minsan nagkekwento saamin yung nanay namin , mama ng mama ko . Tungkol sa bahay na tinirahan nila dati . Kalahating bato at kalahating kahoy lang ang bahay pero malaki , may tatlo pang kapatid si mama bale anim lang sila sa bahay . Si nanay , yung dalawa kong tito , si mama at yung isa ko lang tita saka si lola na matanda na talaga .
Isang araw habang nilalagyan ng pisi ang lote na pagtitirikan ng bahay ay may lumapit na matanda sakanila at napansin ang patuloy na pagpigtas ng pisi .
Nagkwento ito na dati bago pa maipagawa ang bahay may mag asawang ikakasal na at nagpapamigay ng mga invitations , dahil magkakalayo pa ang bahay at halos puro bukid lang . Napagtripan ang mag asawa , yung lalaki pinatay at binagsakan ng malaking bato sa ulo habang yung babae ay hinabol at naabutan sa isang lote at duon ginahasa at pinatay , sa mismong lote na yon itinayo ang bahay . Binalaan sila ng matanda na huwag nang ipagpatuloy ang paggawa ng bahay dahil isa daw itong dimension sa mundo ng buhay at mundo ng mga kaluluwa pero hindi naniwala ang mga gumawa ng bahay at pinagpatuloy ang pagtayo ng bahay .
Tuwing alas singko ng hapon , minsan nakikita ng mga kapit bahay nila mama na may babaeng nakapang kasal at tumatakbo papasok sa loob ng bahay pero hindi na daw lumalabas pa . Minsan naman ay tuwing nakahiga na sila ay may nakikita silang anino sa ilaw ng kandila .... malaking lalaki pero binabalewala lang nila . Isang gabi ay nagkwento ang lola namin na noon daw habang nakaupo siya sa isang upuan na kahoy ay may lumapit daw sakanyang babae na naka belo at mahabang saya , may dalang basket at inaabot sakanya . Nang makita niya ang laman ay buhangin ang nasa basket . Minsan pa ay may naririnig silang nag hehele sa loob ng cr at may umiiyak pa ngang sanggol , wala itong pinipiling oras mapa umaga man o gabi .
Last year ay tinanong ko ang kaklase ko na nakatira malapit sa bahay na bato at sinabi niyang patuloy paring kinakatakutan ang bahay nayon , nasabi din niyang namatay ang huling tumira doon dahil sa atake sa puso .
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?