Hola Spookify! Avid reader ako ng page na ito for more than 1 year na. Mahilig kasi ako sa mga Horror kahit na dakilang duwag ako minsan. Sana ma'post itong real life experience ko.
Btw, this happened lang madaling araw ng Aug. 29, 2017. Nakatagilid ako matulog, facing the wall nang bigla akong nagising. Tumihaya ako tapos napansin kong my tao sa kwarto ko. Madilim sa kwarto ko pero alam mo rin naman pag my tao kahit madilim di ba kasi parang my maitim na pigura na tumititig sa akin. Akala ko si mama lang kasi minsan chini'check nya talaga ako kung matulog. Ayaw kasi niyang nakatihaya akong matulog. So yun, akala ko si mama. Naghihintay ako na sabihan nya na tumagilid pero hindi eh. Dedma na lang ako. Papikit na ako nang biglang di ako makagalaw (sleep paralysis) tapos ung dark figure biglang bumulong sa akin nang hindi ko maintindihan. Kinabahan ako at pilit kong ginagalaw ung katawan ko habang sumisigaw sa utak ko nang "Jesus! Jesus!" hanggang xa tuluyan akong magising. Pinilit kong labanan ang antok. Ung dark figure andun pa rin. Sa bintana ko banda. Tagpi'tagping kawayan kasi ung bintana namin at kurtina lang so medyo maliwanag dun banda. Nakita ko pa ung kamay nya na inaabot ang kurtina at saka tumitingala pa sya sa bubong namin. Narealize ko talaga na hindi pumasok si mama sa kwarto ko at my kung anong nilalang na nasa kwarto ko. Kino'convince ko pa ung sarili ko na nananaginip lang ako pero hindi eh. Totoo talaga. Natakot na talaga ako at pinagpapawisan at naalala ko pa ung xa movie na "Lights Out" na, "there's really something in the dark that you should be afraid of." Nag'pray na lang ako na nag'pray. Nang medyo ok na, tumagilid na ako facing the wall ulit. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hindi ko na lang papansin kasi hindi ako pababayaan ni God. Nag'pray ulit ako hanggang sa nakatulog na ako. Pagka'gising ko nang umaga, di ko talaga kinalimutan na magpasalamat kay God kasi hindi Niya ako pinabayaan. At hindi na po naulit yun.*Salamat po sa pagbabasa.
ERIN GUAN
Negros Occidental
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?