigla akong naihi nun kaya dali-dali akong tumakbo papuntang C.R., actually katabi lang ng band room ang C.R., as in katabi lang, magkadikit sila. Pero 'tong C.R. na'to ay para sa college, nasa kabila pa yung para sa junior high. Di ko na pinansin yun at pumasok na ako. 
Pagkatapos kong yeah ay nagsalamin muna ako at naghilamos, naghihilamos ako nun habang patuloy sa pag-agos ng tubig ang gripo nang bigla kong narinig na tumutugtog yung lyre, kinilabutan ako bigla, sa tingin ko nagsitayuan balahibo ko. Pero di agad ako nagpadala sa takot at naalala ko na nasa band room pa pala bag ko.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon