05/30/2018
Real Life Story,base on what I experienced on that night!Time Check:11:08pm
Matapos kung makachat ang kaibigan ko sa facebook ay natulog na ako,natandaan ko pa ang last convo ko sa kaniya "matutulog na ako bye,pero awake ako sa devils hour"hindi ko alam kung bakit binanggit ko pa ang devils hour sa chat.Alam niyo naman ang devils hour diba?Sa mga hindi nakakaalam (devils hour ay 3am-4am at according sa nabasa ko ay oras yun na kung saan bumubukas ang lagusan ng underworld sa ating mundo at nakakalakbay ang mga kaluluwa dito,short info lng yan kayo na bahala mag research kung gusto niyo at ipagpapatuloy ko na ang naudlot na kuwento...
Malakas ang ulan kasabay ng malamig na hangin na nanggagaling sa electric fan namin at dahil nga sa masarap matulog paglamig ay nagdesision na akong matulog dahil antok na antok na ako ngunit bago ako matulog ay nagdasal muna ako at wala akong ideya na dito na pala magsisimula ang masamang panaginip ko. Sa una kong idlip,bukas ang diwa ko na naririnig ko lahat ng usapan at ingay sa paligid ko na ang nakapagtataka ay tulog naman lahat ng tao sa bahay,sinara ko pa ang bintana dahil nakabukas ito,ngunit maya maya ay parang di ko magalaw ang sarili ko at may nagsasalita sa likod ko na di ko alam kung sino,nanaginip na pala ako ngunit sa panaginip na iyon ay hindi ko mabigkas ang "amen" sa dasal ko.Napagtanto ko na nanaginip pala ako dahil sa maraming nangyayaring kababalaghan at iyon ang naging dahilan sa paggising ko,pero akala ko gising na talaga ako,hindi pa pala. Sa ikalawang idlip ko,natandaan ko pa ang sinabi ng kaibigan ko na parte sa pagbukas ng third eye na pinaniniwalaan ng ibang tao at sabi ko naman,bumababa ang life expectancy mo sa mundo sa tuwing nakakausap mo o nakikita ang multo,yun ang nasa isip ko before ako matulog at nangyari ang di inaasahan,parang nasa bahay naman ako pero kakaiba dahil madilim at nakikita ko ang black aura basta hindi ko ma explain.Parang nakikita ko ang mga kaluluwa sa bahay at nasa ibang mundo ako ngunit sa bahay pa rin ang lokasyon.Natandaan ko ang parte sa napagusapan namin ng kaibigan ko at doon ko napagtanto na nanaginip naman ako.Mabilis kong pinakaramdaman ang katawan ko upang magising ako at nagising nga ako pero hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari. Sa ikatatlong idlip ko ay nasa bahay pa rin ako pero may kamay sa tiyan ko,gusto kong alisin pero nabigo ako at hindi ko namalayan na nahulog na pala ako,parang binuhat ako ng kamay na yun at nilumpo,di ko magalaw ang katawan ko pero nakakapagsalita pa ako,wala akong matandaan na sinabi ko sa ikatlong panaginip ko dahil mabilis at pabago bago. Naramdaman ko na parang nahulog ako sa itaas at ng maglapat ang katawan ko sa sahig ay nagising ako at nag iba na ang posisyon ko sa pagtulog. Naulit lahat ng yun,magigising ako at matutulog ulit,sinubukan kong idilat ang mata ko ngunit parang hindi ko kontrolado ang katawan ko ng mga oras na yun at kusang sumasara ang mata ko at lumalakbay naman ang isip ko. Sa ikaapat o ikalima kung panaginip ay nandiyan ang pamilya ko,akala ko nga umaga na kasi lahat sila gising at parang normal lng kung ano ang nagaganap sa bahay.Marami akong sinabi na hindi ko ulit matandaan pero may tumatak sa isip ko ang ginawa ng pamilya ko,ang mga kilos nila na iba talaga at ang mga titig nila na hindi mo alam kung galit o ano,basta hindi ko maipaliwanag ng maayos.Napagtanto ko na nananaginip na naman ako kaya kinurot ko ang sarili ko at ng magising ako ay ganun pa rin,malakas ang ulan at naririnig ko naman ang ingay sa labas sa hindi maipaliwanag na dahilan.Naidlip ulit ako at sa ikaanim na idlip ko ay nasa bahay pa rin ako pero pababa sa hagdan,nakita ko ang mama ko sa labas at tinignan ko ang gawi niya.Parang may sinasabi siya pero di ko matandaan basta ang alam ko ay nakapagtataka ang kilos niya,ibang iba. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagising ako at hinarap ko ang altar malapit lng sa tinutulugan ko,humingi ako ng tulong pero di ko matandaan ang sinabi ko,hinawakan ko ang rosaryo pero parang may enerhiya na nagpipigil sa kamay ko na makadapo sa altar na yun kaya nagdesisyon ako na bumaba at sabihan ang magulang ko tungkol sa masamang panaginip ko,nagising sila at tinanong kung bakit gising pa ako,hinarap ko sila na umiiyak at may sinabi ako na"hindi ako makatulog sa itaas at sa kuwarto niyo lng ako matutulog" and everything went black.Nagising ulit ako at alam ko na totoo na to,narinig ko pa ang sarili ko na sinasambit ang huling sinabi ko sa panaginip ko.Tinignan ko ang paligid at nasa normal na ang lahat at totoong bahay na to.Pero nakapagtataka na kasabay sa pag gising ko ang paghinto ng ulan at ang lahat ng mga naririnig kung ingay sa labas ay wala na.Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dali dali kung kinuha ang nakacharge kung cellphone at sabihan sana ang kaibigan ko parte sa masamang panaginip ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila online kaya nag isip ako ng plano para matandaan ko ang bawat detalye na nangyari sa panaginip ko at ito na nga ang ilahad ito gamit ang color note.Habang tinatype ko to ay nandoon pa rin ang takot at parang mahirap sa akin itype ang bawat letra sa kuwentong ito. Sanay na kasi ako sa ganito dahil minsan ko na rin nilahad ang kuwentong kababalaghan ko noong elementarya ako at baka nabasa niyo na iyon,ang pamagat nun ay "Flying Chair" at "Dressmaking Doll" pero mukhang iba to sa mga na experience ko noon dahil sa kuwentong ito ay nasa life and death na ako.Kung hindi ako nakagawa ng paraan upang magising ako sa bangungot na yun ay baka habang buhay na akong tulog at alam niyo na ang ibig kong sabihin dun.Mahilig ako sa horror stories at movies na siyang pampalipas oras ko gabi gabi kaya ewan ko kung may kinalaman ito sa panaginip ko ngunit isa lng ang tumatakbo sa isip ko na baka hudyat na ito ng pagbubukas ng sixth sense ko o ang third eye ko,kayo na ang maghusga kung ano sa tingin niyo ang gustong ipahiwatig ng panaginip ko kung panaginip lamang ba ito o isang babala?P.S Sa mga nagbabasa nito pasensiya na kung hindi perpekto ang paglahad ko,kakagising ko lng kasi at time check 11:56pm na yun kaya antok na antok ako sa pagtype ng kuwentong ito
Gusto kong pasalamatan abng kaibigan ko na itago nlng natin sa pangalan na felix na siyang tumulong sa akin upang maibahagi ang storyang ito sa spookify.
P.P.S Babasahin ko ang mga comments niyo at e like ko na rin sa gustong magbigay ng opinion tungkol sa panaginip ko!
Ron N.S
15 Male
Western Visayas
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?