PROLOGUE
Glenn's POV
"Are you ready?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Mommy. Hindi ko alam. Hindi naman sa nagdadalawang-isip ako pero... kinakabahan kasi ako. Wala rin naman akong balak mag-backout pero siguro sadyang ganito lang talaga.
Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang bride sa mundo na kinakabahan sa maaaring wedding jitters na maganap kung sakali. I know my vows pretty well. Pinaghandaan ko ito eh. Pinaghandaan namin ito for two years. Hindi ko alam kung paano kami tumagal ni Keith pero tingin ko magiging mahabang lakbayin pa ang magaganap kung sakaling ikwento ko ang lahat ng nangyari noong naging kami.
Having Keith as my boyfriend is like a roller coaster ride. Nakakaloka. Nakaka-excite. Nakakakaba. Nakakabaliw. Keith isn't just any other guy. He's Keith Jacob Anietas, ang anak ng presidente ng academy na pinanggalingan ko—namin. He's Keith Jacob Anietas, the silent heartthrob way back high school and college. He's Keith Jacob Anietas, the rich kid with drop-dead gorgeous face.
And you're Glenndaline Ocampo, his soon-to-be wife.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Ano itong mga iniisip ko? Ikakasal nalang kami't lahat, kung ano-ano pa iniisip ko.
"Anak, wag kang kabahan." Tinitigan ako ni Mommy. "I can't believe mauunahan mo pang magpakasal ang kuya mo."
Napangiti nalang ako. Si Kuya kasi eh. Hindi pa magpropose kay Ate Mariella. Atat na akong magkaroon ng pamangkin sa kanya. Haha.
"Ma'am, andito na po tayo."
Lalong lumagabog ang dibdib ko. Andito na kami. It's now or never. Nagdasal pa ako bago lumabas. Inalalayan ako ni Daddy at Mommy sa pagbaba ng kotse. Para akong prinsesa sa suot kong gown. I never knew a wedding gown would really be beautiful to me.
"You look so beautiful, my princess. You'll always be my princess even if you're going to be someone else's queen already."
Naluluha ako sa sinabi ni Daddy. Niyakap ko siya nang mahigpit. Siguro nga, nakakaiyak para sa isang magulang na pakawalan ang isang anak na naging attached na sa kanila for a long time. Ganoon din ang nararamdaman ko bilang anak nila. But this is life.
Nag-ayos na ako.
"Ma'am, ready na?"
Bakit ba lagi nalang akong tinatanong ng lahat kung ready na ako? Mukha bang hindi?
"Bubuksan na ho namin ang pinto in three seconds," sabi nung lalaki.
Tumango lang ako at huminga nang malalim. As they slowly opened the door, I flashed my most beautiful smile. Nakatingin silang lahat sa akin habang nakangiti. Then Cheska, Matt and Luke started to play the music with their instruments. Sila ang nagprisintang tumugtog sa kasal ko. Para raw maalala ko kung paano nagpropose sa akin si Keith.
Tutugtog din sila mamaya sa reception. Ang supportive lang ng bestfriends namin ni Keith.
Dahan-dahan kaming naglakad sa gitna ng altar. Ramdam ko yung adrenaline rush. Kinakabahan ako at the same time ay nae-excite.
And my heartbeat doubled as I saw the most handsome guy near the altar. Nasa gilid ito kung saan kalapit nito sina Luke at Matt na tumutugtog. He looks so perfect with his tux. Now, sino ba namang babae ang magdadalawang-isip pang pakasalan ang ganitong lalaki?
Nagsalubong yung mga mata namin. My eyes were already wet. This is the happiest day of my life. Sandali kaming nagtitigan tapos bigla siyang nagtaklob ng mukha gamit ang palad. Tapos nakita kong nagtaas-baba yung mga balikat niya, tanda na siya ay umiiyak.
"I know this is gay... but... I just couldn't help it," natatawang sabi niya kapagkuwan. "Just look at her! I can't believe I am marrying a goddess!" he almost shouted.
Nagtawanan yung mga tao sa loob ng simbahan. Ang baliw talaga ni Anietas kahit kailan.
Oh, girl! You are going to be an Anietas, too, soon.
Ayokong umiyak kaya pinigilan ko. I want to look gorgeous in front of the altar... as we say our vows... as we say 'I do'.
Matapos naming maglakad sa gitna, kinamayan ni Daddy si Keith at hinalikan ni Mommy si Keith sa pisngi.
"Please, take care of our princess," Daddy said.
Keith stood straight. "Yes, Sir. I will take care of my queen."
Then the ceremony started. All was so perfect. All went smoothly. This could be a fairytale. Yun nga lang, kinakabahan pa rin ako. Feeling there is something that will go wrong. Hindi ko alam kung ano at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
"If any man can show just cause, why they may not lawfully be joined together, let him now speak, or else hereafter for ever hold his peace."
Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Please...
"I object!" Nanlaki ang mata ko. Halos sabay-sabay naming nilingon ang nagsalita na nasa bukas na pinto ng simbahan. "Itigil ang kasal na to!"
The girl looks foreign. Para siyang may lahi. She has this rich mahogany hair with wavy curls. She wears a simple red dress and a pink stiletto. She also has light makeup on. Ang puti-puti niya. Yung tipong kahit kumain ako ng chinchansu ay hindi niya ako magiging kasingputi. In an instant, I felt insecured.
"Hija, ano ang dahilan mo para pigilin ang kasal na ito?" malumanay na tanong ng pari.
Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ko. Ito ba yung dahilan kung bakit ako kinakabahan kanina?
"Because I am pregnant." Ang tapang ng anyo niya. "And that groom, Keith Jacob Anietas, is the father of my child."
Parang lahat ng dugo ko sa mukha, lahat ng kasiyahang nararamdaman ko kanina, lahat ng excitement na naramdaman ko kanina, na-drain. Ramdam ko ang pamumutla ko at panlalambot ng tuhod ko. Gusto kong maiyak. Nananaginip lang ba ako? Please naman, kung oo, gisingin niyo ako. Not in the happiest day of my life. Please.
Nilingon ko si Keith na nakaawang nang kaunti ang bibig niya. Halatang gulat na gulat din siya. Totoo kaya ang sinasabi ng babae?
"Alynise..."
Alynise? So kilala nga niya yung babae? Lalo akong nanghina. Parang gusto kong himatayin bigla.
"What the hell..." he whispered.
Yes, Keith. What the hell.
*
A/N: Alynise... name derived from Alyssa at Dennise na request ni AAADDDIII mula sa comment niya sa HFTSOU chapter 40. Hey, girl! Gumawa ako ng story na may pangalan na Alyssa at Dennise. Kontrabida nga lang. Ito na yun. Lol. XD
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)