Its my first time na mag share ng confession dito and I hope na sana ma post to.Hindi po ito nkakatakot, kakaiba lng sya para sakin.
Hi Im HP,17 years old,
Lagi po akong nakakaranas ng Sleep paralysis tuwing madaling araw, kapag nararanasan ko na yung feeling na yan pilit kong minumulat yung mga mata ko,nagbabakasakaling mahuli kung sino may kagagawan ng hindi pag galaw ng mga paa't kamay ko kasi feelng ko mag naka dagan na kung sino saakin, pero tanging kesame at liwanag ng ilaw ang nakikita ko.Sa tuwing naiigagalaw ko ang mga daliri ko sa paa ay saka ko lamang naigagalaw ang buo kong katawan pagkatapos ay tumatagilid ako para di na muling maramdaman yun at muli akong bumabalik sa pag tulog.
Sumunod na gabi sa sala kame natulog kasama ko yung mama ko,yung ate ko,at tatlo kong kapatid. Sa kalagitnaan ng pagtulog ko naramdaman ko naman yung bagay na ayaw kong maramdaman, bigla na lamang may humawak sa mga kamay ko.Napaka laking tao nun kase nung hinawakan at pinipisil yung mga kamay ko ay sakop na-sakop ng mga palad nya yung kamay ko.D ako maka galaw nakatingin lng ako sa mga kamay wala akong makitang katawan niya. Nararamdaman kong sumasakit yung mga kamay ko gawa ng pag pisil dto ng mahigpit,hinihila nya ako papasok sa kwarto pero pinilit kng hinila ito at ng nahila ko na ay saka lng nakagalaw ang ibang parte ng katawan ko.Tumalikod ako sa pinto ng kwarto at tinakpan ko ng unan yung mga kamay ko at agad akong natulog.
Ito nman last ng experience ko about sleep paralysis. One night dumating papa ko sa sala pa din kme natulog kase marami na rin kmeng karanasang di maganda sa mga rooms sa bahay.So ayun ginising ako ni papa kauuwi niya lng kse galing work at mga around 3am na yun. Pinapalipat nya ako sa sofa kse dun sya matutulog sa pwesto ko.Napilitan akong lumipat dala yung unan. Hindi agad ako nka tulog kaya nag imagine muna ako ,ng di ko pa masyado nakukuha tolog ko nararamdaman ko na naman di ako makagalaw minulat ko mata ko nakita ko yung anino ko,d kse namin pinapatay ilaw. Pinilit kong gumalaw pero di ko magawa pumikit ako,nung nakapikit ako nakita ko mukha ng rebulto ni Mary umiiyak siya maya maya ngumiti tapos may pangil tinutobuan sya ng sungay,Takot po tlga ako sa mga rebulto kya d ako pumupunta sa church ng Katoliko ,Evangelical Christian po ako. biglang may sumigaw sa may tenga ko at napamulat ako.Nakita ko ulit anino ko ,pinipilit ko igalaw yung mga katawan ko pero d ko magawa pero nagulat ako sa anino ko na gumagalaw naman yung mga braso ko, biglang bumangon anino ko ba parang the grudge yung style niya parang nagsibalian buto ko. Natakot ako kaya muli akong pumikit sa pagkakataong yun ay nakatulog na ako.
Kinabukasan kweninto ko yun sa ate ko.naniwala naman siya kse nakakaranas din sya ng sleep paralysis.HP
Bolinao
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?