Demonic Paralysis

41 1 0
                                    


Kung tutuusin maraming tao ang nakakaranas ng sleep paralysis bukod sa'kin. I just thought na akala ko normal lang ang sleep paralysis. Kasi nasanay ako na madalas kong nararanasan ito. But before we start let's have some throwback.
Unang nangyari sa akin yung sleep paralysis when i was 8 years old. Sobrang takot na takot ako kasi i felt like hindi na ako makakagalaw. Kasi parang may nakahawak sa akin na strange na creature. Pero after no'n nagtanong ako, then i learned na normal lang daw yung gano'n sa mga nakakaranas ng sleep paralysis. So i'd felt refreshed. Normal daw eh. Madalas mangyari sa akin ang sleep paralysis every months simula ng maranasan ko 'to. Every time na nai-sleep paralysis ako, paulit-ulit siya, 'di ako makagalaw, parang may nakahawak sa akin, at nanghihina ako.
Dumating sa time na ako'y high school student na. May time na nangyari sa akin naman ay kakaiba ng kaunti sa pangkaraniwan kong sleep paralysis. Habang nakahiga ako ng diretso sa higaan ko, habang inaantok na. Biglang nanigas katawan ko at alam ko magsisimula na naman ang sleep paralysis ko. But ngayon may kakaiba na. Dahil yung may humawak na sakin 'di na ako makagalaw. At yung pinaka nakakakaba ay ang hinahatak na ako pababa. Nararamdaman ko na yung spirit ko na bumababa na at natatanggal na sa katawan ko. And ito ang nag hudyat para mapasigaw na ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may kung anong mayroong kumukuha sa akin na kakaibang creature. Then syempre hindi na ako nakatulog that time. Nagpuyat nalang ako kaysa sa matulog. I'd asked about sa nangyari sa'kin sa mga ibang tao then nag search ako about sa nangyari sa akin but wala akong nakita at nalaman. Syempre ako na-curious bakit gano'n nangyari sa akin. Then one time nangyari ulit ang ganoong sleep paralysis ko. Ganoon ulit ang nangyari then hindi ako makagalaw may humahatak sa akin pababa. Syempre mulat ako na nangyayari iyon. Naisip ko na try ko kayang hayaan na mahatak ako. Then yung ramdam kong kaunti nalang maaalis na spirit ko sa katawan ko, i suddenly heard some voice of humans na umiiyak. Then i forced my body to move. Ang nagulat ako bakit sobrang sakit at hina ng katawan ko sa pangkaraniwang sleep paralysis ko. Syempre yung nag-occured yon 'di ulit ako natulog. Hinayaan ko nalang ang nangyari sa akin.

Punta naman tayo sa senior high school life na. Sa time na 'to, dito ko naranasan ang pinaka malala kong sleep paralysis na tumatak sa buong buhay ko. Lagi kasi akong walang katabi kapag natutulog ako kaya mas nakakatakot kapag nangyayari itong sleep paralysis sa akin. May time na natulog ako. Tapos nagising ako ng madaling araw. 3 in the morning (3 am). Nagtaka ako bakit ako nagising then tumayo ako para mag cr. Then i suddenly realize na bakit yung higaan ko parang may ewan na humiga tapos nilukot lukot ang higaan ko. Sa part na ito kinabahan na ako. Inisip ko nalang ako yung gumawa no'n tutal ako lang naman nakahiga roon. Habang nakahiga ako para mag pa-antok, tumagilid ako then biglang naramdaman kong 'di na ako makagalaw. I knew that na mai-sleep paralysis ako. But something different occured. In the dim light i had in my room i saw someone. Reddish, muscular, wearing a piece of clothe and had a horn in his forehead. He suddenly sat on my front. This time sobrang takot na ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Then he spoke these words to me, "Nagsisimba ka pa! Huwag mo nang lokohin sarili mo! Demonyo tayong lahat!" Pasigaw na sinabi sa akin. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumayo para lumabas sa kwarto. But even a single thing wala akong magawa. My left eye cried pero yung kanan hindi. Habang nangyayari iyon, i prayed that na mawala na iyon sa harapan ko at makagalaw na ako. Kasi that time ibang iba na ang nangyayari sa akin. Then before ako makagalaw at makaalis sa kwarto ko, he left a message to me "Babalikan kita! Magkikita tayo ulit! HAHHAHHA" Then may pumasok na bigla sa kwarto ko. Yung tita ko sinabi "Hoy ano ba ginagawa mo! Nagsasalita ka ba diyan? Ang wirdo ng mga sinasabi mo!" Ako naman walang masabi dahil sa sobrang takot at kaba. Then my tita suddenly hinakap niya ako. Siguro nakita niya nang strange ko dahil sa mga nangyari sa akin.

I just got traumatized sa nangyari sa akin. Nagpadasal ako at humingi ng tulong kung paano mapipigilan yung ganitong nangyayari sa akin. Marami ang ayaw maniwala sa akin. Dahil sobrang kakaiba raw ng sleep paralysis ko. Wala akong magagawa kung ayaw nila maniwala. This was the most weirdest, scariest, and abnormal happenings that occured to my life. At hanggang ngayon hindi ko makalimutan. But i continuously praying to avoid that situation again.
-Rosh Cabz
Navotas

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon