Hi spookify,, gusto ko lang ishare ang karanasan ko nagsimula ito nung pgkatapos kong manganak 2011 mga ilang months n din anak ko nung time na yun,tinayuan kami ng mama ko ng maliit na tirahan ,,habang ako ay nagsasampay sa likod bahay ang nakarinig ako ng sumisitsit skin, nung unang sitsit niya lumingon lingon ako,,alam ko na walang tao dahil wala naman nakatira sa likod bahay namin dahil dating gubat yun lugar namin hanggang sa naging tatlo na ang pagsitsit niya sa akin,,dali dali akong umuwi ,,pero mga ilang buwan pa ang lumipas pumunta ako sa bahay ng mama ko dahil nandoon anak ko ,sbi niya tulog ang anak ko sa taas ng bahay niya at samahan ko ang anak ko dahil mgluluto na siya,umakyat ako at humiga katabi ang anak ko.Sa may kwarto ay may bintana at maya maya pa ay may sumitsit na naman tatlong beses lalaki yung boses niya, nagmamadali akong bumaba kasama anak ko,at umuwi na kami ,habang matutulog na kami sa bahay ay parang sinundan na naman ako ng kakaibang boses na yon ,may sumitsit na naman sa takot ko nagtalukbong ako ng kumot,,pagkalip
as ng ilang buwan ay habang nagkukuwentuhan kmi ng ate ko sa kwarto niya sa bahay ng mama ko ay nakarinig ako ng kumakanta lalaki pero hindi ko maintindihan ang salita niya parang nasa tabi ko lang ,sabi ko sa ate ko narinig mo ba yung kumakanta? Hindi siya nagsalita..tpos may kumanta na naman ,biglang tumayo ang ate ko at bumaba ng hagdan ..at ngayong buwan lang ay nagkwento sa akin ang mama ko dahil napanood niya na ang salamin daw ay pinamumugaran ng mga elemento, at bawal nkatapat sa higaan kaya sinabitan niya ito ng rosaryo ,pag baba niya ng hagdan, ay kinuha niya ang cellphone niya habang siya ay nakatayo ay biglang may sumitsit sa kanyang lalaki, kunwari ay di niya narinig ,ngunit ito ay inulit ng mas malakas doon na nagtayuan ang kanyang mga balahibo..hanggang dito nalang ang kwento sana ay nagustuhan ninyo...
««Sanchai »»
Q.C
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorAng storya na ito ay kinuha ko sa spookify. Hindi ito sakin sa spookify ito,ok?