CHAPTER 01

506 16 0
                                    

AMBRY's POV

Andito ako ngayon sa park. Katatapos ko lang mag-ayos ng mga papeles para sa paglipat ko ng school. Habang nagmumuni-muni ako ay may isang batang lalaki ang lumapit sa akin at inabot ang isang rosas.

"Ate Pretty, may nagpapabigay po sayo." at inabot niya ang isang puting rosas. Tatanungin ko sana kung kanino galing pero wala na yung bata. Ang bilis naman niyang nakaalis. Weird.

Tiningnan ko yung rosas. Ang ganda nito, puting-puti at walang bahid ng kahit anong dumi. Inamoy ko ito. Ang bango pero nakaramdam ako ng kakaiba. Unti-unting umikot at nanlabo ang aking paningin. Natumba ako at naramdaman kong may sumalo sa akin.

"Patawad Ambry ngunit kailangan kong gawin ito." Narinig ko pa ang tinig ng isang lalaki then everything went black.

SOMEONE's POV

"Nakuha ko na po siya." balita ko sa amo ko matapos kong makuha si Ambry.

"Sige, magaling. Pansamantalang ikulong mo muna siya sa isang kwarto diyan sa bahay." sagot ng amo ko sa kabilang linya.

"Boss, bakit ba kailangan nating gawin ito?" tanong ko.

"Kailangan nating gawin para sa ikabubuti ng lahat. Maaaring mapunta sa wala ang ating plano kapag hinayaan natin siyang nakikita ng lahat." paliwanag ng aking amo.

"Sige po, babantayan ko siyang mabuti." ako at ibinaba na ang tawag. Nabaling naman ang pansin ko kay Ambry na mahimbing na natutulog.

"Hindi pa rin kumukupas ang iyong kagandahan, Ambry." wika ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha mula sa mapupungay na mata dahil na rin sa mahahaba nitong pilik-mata, sa matangos niyang ilong at mala-rosas na labi.

"Kahit tulog ka, nakakapang-akit ka pa rin. Kaya hindi na ako magtataka kung nabihag mo ang pihikang puso ni Jenrix." natatawa na lang ako sa sarili ko. Parang baliw na ako kakasalita mag-isa.

"Pahinga ka muna, aking prinsesa." hinalikan ko siya sa noo at umalis na.

*fast forward*

AERY's POV

"Let's go" pag-aaya sa akin ni Dad. Ihahatid niya kasi ako sa bago kong school, ML Academy. Kwento ko mamaya kung bakit ako ang papasok doon at hindi si Ate Ambry. Ang weird nga kasi walang nakalagay na meaning ng ML. But I'm sure, hindi yun mobile legends. Sayang, walang Layla. hihi...

At yung logo, alam ko na kung saan ko nakita. Sa images ni Google. Just kidding. Nakita ko yun sa gamit ni Dad. Meron siyang keychain na may maliit na tube na kulay pula at parang medal na ang tatak ay yung logo ng school. Feeling ko nga dugo yung nasa tube eh.

"We're here." napatingin ako kay Dad. Sa sobrang daldal ko, di ko namalayang andito na pala kami. Paglabas ko ng kotse, isang malaking arko ang sumalubong sa akin.

"Woahh. Anlaki nito kaysa sa nakaraang school namin ni Ate." banggit ko sa kawalan.

"Pumasok na tayo. Hinihintay na tayo ng headmistress." aya ni Dad.

Habang naglalakad ako sa hallway ay maraming mata ang nakatingin sa akin. Iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa kanila. May malungkot? Nakangisi at natatakot? Kamukha ko ba yung clown sa IT o kaya si Sadako? Hindi naman ako multo. Hindi ko na pinansin pero may isang lalaki ang nakita ko na nagulat pero ngumiti ng makabawi sa ulirat. Luh? Di ko na lang pinansin at sumunod kay Dad.

*tok!tok!tok!*

Kumatok si Dad at pumasok na kami sa office.

"It's been a long time, Mr. Mendez." bungad ng headmistress habang pinaikot paharap sa amin ang kanyang upuan. Magkakilala sila? Anong meron?

"You're right, Ms. Feivy Heart. It's been a long time since you replaced me as the headmasters." sabi ni Dad at ngumisi. And what? Dati siyang headmaster ng school na ito? Bakit di namin alam yun? Kaya pala meron si Dad ng keychain na yun.

"So, is she your daughter?" tanong ni headmistress na nagpabalik sa aking diwa.

"Yes at dito ko na siya pag-aaralin. Please take care of her no matter what. Ayaw kong maulit ang nakaraan" Bakit parang may ibig sabihin dun si Dad? At nakaraan?

"Yes, of course. You still have my loyalty. Ako na ang bahalang mag-explain sa kanya ng mga bagay na kailangan niyang malaman." sagot ni headmistress kay Dad at ngumiti. Ako lang ba? oo, ako lang. Wala namang ibang tao bukod sayo. Tanga mo, Aery. Feeling ko may sikreto sila.

"Sige, aalis na ako. I still have a meeting to attend." pagpapaalam ni Dad at hinalikan ako sa noo.

"Take care, Baby." sabi niya. That was the first time that I felt he cares for me. Ang sarap sa feeling parang rebisco, lols.

"Yes, Dad." ako at ngumiti then tuluyan na siyang umalis.

- Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon