Parlor

54 0 0
                                    


Tawagin nyo na lang ako name na “Angyl”. Marahil, nagtataka kayo bakit “Parlor” ang title ng story ko? Share ko lang yung mga kababalaghan na naranasan ko sa aming parlor!

Hindi pa daw ako pinanganak, nakatayo na ang parlor namin. 20 years na ang parlor namin, isa ito sa sikat na Beauty salon sa Iloilo City! So ito na nga, yung kinatatayuan ng parlor namin ay sa isang malaking building ang may ari ay isang Chinese. Parang bahay na din namin ang parlor, doon na kasi ako lumaki.

1st experience: Doppleganger

Ako yung tipong hindi naniniwala sa mga multo, aswang, duwende, kapre o ano ba dyan. Ika nga, “To see is to believe” para sa akin. 
Way back nung high school ako, kakauwi ko lang galing school para mag lunch. Papasok sana ako ng cr nang makita ko si ate papasok dn. Tinawag ko sya ngunit hindi sya sumagot o lumingon mn lang. Kaya hindi na muna ako pumasok. 
Nag hintay ako pero ang tagal nya. Kaya pinasok ko na lang at laking gulat ko na lang na wala pala tao ang cr namin?! Wtf kaya dali-dali ako lumabas at tinanong si mama.

“Ma! Si ate asan??”
“Nasa school pa bakit?”
Nang marinig ko bigla ako nabingi. Eh sno yung nakita ko? Hindi ako magkakamali, si Ate un! Kahit nakatalikod sya kilala ko sya! Naka school uniform pa nga sya eh at nakatali ang buhok!
At doon nagsimula ang paniniwala ko sa mga ibat-ibang elemento.

2nd Experience: White Lady

This is not my experience, kundi kay ate. Tanghali na ng makauwi ako ng parlor namin para mag lunch. Pero bumungad sa akin ang iyak ni ate.
Grabe iyak nya, tulo sipon. Makikita mo sa mga mata nya na takot na takot sya. 
Umiiyak sya sa dahilan na nung nag c-cr sya, tumingin sya sa taas (2nd floor) ay nakita nya daw yung White lady na nakatingin sa kanya at nanlilisik ang mga mata. Maingay daw si ate eh kaya daw sya pinakitaan sabi ng tito ko.
Nang nalaman ko yung nangyari kay ate, bigla ako kinalibutan. Kasi hindi pa ako nakakita ng white lady? Doppleganger lang ni ate.

3rd experience: Bulong

Nag desisyon kami nila mama na sa parlor kami matulog kasi Dinagyang Festival bukas. May double deck naman kami.

Nakahiga na ako, katabi ko sila mama at ate. Una, naka idlip ako at nagising ako bigla kasi may bumulong sa akin. Tumayo ako para tignan ang sa taas ng double deck ngunit walang tao. Sila mama at ate naman ay himbing na himbing sa pag tulog. So, natulog ulit ako kasi akala ko baka guni-guni lang. Nang ipikit ko na aking mata, pucha! May bumulong na naman! Hindi ko maintindihan yung sinasabe, tapos tumatawa pa sya. ramdam ko pa ung boses nya na nag e-echo sa tenga ko. Tinakpan ko yung tenga ko ng unan ngunit hindi pa rin sya tumitigil. Hindi ko na matiis, ginising ko sila mama at ate at doon na ako umiyak ng todo.

Sabi nila may nakatira daw sa parlor namin. Isang babae at isang bata. Kahit sila tito ay nakaramdam din at pinapakitaan pa nga ngunit hindi nila ito pinapansin. Basta wag ka lang daw maingay kasi ayaw daw nila yun. At sabi pa ni tito, lucky charm daw yun nag babantay ng parlor namin.

Nung 2011, ay tuluyan na kami nag sara ng parlor sa dahilan ay nagmahal ang renta. Wala akong magagawa, gusto ko man sabihan sila tito at mama na wag ipasara ang parlor eh hindi din naman na makakaya ang renta. Para makikita ko pa din ang first love and crush ko na si Joshua. Bwesit kasi yung intsik.

So dito na nag tatapos ang kwento ko. Hindi mn nakakatakot sa inyo pero para sa akin, yun ung hindi ko makakalimutan sa tala ng buhay ko!

Angyl
Iloilo City

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon