Trip to Capiz

166 1 0
                                    


Kumusta? Ako ulit ‘to, si Ligaya. Nagbabalik at may nais na naman akong ibahaging kwento sa inyo. Sa mga nagsasabi kung kumusta na ako? Ayos lang ako, buhay pa rin. Nag aaral pa rin at nag ta-trabaho pa din sa isang karenderya. At marunong na din ako makisama sa mga tao

Sa mga nakabasa na binahagi kong kwento nung nakaraan, siguro alam nyo na yun he-he-he.

Ngayong taon lang ‘to nangyari, summer. Kakatapos lang ng school year namin ay nagyaya ang kaklase ko na pumunta ng Capiz kasi fiesta doon sa kanilang probinsya, tawagin nyo na lang sya sa pangalan na “Christine”, ka blockmate ko sya.

Bago kami umalis papuntang Capiz ay nagpaalam ako sa may ari ng tinatrabuhuan ko na hindi ako papasok bukas (Sabado) dahil nga pupunta kami ng Capiz at okay naman sa kanya.

Alas 8 ng umaga ay bumayahe na kami. Bali, 5 kami noon. Ako, Christine, Sanny, Pauline at Paulo. Habang nasa byahe, ay tahimik lang ako.. kasi hindi naman ako pinanganak kahapon para malaman ang tungkol sa capiz na pinamumugaran daw ng mga aswang? Hindi naman ako takot eh, kasi may lahi din naman akong aswang. (Kung nabasa nyo ang unang kwento ko na pinasa ko dito). Tahimik lang ako habang nakikinig sa chitchat ng mga kaibigan ko tungkol sa Aswang. Tawa sila ng tawa kasi daw hindi totoo pero gusto daw nila makakakita ng aswang kung totoo nga ba. Gusto ko sana sagutin sila na “Katabi nyo lang ako” ha-ha-ha-ha.

Mag tatanghali na ng makarating kami sa bayan nila, mula sa bayan, sumakay kami sa Habal-habal .. mga 1 oras din yun bago kami makatarating sa baryo nila.

Nang makarating na kami sa bahay nila, una ko napansin eh yung itsura ng bahay nila. Kubo pero pag pasok mo sa loob ay kompleto mga gamit nila parang moderno ba.

Umupo muna kami dahil nga pagod din sa byahe pero yung mga bunganga ng mga kaklase hindi napapagod. Kwento doon, kwento dyan. Nagpaalam si Christine na maliligo daw muna sya kasi nalalagkit na mga balat nya.

Lumabas mula sa kusina ang Nanay nya, oo alam kong nanay nya yun kasi kwento nya, Dalawa lang sila ng nanay nya nakatira dito. Agad ko tinignan sa mata ang nanay nya ngunit umiwas agad sya sa akin. Bigla ako kinutuban, hindi nga ba Aswang sya?

Inalok kami ng Nanay nya na uminom ng tubig, sila Paulo, Sanny, at Pauline lang ang uminom. Ako hindi, nag dahilan lang ako na hindi ako nauuhaw kahit namamalat na lalamunan ko sa dahilan ay gusto ko lang makasigurado na hindi ako mahahawaan ng “Yang-gaw”. Ito yung, aalukin ka ng tubig, tapos lalagyan ng laway nila o de kaya lalawayan ka sa tenga o kahit sa pagkain o ano pa dyan. At magiging aswang ka rin. Ibang klaseng aswang yun kesa sa akin.

Niyaya na kami na kumain ngunit hindi sya makatingin sa akin para bang umiiwas sya. Yung 3 kong kaibigan agad kumuha ng plato, gutom na gutom eh.

“Wow tita may! May dinuguan. Ikaw nag luto?” Tanong ni Paulo.

“Huod. Ako tana nag luto. Kaon lang kamo da ha?” ( Oo. Ako nagluto. Kain lang kayo dyan ha?) 
Sagot ng nanay ni Christine.

Takam na takam sila Paulo, Sanny at Pauline sa mga handa. Mayrong Adobo, Dinuguan, Sinigang, BBQ at iba pang mga tipikal na pagkain na hinahanda pag fiesta. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kumuha din ako ng plato ko at pumunta ng lamesa para kumuha ng pagkain.

Syempre, alam nyo naman, una ko napansin ang sinigang. Habang nag sa-sandok ako ng sinigang, mag naamoy ako.. isang pamilyar na amoy. Sabi ng isip ko, “Kalma ka lang Ligaya. Wag kang kumain kung ayaw mo matulad sa tatay mo” pero parang tinutulak ako ng gutom ko na kumain. Nung oras na iyon, parang nababaliw ako. Hindi ako mapakali, yung katawan ko nanginginig. Para akong isang tigreng galit na galit.

