DEPRESSION IS A KILLER

31 1 0
                                    


I have a cousin. Who recently take his own life. Yes, nagbigti siya. I want to share this story kahit alam kong hindi nakakatakot. Pero siguro, para malaman ng madla na mahirap kalaban ang DEPRESSION.
Base sa paglalahad ng kapatid niya, nung araw na bago siya nagpakamatay, masaya pa naman daw sila, tawa daw ng tawa kapatid niya habang nanonood sila, pero yung saya niya, KAKAIBA. Ipinagsawalang bahala yun ng kapatid niya. Hanggang sa oras na ng pagtulog, magkatabi sila. Maayos naman daw yung gabing yun, pero naramdaman niyang bumangon yung kapatid niya ng bandang madaling araw, buong pagaakala niya ay babangon ito upang magprepare sa byahe papuntang (Di ko na lang babanggitin yung lugar) para magpa enroll ngayong semestre. Kaya sa pangalawang pagkakataon, ipinagsawalang bahala na lang siguro niya iyon. Hanggang sa nagising na ang kanilang ama bandang 4 am ng madaling araw, dun na natagpuan ang kaniyang katawan, nakabitay ito gamit ang isang tela. Pero halos sayad sa lupa ang dulo ng paa nito dahil sa sobrang katangkaran ng pinsan ko. Di kalayuan, may nakalapag na notebook, nakapaloob doon ang mga sulat, maski ang bucket list at bilin niya bago siya mamatay. Humihingi siya ng tawad sa pamilya niya. Binilin din niya ang mga naiwan niyang gamit sa dorm niya, maski ang pera na para sa enrollment niya. Nag sorry din siya sa kapatid niyang bunso dahil ginawa niyang kitilin ang kanyang buhay sa mismong araw ng birthday neto. Yung tulang gawa niya na may katagang “Good people don’t do this, selfish people do, weak people do, cowards do” at ang bucketlist niya na lahat ay nakapulang tsek na ibig sabihin ay tapos na niyang gawin lalo na ang bandang huling bucketlist niya na nagsasabing “Start a new life. This is it!”. Matagal na pala niya itong plano. At ngayon, nagtagumpay siya, nilamon siya ng depresyon nung gabing iyon, walang nakakaalam, he’s so helpless.
Pero bago pa man nangyari ito, nanaginip ang kapatid ko ng isang kabaong, tiningnan daw niya kung sino ang laman non, babae raw pero habang patagal ng patagal, nagiging lalaki daw itsura nito at unti unting humahaba na din ang kabaong. Napagtanto namin na baka premonition na yun na may mangyayaring masama sa isa sa kamag anak namin.
Sa pagkakaalam namin ay na-depress ito dahil sa pressure sa studies niya, pagka homesick niya dahil halos napakalayo ng lugar niya sa kanyang pamilya, at tutuusing broken family din sila.
Wala siyang napagsabihan siguro ng mga problema niya. Kaya siguro humantong sa ganitong punto. Kaya po sa lahat ng taong may kilala na nagsusuffer sa depression, PLEASE, find ways na ma ease yung nararamdaman nila kahit pakonti konti, at least nababawasan burden nila. And please be aware sa mga signs ng depression. Akala mo masaya sila at walang problema pero deep inside nilalamon na sila ng sakit na ito.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon