Mag-aalas dose na ng gabi nung nagchat kami ng bestfriend kong itago nalang natin sa pangalang Aji. Actually, normal lang sa amin na magchat ng ganitong oras, often times umaabot kami ng 2AM. Magkaiba na kasi kami ng schools kaya siyempre marami kaming chikka sa isa't-isa. That time, sabi niya, "Wait lang girl iihi muna ako, nakacharge phone ko eh," so nahinto yung pagchachat namin. At habang hinihintay ko yung pagbabalik niya, naging aware ako sa paligid ko at dun ko na napansin na parang ang ingay sa labas. May parang nagbabanda tas sobrang ingay ng mga taong naguusapan. Nang bumalik na si Aji, binalewala ko nalang yung mga ingay at nasa phone na ulit ang atensiyon ko. Ang haba nung usapan namin kaya tinignan ko yung orasan, 11:47PM ata yun at dun ko nalaman na mag-aalas dose na pala. Napansin kong maingay pa rin sa labas kaya medyo nainis ako kasi distorbo na naman sa pagtulog. Sinabi ko kay Aji na, "Ang ingay ng kapitbahay namin, hating gabi na nagdidisco pa rin," tas nirecord ko yung ingay na dinig na dinig talaga sa room ko at nagsend ng audio message kay Aji. Nagulat ako ng sinabi niyang wala daw siyang naririnig na ingay, paghinga ko lang daw. Pinakinggan ko yung audio at totoo nga yung sinabi niya, paghinga ko lang ang narinig ko. Nagtaka ako kasi naririnig ko pa din yung ingay sa labas kaya nagsend ulit ako ng audio, this time malapit na sa bintana. Pero ng pinlay namin, wala kaming narinig, puro hangin lang. As in wala talaga. That time, nagkaroon na kami ng chills. Sabi pa nga ni Aji baka tinatakot ko lang siya pero hindi talaga huhu. Since nakadikit naman yung higaan ko sa pader na may bintana, sumilip ako ng konti sa labas at laking gulat ko ng makitang sobrang mapayapa sa labas. Walang mga tao, walang banda, walang mga ilaw ng disco. Kadiliman lang ang nakikita ko pero naririnig ko pa rin yung ingay. Agad kong nilunod ang sarili ko sa kumot ng higaan ko at grabe na yung pagtaas ng balahibo ko. Sinabi ko kay Aji yung nakita ko at nakiusap na huwag muna siyang matulog kasi natatakot na talaga ako. Ako lang mag-isa sa kwarto ko. Ilang minuto din ang lumipas pero feeling ko sampung oras bago nawala yung ingay at pagtingin ko sa oras ay 12:02AM na. Pinakinggan ko ng mabuti ang paligid pero wala na talaga yung ingay ng mga tao at banda. Sobrang tahimik na ng neigbourhood namin. Hindi ko alam kung paano nangyari yun kaya ngayon ako'y nagtataka pa rin kung may kinalaman ba ito sa ibang mga elemento. Posible kayang mga engkantong nagpaparty ang narinig ko nung gabing yun?
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?