Deep in the Dark

22 0 0
                                    


Hi Spookify, Avid Reader ako ng stories sa page nyo, so I decided to share my story as well. This was based on true events. Way back noong 2002 bumili ng bahay yung parents ko sa newly opened na subdivision dito sa probinsya. Masayahin yung pamilya ko, palagi kaming nagsisimba tuwing linggo, palagi nagsasalosalo sa kainan at nakikinig sa mga bed time stories ng tatay namin.

*Fast Forward*

2005 nung unang nakaranas yung pinakamatanda kong kapatid na babae, palagi siyang gumigising tuwing 3:09 am ng umaga na tila ba may humihila pababa sa kanya sa higaan niya. Nung una ay akala nya panaginip lang, ngunit makalipas ng ilang beses na parati syang nagigising ay nakakita sya ng kamay na kumapit sa kanyang mga binti, mahahaba ang mga kuko at napakaitim. Nung binato nya ng unan ay biglang bumukas yung pinto ng banyo nya, imposible na magbukas lang yun ng kusa kasi yung padlock ay nasa labas so kailangan mong iunlock bago ka pumasok. Nung sinabi nya sa tatay namin ay hindi naniwala at sinabi na resulta daw yon kakanood ng horror movies bago matulog.

Yung sunod ko na kapatid naman ang sumunod na nakaranas ng kababalaghan, isang gabi mag isa lang sya sa bahay namin nang maisipan nyang mag imbita ng bisita na mag sleep over sa bahay para di siya matakot. Bago pa pumasok sa bahay ang nagsabi na yung isa nyang tropa na ""Kayo na lang muna, uuwi na lang ako sa bahay, masama pakiramdam ko eh."" Di makapaniwala yung isa kong ate kase hindi duwag yung tropa nya when it comes to horror movies tsaka may third eye sya. Kinaumagahan tinext sya ng tropa niya ng rason kung bakit umuwi sya biglaan, ""Bes di ko kinaya yung bigat ng aura ng bahay nyo, hindi ko intensyon na takutin ka pero may nakita ako sa loob ng bahay nyo. Kalahati ng katawan nya ay matandang babae na nakaitim at yung kalahati naman ay parang demonyo. Advice ko lang sa inyo bes, ipa bless nyo yung bahay ASAP kasi may na sesense ako na masamang pangyayari na parating."" Tinawanan lang sya ng ate ko at sinabi ""Yan nadudulot ng magdamagan mo na kakanood ng horror movies esp. sa mga possession genres."" Pero deep inside natatakot na ate ko nun, dinadaan nya na lang sa tawa para di sya tuluyang matakot. 2007 yung pinaka crucial year ng pamilya namin, palagi kasi nag aaway yung mga magulang namin, umabot na sa punto na naging violent na yung tatay namin sa nanay namin as a result naghiwalay sila kinalaunan. Iba kasi yung aura pag nag aaway sila, na para bang may sumasali na hindi namin makita, na nagpapalala ng issue. Minsan ay may personal na pastor yung tatay namin na pumupunta para mag preach kaso di niya kaya tumagal sa loob ng bahay namin dulot sa hindi niya maexplain na nararamdaman. 2012, limang taon na nakalipas nung naghiwalay sila, yung tatay namin mag isa na lang dun tumitira sa bahay namin kaya napag isipan ko na every weekends dun ako matutulog para samahan sya. Yung pinaka hindi ko malilimutan na karanasan ay nung nag out of town siya at ako yung nautusan na matulog muna sa bahay para may tao. Nanood ako ng TV na sa sobrang wili ko 2 am na ng umaga kaya napag isipan kong matulog na. Ewan ko ba na parang may tumutulak sa akin na patayin yung lahat ng ilaw sa bahay. Makalipas ng ilang minuto nagtext saken yung ate ko mga bandang 2:35 am, ""Kamusta ka dyan? Naka on ba lahat ng ilaw sa bahay? Wag na wag mong papatayin kahit anong mangyari ha."" Dun na ako kinalabutan sa text niya. Yung ilaw lang na nagpoprovide saken ay yung ilaw galing sa poste sa labas. Di ako makatulog, pagtingin ko sa cellphone ko exactly 3:09 am, gusto kong makatulog pero di ko magawa, nung nilagay ko yung phone ko sa unan ko dun ko nakita may nakadungaw, hindi hayop kundi isang demonyo. Nakatingin sakin yung mga mata niyang kulay pula, na para bang tuwang tuwa siya na nakikita nya ako na natatakot. Sa sobrang takot ay binalot ko na lang yung sarili ko ng kumot, umaasang mawawala sya ngunit dun ako nagkamali. Makalipas ng ilang minuto nakita ko yung anino nya sa kulambo, unti unting lumalapit hanggang sa humurma yung mukha nya sa kumot ko. Nagdasal ako ngunit parang sinasabayan nya at tinatawanan niya yung pagdadasal ko pero pinagpatuloy ko lang hanggang sa unti unting nawala yung boses niya. Sa sobrang panginginig ko nun ay naging unconscious ako hanggang marinig ko na lang yung boses ng ate ko sa labas ng bahay namin. *fast forward* 2017 nung bumisita kami ng mga ate ko sa bahay at napag isipan namin na magstay dun for overnight para samahan tatay namin at mag preach ng word of God sa bahay. Nung time na yun wala na kaming nasesense na mabigat na aura. Ang ganda nung feeling na bumalik yung saya ng pamilya namin kahit nasira na. Pinarenovate kasi ng tatay namin yung bahay para umiba yung atmosphere kaya di ko mapigilan na mag take ng pictures gamit phone ko for random purposes. Nung pauwi na kami sinabi ng tatay namin na ""Thank you mga anak na napagisipan nyo na mag preach ng word of God dito sa bahay, salamat at hindi nyo ako kinalimutan at inabandona kahit ganun ang nangyari sa ating pamilya, promise ko sa inyo mga anak hinding hindi ko na sila papayagan na sirain pa ulit yung foundation natin.""
Umiyak kaming magkakapatid at niyakap siya bago kami umuwi, nung dumating na kami sa bagong bahay na tinitirahan namin dun lang namin na realize yung trials na pinagdaanan namin. ""Patingin nga ng mga pictures mo sa bahay natin.""
Biglang tumayo yung balahibo namin nung nakita namin sa isang kuha ng picture yung kalahating mukha na matandang babae na mahaba ang buhok. Nakangiti habang nakatitig sa camera ng cellphone.
Carl
Negros

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon