Reincarnation

40 0 0
                                    

Have you ever heard of reincarnation? before I start, Im lea, 19. Pinanganak akong may mga birthmarks. And honestly, isa yun sa mga kinaiinsecure ko sa sarili ko. I have several birthmarks sa buong katawan ko. Meron ako sa cheeks. About 3inches wide. Meron sa mga braso. Mdyo maliit lang. Sa dibdib na halos sakupin na yung buong balat ko sa area at mga bilog bilog sa madami sa likod. So yeah. ako yung typical ugly girl na most of the time nalongsleeves at balot na balot. Actually di ganon kahalata yung iba kasi morena ako. Pero pag nakausap mo ko makikita mo din talaga sya.
Anyway, love naman ako ng parents and siblings ko kaya di ako nakukulangan sa pagmamahal.
Bata pa ko, I used to dreamed na parang nasa sinaunang panahon ako. makaluma lahat. Yung suot. Yung mga tao at yung lugar. Lagi akong nananaginip about sa isang foreign kid na babae. About 4-5 years old na nasa hagdanan . Nakangiti at hawak ang laylayan ng dress nya na mahaba at mabilog kasi nga makaluma. Hanggang sa lumaki ako lagi akong nananaginip sa bata na yun. Ibat ibang settings. Ibat ibang mga tao at suot pero laging nandon yung bata. Mukang galing sa mayamang pamilya tbh. Hindi mga pilipino nakikita ko eh. Panay foreigners din
March 29, 2014 I was involved sa isang vehicular accident. 4 days daw akong nacommatose. Which is di ko namalayan. Nang makalabas ako ng hospital, binabangungot na ko. Yung magandang bata nakikita ko? Madalas syang nasa panaginip ko. Madungis sya. Nakakulong. Pinapaso ng sigarilyo sa mga braso. Sinusuntok at tinatadyakan. Sobrang nakakaawa sya. Ramdam na ramdam mo yung iyak nya at paghihirap nya.
Days passed. Lumala yung pag totorture dun sa bata. Ginunting yung nipples nya at dahan dahan syang Binabalatan yung sa dibdib. Merong mga bakal na tubo na sinasaksak sa likod nya. Sobrang madugo. Sobrang nakakaiyak. Kasi nagmamakaawa sya talaga na patayin nalang sya agad. Sa mga metal na tubo natapos yung buhay nung bata. Talagang naghihingalo na sya nong unti unting binabaon sa likod nya yung matalas na bagay na yun. 6 saksak ang mga iyon sa pagkakatanda ko. Pero despite sa hirap nya. Nagawa nyang ngumiti bago sya hinabol ng huling hininga nya. Ilang beses ako nananaginip ng ganon na talagang natatandaan ko na yung mga detalye.
Nagpunta kami sa manghuhula/albularyo to know whats happening. Kung sino yung bata na yun kasi nagkaron na ko ng insomia dahil don. The original plan is tawagin para makausap. Sinet up yung ritual. Nagawa kong maisketch yung bata eh. Ilang oras naming tinatawag pero wala. Kaya yung nagsasagawa ng ritual. Kumuha ng puting manok at kung ano anong orasyon ang lumabas sa bibi nya. Dahan dahan nyang ginilitan yung leeg non at ipinatag yung dugo non sa sketch ko. Nahulog yun dugo sa leeg na parte ng drawing. Doon ko naramdaman na uminit ang leeg ko. Sobrang init na parang pinapasok ako. Kumalat ng kumalat yung dugo sa picture. Hanggang sa napuno na to halos. Doon lalong tumindi ang paghihirap ko. Sumakit ang mga mata, at buong muka ko na parang sinusunog ako. Noong napansin ng albularyo yun, tumigil sya at may pinahawak na kung ano sakin. Doon parang hinangin paalis lahat ng sakit. Natapos ang orasyon. Tulala ako. Lalo ng kausapin nya ko.
"Ang batang nakikita mo sa panaginip mo, ay hindi isang elemento o ligaw na kaluluwa. Isa itong ala ala mo ng nakaraan mo. Ikaw ang nakakaalam ng detalye ng pagpapahirap sa batang nabanggit mo. Ang mga balat mo sa katawan ay isang indikasyon sa lumang paniniwala kung paano ka namatay sa nauna mong buhay. Hindi natin matawag ang kaluluwang iyon dahil walang dudang ikaw ang batang iyon. Ang dati mong naging buhay ang nakikita mo minsan sa panaginip mo. Maswerte ka at isa ka sa mga piling taong nagkaroon ng pagkakataong makasulyap na sa dati mong naging buhay. Magtatagumpay ka dahil hinila ng nakaraan mo ang mga pait, pagdurusa at kamasalang nakakabit sayo"
Hindi ko alam kung maniniwala ako. At sa totoo lang, hindi ko na din alam ang paniniwalaan ko

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon