(Horror Experience Story)Hi! Tago nyo na lang ako sa name na Earl. Currently nagwo-work ako sa isang Mall Jb store dito sa South Luzon Area. This experience actually happened almost 3 years ago na the same store pa rin naman kung saan ako nagwo-work now although medyo bago pako nung nangyari to noon.
Isang gabi sa store namin around 8'o clock to 8:30pm, pa-close na store namin. I was assigned to make the Pre-closing procedure sa Dining Area ng gabing iyon. Sa amin noon, isa sa mga pwede mong linisin ay Function Room or mas kilala sa tawag na JKP area (Kids Party place ng Jb). Dito sa store namin, since Mall Store nga 1 floor lang kami. Ang JKP Area namin ay may dalawang pinto, isa yung Main Door na salamin na nagdidivide doon at sa Dining Area at yung isa naman ay Emergengy Exit na karugtong ng Stockroom at Crewroom. Nagkakabiruan pa kami ng Stockman namin noon dahil nga slack kami at di ganun katao syempre dahil Sman uso petiks (LOL).
I was almost already done cleaning the area at that time at ang tanging ginagawa ko na lang nun ay final mopping sa bawat daanan ng buong area na iyon. Dahil dim light na lang ang natatanging ilaw sa loob or yung nagiisang ilaw na bubuksan lang para may maaninag ang CCTV sa lugar dahil pa-close na nga, I cannot see the entire place clearly especially dahil malabo rin ang mata ko. In all sudden, I saw the chair on the farthest left corner of the place na gumalaw, hindi naman ito kalakasan at parang slight movement lang kaya di ko muna pinansin but then bigla itong bumalik sa dating place nito with greater force giving a strange screeching sound. Ang alam ko noon andun pa si Sman (Stockman) at nagbibiro lang ito sakin kaya tinawag ko sya.
"Hoy loko umayos ka dyan di mo ako matatakot bumalik ka nga sa Stockroom maginventory ka dun!" medyo mataas na tone na sabi ko pero walang sumagot. Di ko na lang pinansin pero I started to feel startled at medyo tumayo narin balahibo ko. Isip-isip ko siraulo sya lakas manakot, patay talaga sya sakin pag natapos ako.
Pumunta ako ng UR (Utility Room) para ibalik at linisin yung pinaggamitan ko sa paglilinis then after nun, pumunta ako ng office para magtawag ng manager at magpacheck ng CAYGo (Requirement namin ito bago kami mag-out sa duty. Maglilinis lang kami sa station. Litterally, ang tawag dito ay “Clean As You GO”). Kinwento ko sa manager namin yung kalukohan ng Sman namin. Nagtaka ko kasi umapila sya kasi sabi nya inutusan nya yung Sman namin ilang minuto na nakakalipas bago pa ako matapos magcaygo. Nagtanong ako kung may iba pa bang tao sa crew room at stockroom ika niyay wala na rin kasi busy na ang lahat sa paghahanda magcaygo ng Closing Procedure at wala na ring naiwan na crew na out na doon sa loob which pinaniwalaan ko rin naman kasi ilang beses rin akong dumaan sa Emergency Exit para magCR sa Crewroom at magpahangin. Doon na ako nagsimulang makaramdam ng takot kaya nagask ako kay manager kung pwede makigamit ng CCTV para makita yung nakita ko. Natulala na lang kami pareho ng makita yung upuang tinutukoy ko na kusang gumalaw ng dalawang beses habang naglilinis ako.
Hindi lang iyon ang experience ko, meron din ang ilan manager na nagduty doon at ilang mga nakasama kong crew. Pinaniniwalaan nilang bata raw iyon na nagpaparamdam. Minsan pag nagoopen kami ng store nagrereview kami kung anong mga nangyayari sa store pagmadaling araw at walang tao. Kadalasan, may parang aninong tumatakbo o dumadaan sa mga hallway sa store minsan namay' may kung anu-anong gumagalaw or nahuhulog. One time, may nahulog na pinggan sa Back-up Area kahit wala namang tao. Minsan din kusang bumukas yung Freezer at pabagsak na sumara ito. Sa ngayon, di na naman namin palagi iyong nararamdaman at natuto na rin kaming gumalang sa katahimikan ng store paggabi na dahil ito ang sa palagay namin na mabisang paraan para di mabulabog ang batang naninirahan doon.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?