Napansin ako ni Sanny kaya agad ako nilapitan.

“Uy ligaya! Naano kaw? Gapalamalhas ka gd haw?” ( Uy ligaya! Anong nangyari sayo? Bakit pawis na pawis ka?)

“Ah... wa-wala ni ah. Ma pungko na lang ko” ( Ah... wa-wala ‘to. Uupo na lang muna ako)

“Hindi ka magkaon?” (Hindi ka kakain?)

“Hindi ko. Ga sakit tyan ko dulaan ko gana mag kaon” (Ayaw ko. Sumasakit tyan ko, nawalan ako ng gana kumain)

Umupo na lang ako habang pinagmamasdan sila kumakain.

“Puli na lang ta bala? Tama na nga kaon” (uwi na lang kaya tayo? Tigil na kain nyo) Sabi ko. Tumigil sila sa pag kain at tinignan lang nila ako at sumagot si Pauline.

“Ay? Nag upod kapa tapos hindi ka di mag kaon? Ano trip mo girl?” (Ay? Sumama kapa sa amin tapos hindi ka lang din naman kakain? Anong trip mo girl?)

Hindi na ako sumagot kaya pinagmamasdan ko na lang sila. Gusto ko sana sabihin na hindi karne ng hayop ang kinakain nyo kundi Tao ngunit pinagmamasdan din kami ng Nanay ni Christine. Ayaw ko magka gulo at kung sasabihin ko man, malalaman nila na may lahi akong Aswang ayaw ko na ulit magulo ang buhay ko. Oo, madamot na kung madamot.

Maya-maya ay lumapit si Sanny sa amin. Umiiyak, nanginginig. Hindi sya makapag salita. Tinignan lang kami ng Nanay ni Christine.

“Pu-puli na ta.. pu-puli na ta” ( u-uwi na tayo.. u-uwi na tayo) Iyak na sabi ni Sanny.
Nilapitan sya ni Paulo at pinakalma. Tinanong sya kung bakit sya umiiyak. Sabi nya, may nakita daw syang kuko ng tao sa dinuguan. Nung una, akala nya baka parte lang ng baboy yun un pala hindi. Pinakita nya sa amin, at bigla nag suka mga kasama ko. Lumapit sa amin ang nanay ni Christine. Nag tanong kung ano ba problema, nag dahilan lang kami na sumasakit ang tyan tapos uuwi na kami. Nag alok pa sya na dun na muna daw kami matulog pero nag dahilan ulit kami na hindi kami nakapag paalam sa mga magulang namin.

Nagpaalam na kami sa kanya, ngunit si Christine ay nasaan?

Nung nag ba-byahe na kami, doon na sila nag si iyakan. Si Paulo, mura ng mura na umiiyak. Tapos sila Pauline at Sanny naman ay suka ng suka. Naalala ko, uminom pala sila ng tubig. Agad ko sila sinabihan tungkol sa “Yang-gaw” Ayun, natakot sila bigla na natataranta. Sabi ko kako wag sila mag alala, ako bahala pag nakarating na kami ng City.

Nang nasa syudad na kami, pinabili ko sila ng Lana at kamangyan para matunaw ang mga kinain nila at makontra at maalis ang “Yang-gaw” sa katawan nila. Tumuloy muna kami sa bahay nila Sanny at don ko sila pina inom ng Lana at pina usukan ng kamangyan.

Tinanong nila ako kung saan ko ba daw nalaman yung pag gagamot? Hindi na ako kumibo at sinagot ko lang sila na pabiro “May lahi din kasi akong aswang” agad sila nag tawanan.

At doon nag tatapos ang aming kwento. Alam ng mga tga iloilo ang “Yang-gaw”. Meron din nababalitaan na na yang-gaw sya at naging aswang na. Kaya kayo dyan, kahit saang lugar kayo mag punta pag may nag alok sayo ng tubig, o pagkain o kahit bumili kayo ay mag ingat kayo

kahit nga matulog kayo ay lalawayan kayo sa tenga. Mahirap paniwalaan ngunit nangyayari ito sa totoong buhay. Maniniwala ka na lang kung sayo na mismo mangyari..

PS: Kapag may oras ako, ikukwento ko din yung nangyari sa amin ni Jensen 

Ligaya
Iloilo

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon