Tambay

41 0 0
                                    

Sana po maipost tong story(thankyu kung mapopost man po) firstime ko lang po magshashare nang story dto. Isa den po akong silentreaders dto , tungkol po ito sa bahay nang aking tropa. 
August 2015 dikona maalala yung exact date bsta diko talaga makakalimutan yung mga kababalaghang nangyayare samen pag tumatambay kame sa bahay nang tropa ko . 
Hi ako nga pala si MaryGrace , 15 years old at eto ang mga nangyareng katatakutan sa ameng magtotropa!
"BATA"
Nangyare to , nung nagkayayaan kameng magbabarkadang tumambay . niyaya naman kame ni kuya paul pinaka may edad sa amen . At agad agad naman kameng pumunta sa bahay nila. Habang nagkwekwentuhan kame syempre maingay , nagtatawanan , nagsisigawan, eh saktong wala ang nanay ni kuya paul kaya pwedeng pwede kameng magtagal dun . Sampo kameng magtotropa nun . Habang tumatagal ang pagtambay namen sa bahay nila kuya paul , nagyaya sila kuya frendel isa sa mga tropa ko na foodtrip daw kameng lahat . Ako naman sige lang tatangge paba ako eh mukha akong pagkain(charrot) Edi bumili na sila nang foods na kakainin nameng lahat . fastforward 
Kumakain na kame nun nang may narinig kameng tumatakbo sa taas nang bahay , Edi nagtanong ako kay kuya paul kung may tao ba sa taas nyo kuya? Sagot naman nya! Wala ah baka yung pusa lang sa kapit bahay . Eh kame naman nagwlang bahala kunware . Mga ilang minuto naman . May nagpapatalbog na nang bola . Eh kame naman syempre nagulat at sabe ko kuya paul eh ano nanaman yung gumagalabog sa taas nyo! Sabe nya hala baka yung bata na naglalaro nang bola dyan pero hinde nakikita! Ako naman natakot . Edi multo yun kung ganun? Tanong ni negs! Sabe naman ni kuya paul . Oo multo yun nang batang naglalaro nang bola , naghahanap yata nang kalaro! Sa sobrang takot ko napatakbo ako palabas pati mga tropa ko . Pagdating namen sa labas tawa nang tawa mga tropa kong lalake . Nagtanong naman ako baket kayo tumatawa? Sagot naman nila , Eh ang duduwag nyo eh. parang hinde kayo tumakbo ah . Sagot namen. Simula nun di na kame nang pupuyat sa bahay ni kuya paul. 
Marame papo akong creepy story nexttime ko nalang po. Isashare medyo pagod nako. Thanks sa pagbabasa. 
Marame pakong story about creepy experience. Kagaya ng Poon na sumasayaw! Hays katakot. 

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon