Gubat

97 2 0
                                    

Sup! First time ko mag share dito uhmm medyo na ggoosebumps ako sa kwento ko nato. Sana ma post po.

gubat lang makikita. So ayun napagtripan naming maghanap ng gagamba pumunta Kami sa gubat maaga pa yun 3:00 pm lima Kami may kasama kaming dalawang bata 12 yrs old at 10 Yung isa tapos tatlo kaming teenagers. Hindi na kami nagdala ng flashlight or phone ang dala namin Ay posporo lang Syempre lalagyan ng gagamba masyadong malaki ang gubat hindi namin saulo pero hindi ito sa baryo. Tabing kalsada siya tapos meron din mga buildings na makikita mo kahit nasa gubat ka. Then nasa bandang gitna na kami ng gubat 4:00pm medyo boring na sila kasi walang huli. nagyaya yung kasama naming bata tago nalang natin sa pangalang sean. Nagyaya siya na umuwi na eh sabi naman ng kasama ko mamaya na kasi nga lumalabas daw yung mga gagamba kapag medyo gumagabi na. Natatakot na yung dalawang bata kasi baka daw maligaw kami Pero sabi naman ng kasama ko saulo niya daw yung gubat eh nagtiwala naman kami sa kanya kasi siya yung pinakamatanda samin. 4:30 tumambay muna kami nag bonfire kami kasi madaming lamok pansin ko na parang problemado si sean at gusto ng umuwi sabi ko naman hintayin mo lang palabas na yung mga gagamba. 5:00pm dumiretso na kami patuloy kami naghanap hindi ko na makita yung building na guide namin para makabalik kami. Dahil natatakpan eto ng mga puno. Dumidilim na 5:40pm natatakot na din ako kasi wala kaming dalang flashlight. Yung dala lang nila flashlight ng lighter eh mej mahina yun. Tapos dalawa lang sila meron. Sinabi ko sa kanila na bumalik na kami don nalang kami maghanap sa medyo malapit yung makikita namin yung building kasi medyo malayo na kami. Pumayag naman sila kaso hindi na namin makita Yung ilaw ng building. Then blackout that time. Kinabahan kami sinisi agad namin yung nakakatanda samin kasi ang sabi niya alam niya Yung daan pabalik hindi na siya nagsalita kasi alam niya na naliligaw na kami sa gitna ng gubat. 6:00pm na inaalala namin yung dinaanan namin ligaw na ligaw na kami umiiyak na yung dalawang bata. Pinahinto kami ni Michael (Yung nakakatanda) eto na nanakot na may narinig daw siyang naglalakad yung mga bulok na dahon na kapag inapakan maririnig mo talaga bumilis bigla yung tibok ng puso ko kasi matatakutin din ako. Dumiretso na kami pero napansin ko na din na parang Meron ngang naglalakad at parang sinusundan kami sabi ko na magdikit dikit lang kami kasi baka may mawala samin. Nag Panic na kami kasi hindi na namin alam kung Saan na Yung dinaanan namin. Sobrang lamig habang naglalakad kami 6:30pm na "saan Yung daan" sabi niya hindi niya daw makita yung ilaw ng building. Hinahanap padin namin Yung daanan. ng biglang may narinig akong parang umiiyak na babae huminto kaming lahat sabi ko "Pre parang may umiiyak" Di sila naniwala at sabi nila sakin wag kang manakot kung gusto mo pa makauwi. Nagpatuloy kami ng biglang narinig ko ulit Yung iyak at di lang ako yung nakarinig neto kaming lahat. Pinakinggan naming mabuti habang umiiyak parang papalapit eto samin kasi may kasamang footsteps mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko kumapit sakin si sean. Habang patuloy yung iyak ng babae. Tumakbo bigla si michael tumakbo kami ng karipas sobrang takot. Naiwan si sean sinubukan ko balikan sobrang iyak niya mabuti nalang nandun padin siya sobrang iyak gusto ng umuwi hindi na kami dumaan don at Dali Dali namin Hinahanap Yung ilaw ng building. And yun buti may kuryente na nakita namin yung ilaw. (Fast forward na) Di na namin narinig yung iyak. Nakalabas na kami sa gubat ng tulala at sobrang kaba. Ligtas kaming nakauwi. Di parin mawala sa isip ko Yung nangyari kasi yun yung pinakacreepy na experience ko di na kami bumalik sa gubat na yun.

Shout out sa mga mahilig manghuli ng gagamba ingat lang kayo sa mga gubat guys. Btw I'm nath from palawan.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon